Perhaps it’s time to accept fate and move on from the past. He almost broke me, but it wasn’t his fault. Siya rin, he suffered a lot…more than what I have been.Perhaps it’s time to forgive him and start over again. I may not know what lies tomorrow ahead, but I wanna live today, and move on from yesterday. Nang magising ako, tulog pa si Simoun. Dahan-dahan akong bumaba ng kama at lumabas ng kuwarto. Bumaba ako sa kusina upang maghanda ng agahan. I haven’t prepared breakfast for us simula nang tumira ako rito. Today will be my first day. Niluto ko lang ang kung anong pwedeng pang breakfast na nakita ko sa loob ng fridge. Pagkatapos kong magluto, hinanda ko na ang mga pagkain sa mesa. Nang matapos na akong maghanda. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “Perfect,” saad ko. Tumalikod ako upang lumabas ng kusina nang…“Ay langya!” gulat kong asal nang makita si Simoun na nakatayo sa may pintuan. “K-kailan kapa diyan?” Naka cross sa kaniyang dibdib ang kaniyang mga braso at nakahilig
BEATRIZE’S POINT OF VIEW “Are you free tonight?” Nasa cafeteria ako nang mabasa ko ang text ni Simoun. Ngumiti ako at nag-type ng reply. “Uhm. I’ll be there at 6:00 pm.” I miss him already. Hindi kami nagkita last week kasi pinapauwi ako ni dad sa bahay dahil nandoon sina Lola at Lolo. Ngayon na umuwi na sila sa probinsya, pwede na akong pumunta sa condo ni Simoun. “Ngiting may boyfriend ‘yan?” Napunta kay Klea ang aking tingin nang magsalita siya. “Anong boyfriend? Wala akong boyfriend bruha,” pangangatuwiran ko at pinatay ang screen ng cellphone ko. “Weh? É ano ‘yang ngiting kay tamis?” nang-aasar niyang tanong. “Ngiting kay tamis ka riyan. Kumain ka na nga.” Itinabi ko na ang aking cellphone at nagsimulang kumain. Wala naman talaga akong boyfriend. I just have this someone I’m not sure who he is in my life. We’re not friends, we’re not in a relationship, but we’re having sex. Sex partners, I guess that’s us.
I met Simoun 3 months ago.It’s was the day when I broke up with my ex-boyfriend, Khalil.Unang beses kong pumasok sa isang night club nang gabing iyon. Lumabas rin ako agad nang hindi ako naging komportable sa mga lalaking lapit nang lapit sa akin.Naglakad-lakad na na lamang akong lutang ang isipan. Napadpad ako sa beach at nadatnan doon ang isang lalaking umiinom nang mag-isa. Si Simoun iyon. Dahil mag-isa lang siya, mag-isa lang din ako, at sa tingin ko pareho kaming may problemang pinapasan, sinabayan ko siyang maglasing.The next day, I woke up naked, inside his car. He took my virginity. I thought after that night, I will be able to forget him, but I did the opposite. I desire him even more and he gives me the pleasure that I need.It’s crazy to think that we are not lovers, not even good friends, but I am addicted to his presence.Simoun is ten years older than me. I’m 21 and he’s 3
“Hey girls, girls, may chicka ako,” wika ni Soffy na ngayon ay kararating lang sa cafeteria.“Oh ano na naman?” walang ganang tanong ni Klea sa kaniya.“It’s about sir Sim.” Wala rin sana akong ganang makinig sa tsismis niyang dala ngunit nang banggitin niya si Simoun ay nagbigay ako ng atensyon.“Oh ano namang nakalap mong impormasyon?” tanong ulit ni Klea. Sa aming magbabarkada, si Soffy itong malakas makakuha ng balita.“Ano kasi, pumunta ako sa condo ni ate kahapon. Nandoon din pala sa building na ‘yon ‘yong unit ni sir Simoun,” panimula niya sa kuwento.“Tapos?”“Tapos, nakita ko siyang may kasamang babae papasok sa condo niya.” Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin iyan ni Soffy. Pumunta ako sa condo ni Simoun kahapon, nagkasabay kaming sumakay ng elevator kaya sabay kaming pumasok sa condo niya. “Iyong
Kung ang nalaman ko lang sana ay totoong may fiancè si Simoun, matatanggap ko pa sana iyon. Ngunit ang katotohanang buntis ako, parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa.Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa kaniya, lalo na sa mga magulang ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Kagabi ko pa nalaman na buntis ako. Ngayong araw, hindi ako pumasok. Umuwi lang ako sa bahay at dito sa kuwarto ko nagkulong, umiiyak, natutulala, tumitingin sa salamin at humahawak sa aking tiyan.Tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko iyon at nabasa sa screen ang text si Simoun.“Where are you?”Hindi ko lang mapigilang maiyak. Hindi ko matanggap ang pagbubuntis ko. Hindi ko inaasahang aabot ako sa ganito.Kinabukasan, sabado na. Naisipan kong bumalik sa aking condo at doon na magpalipas ng weekend. Ayaw kong maabutan ako nina mommy sa bahay. Hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang totoo.Nang mag lune
“I cannot accept your child.”Nakatitig siya sa aking mga mata nang banggitin niya ang mga katagang iyan."W-what?" Nagpakurap-kurap akong nakatitig rin sa kaniya. Hindi siya umiimik. "T-then what do you want me to do? You'll dump me?" Gusto ko mang lumuha, pero pilit kong pinipigilan ang sarili. "SIMOUN, MAY ANAK TAYO-""I SAID NO." Tumaas ang kaniyang boses kaya napahakbang ako paatras. Bigla na lamang siyang namula sa galit. Ang aking mga tuhod ay nanginginig na tila ba unti-unti akong nawawalan ng lakas. Iyong mga tingin niya ngayon, ngayon ko lang ito nakita. Nakakuyom ang kaniyang kamao at umiigting ang kaniyang panga habang nakatitig nang galit sa akin."I-is this the real you, Moun?" I murmured, out of nowhere. Nakatitig pa rin siya sa akin. Makikita ko sa kaniyang mata ang mga luhang parang pinipigilan niya pero ang kaniyang mukha ay parang nag-aalab sa galit."W-hy? Are you really getting marrie
Dinalhan ako ng damit ni Marco sa taas kaya nang matapos akong magbihis, ako ay bumaba at dumiretso sa kusina upang magkape. Nandoon na rin si lolo. Nagmano muna ako sa kaniya bago ako umupo sa tabi ni Marco. May baso na ng kape na nakapatong sa mesa sa harap ko.Purong kape, kape na mula mismo sa giniling na mga coffee beans, hindi komersyal. Simoun used to love coffee like this. Gusto niya iyong timplang isang kutsarang kape at isang kutsarang asukal sa isang baso ng kape niya. Dahil lang din sa kaniya, natuto akong uminon ng ganitong kape. Noon ako ay hindi mahilig. “Naku! Ija, hindi pala ikaw umiinom ng kape-“ “Ah, okay lang po.” Pinutol ko ang pagsasalita ni lola. Aabutin niya sana ang baso ng kape ko ngunit natigilan siya nang magsalita ako. “Umiinom na po ako,” ngiti ko. May pagtataka na tumingin si lola sa akin. “Ganoon ba? Akala ko ay hindi ka pa rin umiinom ng kape,” usisa niya. Ngumiti lamang ako saka humigo
Nagising ako dahil sa pamumukaw ng tinig ng mga tandang. Inuunat-unat ko ang aking mga kamay at paa bago bumangon. Tumingin ako sa bintana na iyong kurtina ay nagbagong-kulay dahil sa liwanag mula sa bagong sikat na araw sa labas. Bumaba ako sa kama saka lumapit sa bintana at hinawi iyong kurtina. Sumalubong sa akin ang malamig at sariwang hangin, makulay na kalangitan, at malawak na hacienda. “Huh? Lalo yata ‘tong lumawak ah,” pagtataka ko. Dati kasi, ito lang lupang katabi nitong lupa nila lola ang tubohan. Ngayon, tatlong beses yata ang laki. Kung dati, mga tubo lang ang mayroon, ngayon may mga alaga na ring hayop sa unahan. “Woah.” Hindi ko mapigilang mamangha sa lawak ng lupain nila. Alam kong malawak itong lupain nina lola pero mas na ‘tong nakikita ko. “Sino kaya may-ari nito?” Nakakapagtaka naman. Napakayaman siguro nila. Dito kasi sa probinsya, kapag malaki lupain niyo, parang considered kayo as mayaman. Kung doon sa maynila, ang kayamanan mo ay nakabase sa laman ng ba