Share

CHAPTER SIX

Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay agad-agad akong bumaba ng sasakyan at nagmamadaling umakyat sa silid namin at ini-lock ko ang pinto. Umiiyak akong dumapa sa kama habang ang mukha ko ay nasa unan.

"Jessa, open this damn door," kalmado ngunit bakas ang pigil na galit sa boses ni Damsel at mayamaya narinig ko na lang ang kalansing ng mga susi hanggang sa tuluyan na ngang bumukas ang pinto.

Naramdaman kong tumayo siya sa may paanan ng kama habang nakapamaywang at mataman akong pinapanuod sa pagngawa ko.

"Iiyak ka na lang ba maghapon?" Para namang biglang nagpanting ang tainga ko at kaagad akong bumangon sabay pinagbababato siya ng unan.

"F*ck you, Damsel! F*ck you!" sigaw ko sa kanya na ikinadilim ng mukha niya.

"Kailan ka pa natutong magsalita sa 'kin ng ganiyan? You know it's a bad word wife," saad niya sa kalmado pa rin niyang boses.

Gusto kong matawa, wife?

"Talaga bang asawa, Damsel? Talaga bang asawa ang tingin mo sa 'kin o tau-tauhan mo lang dito sa bahay na anytime na gusto mong i-dispose ay i-di-dispose mo na lang??" tanong ko sa pagitan ng paghikbi ko.

Basang-basa na ang mukha ko dahil sa nagkalat at pinaghalong pawis at luha.

"Look, just give me what I wanted Jessa! And everything will be back to normal! Iyun lang ang hiling ko sa 'yo, bigyan mo ako kahit isa! Then, walang hiwalayan na mangyayari dito!" Sa pagkakataong 'to hindi niya na napigilang magtaas ng boses.

Everything never been normal since we got married.

"But how?! Tell me, how? How could I give you a child that you wanted eh, hindi tayo makabuo! Natatakot ako, ayokong iwan mo 'ko! I'm so f*cking scared!" sigaw ko sa kanya na ikinalamlam ng mga mata niya.

Nag-iwas siya ng tingin habang hinihilot ang sintido at sandaling tumalikod at agad ding humarap sa 'kin.

"Isang anak lang Jessa, iyun lang para hindi kita iwan," saad niya kasabay ng pag-blangko ng mukha niya.

Yumuko ako at mapait na tumawa.

"Hindi ba kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo 'to kayang saktan? Pagmamahal nga ba talaga ang nararamdaman mo para sa 'kin? You won't say all the things that might hurt me kung talaga ngang mahal mo 'ko. I think your word love, it means hate, you hate me Damsel, you don't really love me," puno ng hinanakit ko na saad sa kanya kaya napahilamos na lang siya gamit ang dalawa niyang palad.

"Let's end this nonsense conversation, walang patutunguhan itong paguusap natin, matulog ka, pagod lang 'yan," pambabalewala niya na naman sa nararamdaman ko kaya walang lakas akong napahiga sa kama.

Paano rin ako mabubuntis nito eh, madalas akong stress sa kanya? Ang bilin ng mga doctors ay h'wag magpaka-stress dahil nag-li-lead din daw 'yon ng infertility.

Akmang palabas na siya ng silid nang sabay kaming mapasulyap sa isa't isa. Ako na lang ba talaga ang nagpapahalaga sa relasyon na 'to?

Kapag ba nabigyan ko na siya ng kahit isang anak lang, ibibigay niya na rin kaya sa 'kin ang buong atensyon at pagmamahal niya bilang asawa ko?

My head is throbbing.

Kita ko ang bakas ng awa sa mga mata niya pero sigurado naman akong ang importante lang sa kanya ay ang nararamdaman niya.

"Aren't you going to accept my sister's offer?" wala sa loob kong tanong habang nakatigilid ang mukha kong nakatingin sa kanya habang nakahiga ako.

"Let me think about it first," tipid niyang sagot.

"Bakit hindi mo na lang tanggapin? Para h'wag mo na 'kong iwan?" tanong ko na kamuntikan pa 'kong pumiyok.

"You don't know what you're saying," saad niya na tila napakahirap talaga para sa kanya ang mag-desisyon.

"Ano bang nagpapahirap sa 'yo para makapagdesisyon? Natatakot ka na baka matukso ka sa kakambal ko at baka tuluyan mo na nga 'kong i-annul at siya na lang ang kasamahin mo?" tanong ko sa blangkong ekspresyon habang natulo ang luha.

Nakita kong nabigla siya sa hindi inaasahang tanong ko habang nakahawak siya sa door knob.

"You told me last night na nagsisisi kang ako ang pinakasalan mo at sana siya na lang, kita ko sa mga mata mong hindi ka lang nabigla o nagalit kaya mo 'yun nasabi, nasabi mo 'yon kasi 'yun iyung iniisip at nararamdaman mo," dagdag ko pa na ikinayuko niya.

Bumuntong hininga siya saka tumangila.

"H'wag kang mag-isip ng mga bagay na ikasasakit mo," saad niya na tila nahihirapan din.

"Ano ang pakiramdam mo nang makita mo ulit ang kakambal ko kanina at magkatapatan pa kayong dalawa? May kirot pa ba diyan sa puso mo dahil sa labis na panghihinayang?" tanong ko na alam kong magpapa-trigger sa kanya.

"STOP! Isa pa Jessa! Talagang hindi na 'ko makapagpigil saktan ka kapag hindi ka pa tumigil sa mga pinagsasasabi mo!!" galit niyang bulalas.

Inaasahan ko nang ito ang magiging reaksyon niya kaya tumawa ako ng ubod ng pait, ako ang asawa pero hindi ako ang mahal.

"Fine, I'll stop, umalis ka na magpapahinga na 'ko. Sa guest room ka na matulog mamayang gabi," saad ko na may pagtataboy sa kanya at tumalikod na 'ko ng higa.

Nasapo ko ang bibig ko upang pigilan ang paghagulgol nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto hudyat na tuluyan na nga itong lumabas.

This pain is killing me.

Ako ang pinili kahit hindi naman ako ang talagang mahal, pinili niya lang naman akong pakasalan dahil gusto niyang makuha ng magiging anak niya ang magagandang katangian ko.

Pero ang totoo, he was just attracted to me but his heart is screaming for Jessy. Makamukha lang kami ng kapatid ko ngunit malaki ang kaibahan naming dalawa lalo na sa personalidad.

Ang akala siguro nila hindi ko malalaman, ang akala nila wala akong ideya sa naging nakaraan nila, akala rin nila ang alam ko lang ay malalim na pagtingin ni Jessy kay Damsel pero higit pa ro'n ang nalalaman ko.

Naalala ko tuloy bigla ang masakit na senaryong nasaksihan ko noon bago kami ikasal.

_THREE YEARS AGO_

"Why did you choose Jessa kahit na alam naman nating dalawa na ako naman talaga ang mahal mo!?" puno ng hinanakit na tanong ni Jessy kay Damsel habang nasa loob sila ng dressing room at ako ay nagtatago dito sa labas ng pinto na may kaunting siwang.

Natutop ko na lang ang bibig ko sa gulat sa narinig ko, sana sinabi agad ni Jessy ng mas maaga para nakatanggi ako, hindi ko naman para agawin si Damsel kung alam kong may relasyon na pala sila.

"I'm sorry Jessy, but I don't see you as the mother of my future child," saad ni Damsel at nagulat ako sa sumunod na nangyari nang isang malakas na sampal ang tumama sa mukha niya.

"F*CK YOU DAMSEL! BUT I STILL LOVE YOU! I GAVE ALL TO YOU, MY BODY AND MY SOUL, pero ito ang isusukli mo sa 'kin? Kakambal ko pa talaga ang napili mong pakasalan? Shame on—"

Mas natutop ko ang bibig ko nang makita ko kung paano angkinin ni Damsel ang mga labi ni Jessy, they kissed torridly and here I am watching these two real couples.

Ako ang nagmukang kontrabida sa kanila.

Hindi ko alam pero sobrang sakit sa dibdib, bakit ako ang pinili niyang pakasalan kahit na hindi naman ako ang tunay na nilalaman ng puso niya?

May nangyayari na pala sa kanila noon pa man, they keep it secret until this wedding day comes, ni walang katunog-tunog na mayroon palang namamagitan sa kanila. But why?

Bakit kailangan pa nilang i-sikreto, bakit kailangan ako ang kailangang pakasalan?

Mas ikinagulantang ko ang sumunod na nangyari nang tanggalin ni Damsel ang suot ni Jessy at bumagsak sa sahig ang suot nitong silk robe at tumambad ang hubad nitong katawan sa harap ni Damsel at walang habas siyang inangkin ng lalaking mamaya lang ay haharap sa 'kin sa altar...

_THE PRESENT~_

Huli na nang malaman ko nu'ng mga oras na 'yon dahil handa na ang lahat, trenta minutos na lang ay ikakasal na kami kaya wala nang oras para umatras pa dahil si Damsel mismo ang gustong pakasalan ako, idagdag lang na gusto ko rin siya pero kung maaga ko lang nalamang may namamagitan pala sa kanila hindi sana ako pumayag magpakasal.

Hanggang sa natagpuan ko na lang din ang sarili kong nagpaubaya kay Damsel hanggang sa unti-unti na nga lumalim ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya sa loob ng mga nakalipas na panahon.

I never confronted Damsel o kahit si Jessy ay hindi rin, hindi ko isiniwalat ang nasaksihan ko at nagkunwaring walang alam.

Kung ngayon ako papipiliin, hindi ko na hahayaang mapunta si Damsel kay Jessy dahil masiyado na kaming maraming pinagdaanang mag-asawa.

Kaya mas labis-labis ang pagkukuli sa 'kin nang ialok ni Jessy ang sarili niya maging surrogate mother ng magiging anak namin.

Makita ko pa lang na lumalaki ang tiyan ni Jessy at todo alalay si Damsel ay para nang literal na sinasaksak ang puso ko sa sakit na gayong alam kong minsan na silamg nagkaroon ng malalim na ugnayan sa isa't isa.

Pakiramdam ko, ako ang naging kontrabida sa naudlot nilang pag-iibigan, ako ang pumutol at humadlang sa relasyon nilang pausbong na sana.

Kung ano man ang rason ni Damsel kung bakit ako ang pinakasalan niya marahil ay ganu'n katindi 'yon dahil nagawa niyang isantabi si Jessy para lang sa 'kin.

Kaya kahit labag sa loob ko, gagawa ako ng paraan para mabigyan ng kahit isang supling ang asawa ko, kahit pa gamitin ko si Jessy na maghahatid sakit lang sa 'kin ay handa kong tiisin, h'wag lang ako iwan ng lalaking pinakamamahal ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status