Share

CHAPTER 03

Kung ang nalaman ko lang sana ay totoong may fiancè si Simoun, matatanggap ko pa sana iyon. Ngunit ang katotohanang buntis ako, parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa.

Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa kaniya, lalo na sa mga magulang ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Kagabi ko pa nalaman na buntis ako. Ngayong araw, hindi ako pumasok. Umuwi lang ako sa bahay at dito sa kuwarto ko nagkulong, umiiyak, natutulala, tumitingin sa salamin at humahawak sa aking tiyan.

Tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko iyon at nabasa sa screen ang text si Simoun.

“Where are you?”

Hindi ko lang mapigilang maiyak. Hindi ko matanggap ang pagbubuntis ko. Hindi ko inaasahang aabot ako sa ganito.

Kinabukasan, sabado na. Naisipan kong bumalik sa aking condo at doon na magpalipas ng weekend. Ayaw kong maabutan ako nina mommy sa bahay. Hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang totoo.

Nang mag lunes, pumasok na ako. Sinubukan kong maging casual sa harap ng mga barkada ko ngunit nahalata pa rin nila ako.

“Bea, okay kalang? Kanina kapa tulala ah,” ani ni Klea, nandito kami ngayon sa library hinihintay sina Soffy at Christian.

“Ah… oo, may iniisip lang ako,” palusot ko.

“Ano ba ‘yang iniisip mo? Pati sa klase natutulala ka kanina,” dagdag pa ni Klea.

Bumuntong hininga lang ako at pinilit na ngumiti. “Wala, huwag na isipin. Ano nga iyong assignment natin?” pag-iiba ko sa usapan.

Alam kong nagtataka si Klea sa inaakto ko pero wala naman akong magawa sa ngayon.

Naglalakad ako sa hallway nang tumunog ang notification ng cellphone ko. Huminto ako sa harap ng music room at tinignan kung sino ang nag text. Si mommy iyon.

“Umuwi ka mamaya. May pag-uusapan tayo.”

Parang naninibago at kinakabahan ako sa tono ng text ni mommy pero hindi ko lang ito pinansin at itinago ulit sa bulsa ang aking cellphone.

Hahakbang na sana ako ngunit biglang bumukas ang pinto ng music room at may humatak sa akin papasok. Nang makapasok, nakita ko kung sino iyon.

“M-oun?”

Sinarado niya muna ang pinto bago seryusong tumingin sa akin. “Are you avoiding me?” tanong niya bigla.

“H-uh? H-indi naman, bakit?”

“You are. Hindi ka pumunta sa akin last week. Nag-iiwas kana rin ng tingin dito. Do you have something to tell me?” At ang tanong na iyan ang nagpakabog bigla sa aking dibdib.

Naisip ko na baka ito na ang tamang pagkakataong aminin sa kaniya ang pagbubuntis ko ngunit kalaunan ay naging duwag muli ako. “A-ah, pinapauwi kasi ako palagi ni dad. Naging busy ako kaya h-hindi ko na nagawang bisitahin ka,” sagot ko habang iniiwasan ang kaniyang tingin.

“Then can you come later?”

“Hindi. Pinapauwi ako ni mom,” sagot ko. Kumunot ang noo niya. Hindi siya kumbinsido kaya kinuha ko ang cellphone ko at pinakita sa kaniya iyong text ni mommy.

“Then bukas nalang,” aniya sa mababang boses. Tumango na lamang ako.

Hinalikan niya muna ako sa sandali bago bumulong, “I’ll wait.”

Nang makaalis na siya, nanatili ako sa loob, panay ang buntong hininga. Siguro bukas ko nalang din sasabihin sa kaniya. Baka sakaling magkaroon ako ng lakas umamin.

Pagkatapos ng klase, umuwi ako sa bahay.

“Mom, dad, nandito na po ako,” ani ko nang makapasok. Natagpuan ko sila sa sala na nakaupo at seryuso ang mga mukha.

“Umupo ka,” utos ni dad. Kinakabahan ako sa itsura nila. Si dad hindi makatingin sa akin. Hindi na lamang ako nagmano at umupo na lamang sa tapat nila.

Inilapag ni mommy sa center table ang isang bagay na kinikimkim niya kanina pa. Ganoon na lamang ang aking gulat nang makita ito. “Explain,” aniya ni mommy.

Napatakip ako ng bibig habang nakatutok sa pregnancy test ko na nasa mesa. “Nakita ko ‘yan sa kuwarto mo,” saad ni mommy.

“M-om…” Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Parang sasabog ang aking dibdib sa kaba.

“You’re not doing stuff that we are not aware of Beatrize, right?” Matalim na tumingin sa akin si dad. Galit ang kaniyang mukha.

“D-ad…”

“SAGUTIN MO ’KO NANG MATINO!” Biglang tumaas ang boses ni dad kaya napaluhod ako sa kaniyang harapan. Kinakabahan ako. Nanginginig ang katawan ko.

“Dad, s-sorry,” tanging nasabi ko.

“I gave you everything, Beatrize. Binigay ko lahat ng mga kailangan mo, pero ito lang ba ang isusukli mo sa akin?” sumbat ni dad.

Ako naman ay walang magawa kun’di umiyak. “I’-m s-sorry, d-dad,” wika ko habang humahagulhol.

“Sorry? Can your sorry fix your mess? Huh? SUMAGOT KA, BEATRIZE!” Wala akong naisagot sa pagsigaw ni dad sapagkat batid kong ako naman ang nagkamali.

“You disappointed me so damn much, Beatrize. Huwag kana magpakita sa akin simula ngayon.”

Nagtaas ako ng tingin dahil sa kaniyang sinabi. “D-ad, a-ano pong…”

“Shut the fuck up, you wench! Ayaw ko na makita pagmumukha mo.” Tumusok sa aking puso ang mga salita ni dad. Ito ang unang pagkakataong minura niya ako. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang ganito ka galit.

Umalis na siya at naiwan akong humahagulhol. Wala na nga akong lakas tumayo pa. Lumapit si mommy sa akin at mahinahong hinaplos ang aking balikat.

“Pumunta kang probinsya, doon ka muna sa lolo at lola mo,” wika ni mommy.

“Pero mom-”

“Kahit ako ay ayaw muna kitang makita, Beatrize. You disappointed me. Hindi ko akalaing magagawa mo ito.” Lalo lang akong humagulhol dahil sa sinabi ni mommy.

Yumakap siya sa akin kaya yumakap din ako pabalik. “M-ommy, I’m s-sorry.” Sa ngayon, wala akong ibang magawa kun’di ang humingi ng tawad.

“Tell me, sino ang ama ng dinadala mo?” Tanong ni mommy na siyang nagpahagulhol sa aking ng malakas. Hindi ako nakasagot. Hindi ako sigurado kung sasabihin ko ba sa kaniya. “I won’t tell your dad. Sa’kin mo lang sabihin. You said you’re not dating anyone.” Kumalas sa pagkayakap si mommy sa akin at hinawi ang aking buhok na nasa aking mukha.

“P-rofessor ko po.” Nag-aalinlangan man, nagawa ko paring sabihin kay mom ang totoo.

“Alam mo na siguro kung gaano kalaking gulo ang pinasok mo, Beatrize.”

Bumalik ako sa aking condo. Habang nakasakay ako ng taxi, hindi ko mapigilang humagulhol. Hindi ko inasahan ang mga natanggap kong salita mula kay dad. At lalong hindi ko inasahang papalayasin niya ako.

Mom and dad used to be sweet to me. Dahil lang sa pagkakamali kong ito, narinig ko ang pagmumura si dad sa unang pagkakataon.

Pasulyap-sulyap sa akin ang driver ng taxi ngunit hindi ko siya pinansin. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa magsawa ang aking mata.

“Ma’am tissue po.” Inabutan ako ng tissue ni manong driver. Kinuha ko naman ito.

“S-salamat.”

“Wala naman pong masama sa pag-iyak, ma’am kapag nasasaktan kayo. Kaya okay lang po ‘yan ma’am. Okay lang pong umiyak.” Napatitig ako kay manong driver nang magsalita siya. Sa walang dahilan napangiti ako.

Pumasok na ako sa loob ng building. Wala na iyong mga luha sa aking pisnge pero namumugto pa rin ang aking mga mata.

Pagdating ko sa aking silid, nakatulog ako agad. Siguro dahil katatapos ko lang umiyak.

Kinabukasan, naisipan kong puntahan si Simoun nang maaga. Naglakas-loob akong nagdesisyon na aminin sa kaniya ang pagdadalang-tao ko.

Habang naglalakad papalapit sa pinto ng unit niya, hindi ko maiwasang kabahan. Samot-saring mga bagay ang nasa asking isipan. Hindi ako sigurado kung ano ang kaniyang magiging reaksyon.

Kanina pa ako rito nakatayo sa harap ng pinto ng condo niya. Nagdadalwang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Panay lamang ang aking buntong hininga habang nakatulala sa pinto. Ilang sandali pa, naisipan kong pindutin ang doorbell. Alam ko ang passcode ng condo niya pero sa ngayon gusto kong pagbuksan niya ako ng pinto.

Ilang sandali lamang ang lumipas, bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Simoun na nakasuot ng t-shirt na puti at parang may katawag dahil ang cellphone niya ay inilalapit niya sa kaniyang tainga.

Nagulat siya nang makita ako. “B-ea?” Binaba niya agad ang tawag. “Akala ko mamayang gabi kapa?”

“Ah kasi…” Iyong dibdib ko sa ngayon parang sasabog sa kaba. “M-ay sasabihin sana ako.” Napakagat labi ako. Sa tingin ko walang atrasan na ito.

“Ano ‘yon?”

Humakbang ako papasok pagkatapos ay sinarado iyong pinto. Bumuntong hininga muli akong humurap sa kaniya. Kinakabahan akong dumukot sa aking bulsa. Nang mahawakan ko ang pregnancy test, inihanda ko ang aking sarili. Kinuha at pinakita ko ito kay Simoun at pinagmasdan ang kaniyang reaksyon. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat.

“I’m pregnant,” wika ko.

Nakatitig lamang siya sa pregnancy test na nasa palad ko. Dahan-dahan dahan niya itong hinawakan at kinuha. “Y-ou’re just kidding me, right?” parang hindi makapaniwala niyang saad.

“I’m dead serious, Moun. Buntis ako at ikaw ang ama.”

Tumingin siya sa akin at lumingo-lingo. “T-hat can’t be. H-indi pwede,” aniya.

“A-anong hindi pwede? Moun-”

“No. Hindi tayo pwedeng magkaanak,” wika niya na hindi ko inasahang marinig. Sumisikip ang aking dibdib.

“A-anong ibig mong s-sabihin? A-anong hindi pwede?” Nanginginig ang aking labi habang nagtatanong.

“I cannot accept your child.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status