Share

CHAPTER FIVE

"You think dahil lang sa mga sinabi mo, papayag na 'ko? That's the baddest idea I've heard," saad ni Damsel na siyang ikinabagsak naman ng balikat ko. Ewan ko ba pero maalin man ang maging desisyon niya naghahatid bigat pa rin sa kalooban ko.

"That's not a bad idea kung makakatulong naman sa inyo," giit ni Jessy.

"Tatanungin kita, bakit ba ipinagpipilitan mo? What's your purpose behind doing this?" mapanuring tanong ni Damsel habang naniningkit ang kanyang mata.

Tumawa lang ng pagak si Jessy na ikinasalubong ng kilay ng asawa ko.

Kahit ako nabigla rin sa tanong ni Damsel pero gusto kong marinig ang sagot ni Jessy dahil kapatid ko ito at isa ako sa mga mas nakakakilala dito.

"Why do you sound as if may balak akong hindi maganda eh, nagmamagandang loob lang naman ako? My purpose is to HELP YOU, nothing else," sagot nito kasabay ng pagtaas ng isa niyang kilay.

Kahit naman noong mga bata pa kami hindi na talaga magkasundo sina Jessy at Damsel dahil sa palagi silang nagkakaroon ng iringan noon kahit sa simpleng bagay lang ngunit iba na ngayon matatatanda kami at seryoso na itong tinatalakay namin.

"I want to laugh," saad ng asawa ko ngunit mukang hindi niya naman gustong matawa dahil seryoso pa rin ang mukha niyang nakatingin kay Jessy.

"I'm serious Damsel, balak mong mag-file ng annulment at hiwalayan ang kapatid ko dahil hindi kayo magka-anak pero kung makasugod ka kanina dito sa bahay pagkarating mo akala mo naman kinidnap namin ang asawa mo, 'yun ba ang makikipag-hiwalay? H'wag nga ako!" asar na lintanya ni Jessy saka muling mataray na umirap.

"So, what are you trying to say?" bagot na tanong ni Damsel sabay prenteng sumandal sa sandalan ng silya sabay ekis ng dalawang braso.

"Accept my offer dahil alam kong hindi mo naman kayang makipag-hiwalay kay Jessa, padadaliin ko lang naman ang solusyon sa problema niyo," prente ding sagot ni Jessy.

Nagpa-lipat-lipat ang tingin namin ng mga magulang ko kina Damsel at Jessy, kahit ako rin naman ang nasa posisyon ng asawa ko ay magiisip muna akong mabuti, pero dahil nga desperada na 'ko at mas kilala ko ang asawa ko na kaya niya akong iwan kaya pumayag na ako. I know my husband more than anyone else here, mayroon itong isang salita at pahirapan nang baliin.

Masakit man sabihin pero... hindi naman talaga ganu'n kalabis at kalalim ang pagmamahal sa 'kin ni Damsel.

He just married me because he was attracted to me and I caught his interest, natatandaan ko pa nang sabihin niya noon na kaya niya lang ako pinili dahil sa tingin niya ako ang karapat-dapat maging ina ng anak niya.

He wants to see my features sa magiging anak niya dahil gustong-gusto niya raw ang mga magagandang katangiang meron ako.

Sa loob ng tatlong taon naming pagsasama he shows his warmest and loving side but his eyes telling me that he is not. Nakakalitong isipin pero iyon ang nababasa ko sa kanya araw-araw sa tuwing nagtatama ang mga mata namin.

He is warm outside but cold inside.

Kung ang ibang lalaki ay cold sa panlabas at soft hearted in reality, pwes iba ang asawa ko. He shows warm gentleness without any affection in his eyes.

Nakikita niya lang akong ina ng magiging anak niya pero hindi niya ako nakikita bilang asawa niya that's why he always ignores me, hindi siya nagaabalang intindihin kung ano bang nararamdaman ko, kung ayos lang ba ako o kung sobra na ba 'kong nasasaktan.

Palaging nararamdaman niya na lang ang mahalaga, sa tuwing umiiyak ako he always says stop because it leads him to feel irritated.

"Jessa," Napalingon ako kay Damsel nang pukawin niya 'ko mula sa malalim kong pagiisip.

"Yes?" baling ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

"I'm calling your attention many times but it seems like you're spacing out," saad nito kaya dumako ang tingin ko sa kanila at ngayon ko napansing nakatingin na pala silang lahat sa 'kin.

"Ah, sorry! I was thinking too much, where are we again?" hinging paunmanhin ko kaya halos sabay-sabay sila na napailing at napabuntong hininga.

Mukang napalalim nga masiyado ang pagiisip ko hindi ko na nasundan kung nasaang parte na ba kami ng usapan.

"This is an important matter Jessa," bulong sa 'kin ni Damsel kaya nahagod ko na lang ang buhok ko.

"Yeah, I know," tugon ko.

"So, ano nang desisyon mo Damsel? Si Jessa pumayag na kanina, wala na rin problema kina Mama at Papa dahil napagusapan na naming mabuti kanina bago ka dumating," tanong ni Jessy na may pangungumbinsi pa.

"I'll think about it first, I can't give my answer right now," saad ni Damsel at walang pasabing tumayo na at nagulat ako nang pati kamay ko kasama rin sa pagtayo niya at bumaba ang tingin niya sa 'kin.

"Let's go home, I know you're tired," yakag niya na sa 'kin kaya napatayo na rin ako habang hawak niya ang kamay ko.

Dumako naman ang tingin ko kay Jessy na seryosong nakatitig sa magkahawak naming kamay ni Damsel at agad siyang nag-iwas ng tingin nang mapansin niyang nakatingin din ako sa kanya.

"Ma, Pa, Jessy, uwi na po muna kami at saka na lang po natin ulit pagusapan 'to kapag may pinal nang desisyon si Damsel," paalam ko na sa kanila.

"Mauna na po kami," paalam na rin ni Damsel at tuluyan na nga kaming naglakad palabas ng bahay.

Pagkalabas na pagkalabas namin namin ay nagulat ako nang humigpit ang hawak niya sa kamay ko at marahas niya akong kinaladkad patungong sasakyan niya at itunulak ako pasakay sa loob katabi ng driver's seat.

Nanlalaki ang mga mata kong sinundan siya ng tingin mula dito sa loob at pasalampak na rin siyang sumakay sa driver's seat at matalim ang mga mata niyang tumingin sa 'kin at bigla akong napasinghap nang marahas niyang hablutin ang kaliwang braso ko.

Masakit ang pagkakahawak niya.

"Why did you tell them? Hindi ka ba nagiisip?" galit niyang tanong na may halong gigil sa 'kin.

"Wala na akong ibang maisip na paraan Damsel, I'm so pressured and frustrated kung paano ba kita bibigyan ng anak kaya humingi na ako ng payo sa kanila kung ano ba dapat ang tamang gawin ko," nanlulumo kong sagot.

"Pero bakit mo sinabing balak ko nang mag-file ng annulment? Para ano? Para ba kumbinsihin ako na h'wag kang hiwalayan? Kaya pati 'yang kalokohang surrogation na 'yan naipasok niyo?? Kuhang-kuha mo ang galit ko ngayong araw na 'to Jessa," tanong niya na may kasamang pagpapamuka at padaskol akong binitawan.

"Eh, ano naman ngayon kung sinabi ko sa kanila ang totoo? Tama ka, sinabi ko 'yon para kumbinsihin ka nila dahil mahal na mahal kita Damsel, mahal na mahal kita! Hindi ko kayang mawala ka sa 'kin at makitang mapunta ka sa ibang babae, hindi mo 'ko masisisi kung muka na 'kong desperada ngayon para maisalba lang ang relasyon nating pasira na!" puno ng pagki-kimkim kong litanya at hindi ko na nga napigilang mapahikbi dulot ng muling pag-iyak kasabay ng pag-yuko.

Sumandal ako sa upuan at umiwas ng tingin sa kanya dahil ayoko na lang siyang tingnan, mas lalo lang naninikip itong dibdib ko sa tuwing tumititig ako sa mga mata niyang puros kalamigan lang.

Wala akong narinig na kahit anong pang-aalo o panunuyo mula sa kanya, tanging buhay na makina lang ng sasakyan ang umugong at wala siyang imik na pinasibat ito.

Ganito siya, sa tuwing nasasaktan ako sa mga salitang binibitiwan niya wala siyang pakialam at hindi siya nagaabalang paliwanagan ako.

Sweet lang siya on or before we make love and after we did s*x at ilang araw lang ay balik na naman siya sa normal routine niya na wala nang pakialam pero galit kapag hindi nakikita ang anino ko sa bahay na halos magwala na kapag hindi ako naaabutang nagaabang sa pag-uwi niya.

Kaya sa tuwing sinasabi niyang mahal niya 'ko nagdududa ako, parang may parteng kalahati sa loob ko na hindi naniniwala. Sinasabi at binibigkas ng bibig niyang mahal niya 'ko ngunit hindi ng puso niya.

I don't know if it's the right term for that.

"Damsel, do you really love me?" out of nowhere kong tanong at gaya pa rin ng nakagawian, wala siyang reaksyon.

"Why did you ask?" balik niyang tanong sa 'kin.

"Why don't you answer me directly, why are you keep on answering me another question?" mapait kong tanong habang napapakagat labi na lang.

"Yes, I love you," labas sa ilong niyang sagot na mas lalong nagpatulo ng luha ko, ni hindi niya 'ko tinapunan ng kahit isang segundong sulyap man lang.

"Bakit mo pa 'ko pinakasalan kung ganito lang din naman pala ang gagawin mong pag-trato sa 'kin? Sana nga si Jessy na lang talaga ang pinakasalan mo para nakapag-asawa na lang din ako ng ibang lalaking hindi ako sasaktan at kaya akong mahalin ng totoo," saad ko at nagulat ako nang walang pasabi siyang nag-preno.

Kung wala akong suot na seatbelt malamang tumalsik na 'ko sa labas ng wind shield kaya asar akong tiningnan siya ngunit kaagad na napawi nang mas masama ang ibinigay niyang tingin sa 'kin.

"Listen very carefully because I won't repeat it again, pinakasalan kita dahil may dahilan ako para pakasalan ka and if you don't believe me when I'm always telling you that I love you, it's not my problem anymore! Simula umpisa pa lang Jessa, sinabi ko na sa 'yo na iba ako at iba ako magpakita ng pagmamahal, if you're not satisfied and contented fine, humanap ka na ng ibang lalaking makakapagbigay sa 'yo ng gusto mong pagmamahal!" galit niyang litanya na ikinatigil ng paghinga ko kasabay ng pagka-tulala.

Hindi ko maibuka ang bibig ko at ang tanging nangingibabaw sa 'kin ay sakit dulot ng mga masasakit na salitang binitawan niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status