Share

CHAPTER 05

Dinalhan ako ng damit ni Marco sa taas kaya nang matapos akong magbihis, ako ay bumaba at dumiretso sa kusina upang magkape. Nandoon na rin si lolo. Nagmano muna ako sa kaniya bago ako umupo sa tabi ni Marco. May baso na ng kape na nakapatong sa mesa sa harap ko.

Purong kape, kape na mula mismo sa giniling na mga coffee beans, hindi komersyal. Simoun used to love coffee like this. Gusto niya iyong timplang isang kutsarang kape at isang kutsarang asukal sa isang baso ng kape niya.

Dahil lang din sa kaniya, natuto akong uminon ng ganitong kape. Noon ako ay hindi mahilig.

“Naku! Ija, hindi pala ikaw umiinom ng kape-“

“Ah, okay lang po.” Pinutol ko ang pagsasalita ni lola. Aabutin niya sana ang baso ng kape ko ngunit natigilan siya nang magsalita ako. “Umiinom na po ako,” ngiti ko.

May pagtataka na tumingin si lola sa akin. “Ganoon ba? Akala ko ay hindi ka pa rin umiinom ng kape,” usisa niya. Ngumiti lamang ako saka humigo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status