Share

CHAPTER 25

Napunta kami sa isang boutique sa loob ng isang mall. Guess what? Magkahawak kami ng kamay.

Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko mula sa pagkahawak niya pero sadyang mahigpit at malakas siya. Ang awkward tuloy maglakad dahil halos lang ng tao, nasa amin ang mga tingin, tapos lahat ng mga nadadaanan ng trabahante, yumuyuko.

Paikot-ikot sa paligid ang tingin ko habang si Simoun naman ay diretso ang lakad. Hanggang sa makarating kami sa boutique.

“A-anong ginagawa natin dito?” Kanina ko pa tinatanong ‘yan pero hindi niya ako sinasagot.

Ewan ko kung bigla nalang naging bingi ang lalaking ‘to o bigla nalang naging pipi.

May lumapit sa amin na mga babae, mga impleyado ng boutique at nagyukuan sila sa harap namin.

“Dress her,” saad ni Simoun.

“Yes sir,” wika naman ng babaeng lider ng kanilang grupo. At nagsilapitan sila sa akin, siya namang pagbitaw ni Simoun sa kamay ko.

“T-teka, ano meron?” tanong ko nang sinubukan akong kunin ng mga babae. Kumapit ako kay Simoun kasi hindi ko alam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status