Share

CHAPTER THREE

"Jessy, don't say na walang kakayanan ang kapatid mo dahil alam nating meron, sadyang hindi pa talaga siguro napapanahon makabuo sila," saad ni Papa na may pananaway sa kambal ko.

"Papa, walang kakayanan o meron man hindi nga sila makapag-produce ng baby in natural way so what is the right term for that? Jessa can't bear Damsel's child because they aren't compatible, all I am saying is what's based on science," saad ni Jessy sabay buntong hininga.

Wala talagang paligoy-ligoy kung magsalita ito kung ano ang sa tingin niyang dapat sabihin ay sinasabi niya.

She is only based on facts. Napansin ko rin na she doesn't sound like she's mocking me, she sounds really concerned about my situation like a sister does. Napangiti na lang ako ng mapait.

"I know it's really hard for you hija, but you have to stay strong kung ano man kahinatnat ng marriage niyo, baka nga tama ang Papa mo na hindi pa lang din talaga napapanahon para makabuo kayo," pang-aalo ni Mama sa 'kin sabay hagod niya sa balikat ko.

"Three years na silang nagsasama hindi pa rin napapanahon? Eh, kailan pa ba dapat? Look Jessa, my intention is not to hurt your feelings but we are talking about the reality, kaya ka nandito para humingi ng payo kung ano ba dapat ang tamang gawin mo 'di ba? Ngayon I'm suggesting you to undergo surrogation dahil iyun ang last option niyo," litanya ni Jessy at hindi 'ko tuloy maiwasang hindi masaktan.

Iisa sila ng sinabi ni Damsel kagabi na tatlong taon na nga kaming nagsasama ngunit wala pa rin. Wala pa rin kaming anak.

"Stop pressuring your sister, Jessy," saway muli ni Papa sa kanya ngunit nagpa-lipat-lipat lang ang tingin nito sa 'ming tatlo.

"Jessy is not pressuring me Pa, ayos lang and let her talk. Tama naman lahat ng sinabi niya, I can't bear Damsel's child because of these possibilities na baka nga our genes are not compatible to make a baby," saad ko na puno ng kalungkutan.

Dapat ko na lang sigurong tanggapin na wala na talagang pag-asa ang relasyon namin ng asawa ko, gusto ni Damsel na makita na ang bunga niya pero hindi ko maibigay-bigay.

"Bakit parang sumusuko ka na Jessa? Are you really my sister? Hahayaan mong maghiwalay kayo ng asawa mo at ibang babae ang anakan niya? Mag-isip-isip kang mabuti Jessa at hindi ko siya ipinaubaya sa 'yo para lang ganito ang kahantungan niyo, ayokong maghiwalay kayo at makita kang umiiyak at miserable dahil sa pagiging makasarili niya!" Hindi ko inaasahan ang mga katagang lumabas sa bibig niya kahit sina Mama at Papa ay nabigla rin.

Tama ba lahat ng narinig kong sinabi niya? Is she really concerned about me? Ayaw niya na makitang maghiwalay kami ng asawa ko?

She looks matured now, at wala na ang imahe ng spoiled brat kong kapatid, natutunan niya nang tanggapin ang mga bagay-bagay.

Naalala ko tuloy bigla ang sinabi sa 'kin kagabi ni Damsel na h'wag kong ni-la-lang lang na hindi kami makabuo dahil para sa kanya ay malaking bagay 'yon, kahit sa akin din naman ay malaking bagay rin 'yon ngunit wala akong magawa. Awa at pagkahabag na lang ang nararamdaman ko para sa sarili ko.

"What am I going to do Jessy? I'm losing hope, ayaw ni Damsel sa ideya ng surrogation at mahirap siyang kumbinsihin lalo na sa mga ganitong usapin," saad ko sa malamya kong boses sabay hugot ng malalim at bumuntong hininga.

"Let me help you to convince him," prinsinta niya na ikinagulat ko at kunot noo siyang tiningnan.

"What are you saying, Jessy?" Sa pagkakataong 'to ay si Mama na ang nagtanong at halatang naguguluhan din silang dalawa ni Papa kung anong ibig nitong sabihin.

"Help me convince him? You making me laugh Jessy, ako nga na asawa na hindi ko siya mapapayag, ikaw pa kaya?" tanong ko bilang pagtutol ko.

Pinagsaklob ni Jessy ang dalawa niyang palad at yumuko na tila may malalim na natakbo sa isip niya at saka siya muling nag-angat ng tingin sa 'kin, sa amin.

"I said let me help you convince him hindi ko siya kakausapin ng ako lang, siyempre 'yung kaharap ka para lang mas maunawaan niya na hindi lang siya ang nahihirapan kundi ikaw rin, ewan ko lang kung hindi pa siya pumayag sa iaalok ko," saad niya kaya muli kaming nagkatinginan nina Papa at Mama.

What's going on in her mind?

"Anong alok? Diretsuhan mo na kami Jessy, h'wag mo na kaming pahulain pa," sabat ni Papa at saka huminga malalim si Jessy at pinakatitigan kaming mabuti. Napansin ko nagaalangan pa siya sa gusto niyang sasabihin.

"Willing ako maging surrogate mother ng magiging anak niyo, Jessa. I think it's not a bad idea, I guess? Siguro papayag si Damsel kung hindi ibang tao ang magdadala ng anak niya? We are twins Jessa, isipin niya na lang na sa tuwing titingnan niya 'ko ay ikaw ako," Napaawang na lang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya.

Nanlaki naman ang mata ng mga magulang namin at hindi agad nakapagsalita habang hindi pa rin ma-process ng utak nila ang sinabi nito at wala sa loob akong napatayo habang nakakuyom ang dalawa kong palad.

"JESSY!" panabay na sambit nina Mama at Papa sa pangalan ng kambal ko nang napagtanto na nila ang sinabi nito.

"Suggestion lang 'yon Ma, Pa. Nasa sa kanilang mag-asawa pa rin kung willing ba silang tanggapin ang offer ko para maging surrogate mother ng anak nila. Hindi naman 'yon sapilitan, naisip ko lang din kung anong makakatulong sa kanila para hindi masira ang marriage nila na matagal na nilang iniingatan," paliwanag nito habang ako hindi ko alam kung anong mararamdaman ko o kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko.

"Marahil kung mapapapayag mo man si Damsel pwes ako hindi," saad ko sabay nagtaas ng tingin sa kanya.

Nagtama ang mga mata namin ni Jessy at kita ko na tila ba baliwala lang sa kanya ang sinabi niya. Parang hindi big deal sa kanya ang kalokohang naisip niya!

Why would I allow my twin sister to carry our child? Gayong alam ko na may history sila ng asawa ko?

Idagdag pa ang sinabi ni Damsel kagabi na sana si Jessy na lang ang pinakasalan niya imbis na ako kung alam niya lang na hindi pala ako mabubuntis?

Her idea is insane.

"Well it's up to you sis, sabi ko nga walang sapilitan pero kung sakaling magbago ang isip mo, bukas ang pinto ko para sa 'yo at willing ako na makipag-negotiate sa inyo," saad nito at ngumiti.

Nahagod ko ang mahaba kong buhok at muling napaupo sa silya, tumingin ako sa mga magulang ko para hingin kung anong komento nila ngunit bakas din sa mga mukha nila ang tila pagdadalawang isip.

"Mama, Papa baka naman meron pa kayong alam na ibang paraan?" pagsusumamong tanong ko kaya bumakas ang awa sa mga mukha nila.

"It's really hard to decide what we are going to do, hija, even me and your Mom can't suggest something that will help you," malungkot na sagot ni Papa na ikinalaglag ng balikat ko.

"Ganito lang naman 'yan Jessa, You have two last options. It either gives up your marriage with Damsel or lets us convince him to undergo surrogation; now choose." Pakiramdam ko pressured ako.

Ayokong maghiwalay kami ni Damsel, mahal na mahal ko ang asawa ko at hindi ko kaya na mawala siya sa 'kin.

Should I accept my twin sister's offer?

"Hindi ganu'n kadaling magdesisyon Jessy," saad ko kasabay ng pagyuko at naisapo ko na lang ang palad ko sa noo habang nakatukod ang siko ko sa lamesa.

"If you're thinking na aagawin ko ang asawa mo sa 'yo pwes wala akong balak. I'm happy with my single life hindi na ako interesado sa lalaking pagmamay-ari na ng kakambal ko. At siyam na buwan lang naman Jessa, after no'n maghiwa-hiwalay na tayo ulit. I'm doing this for the sake of your marriage with the man na alam kong mahal na mahal mo, I'm willing to sacrifice my sexy figure para lang sa inyong mag-asawa at sa ikaliligaya niyo, kung hindi ko lang maaatim na makita kang iiwan ka ng asawa mo hindi ko 'to gagawin," mahabang litanya niya na nakapagpatigil sa 'kin.

Hindi ko namalayan ang pagbagsak ng mga luha ko hindi ko alam pero bakit ang gaan sa pakiramdam na marinig ang dahilan kung bakit niya 'ko gustong tulungan?

She's willing to surrogate herself h'wag lang akong iwan ng asawa ko, is that what sister's love? I may look desperate now pero iyun naman talaga ang totoo kaya hindi ko itatanggi.

"I-Is that true?" nauutal kong tanong na ikinatango niya at magaang ngumiti sa 'kin.

Tamayo siya at lumapit sa 'kin at naupo sa tabi ko, nagulat ako nang bigla niya na lang akong hilahin at yakapin.

"Hindi na tayo mga bata Jessa para lang mag-agawan sa iisang laruan na pareho nating natipuhan. I let you have him at hindi na 'ko nag-asam pang ako ang magugustuhan niya, we are now adults, gagawin ko 'to dahil alam kong ito ang kailangan mo," saad niya kaya automatiko akong gumanti ng mahigpit na yakap sa kanya.

Lumamlam naman ang ekspresyon ng mga magulang namin habang pinapanuod kami dahil ito ang matagal na nilang gusto, ang magkaayos kaming dalawa ng kakambal ko.

I can't imagine na sa ganitong sitwasyon ko pa ito maaasahan, she's willing to sacrifice her body. We all know Jessy, she is so very conscious when it comes to her figure pero naisipan niya maging surrogate mother para lang tulungan ako sa problemang kinakaharap ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status