Share

LOVING YOU IS A LOSING GAME
LOVING YOU IS A LOSING GAME
Author: KINGSTONE

CHAPTER 1 - ANNIVERSARY SURPRISE (SHE'S PREGNANT)

“Karim!” Patakbong lumabas ng bahay si Adira nang makitang huminto ang sasakyan ng asawa sa tapat ng mansyon. Halata ang excitement sa kanyang mga mata. Sobrang saya niya dahil hindi siya binigo ng asawa ngayong araw. Ngunit ang tuwang naramdaman niya kanina ay agad naman napalis nang makitang hindi si Karim ang lumabas ng kotse kundi ang personal bodyguard nitong si Sherwin. 

“Ma’am, ipinahahatid pala ito ni Boss. Hindi raw siya makauwi dahil maraming problema sa opisina.” Ibinigay nito ang dalang bunch of flowers at box of chocolate sa kanya. 

Malungkot naman niyang kinuha ang mga iyon. “Thank you.”

“Pinapatanong din pala ni Boss ang tungkol sa sinabi mong sorpresa mo sa kanya. Pwede mo na rin daw ipadala sa akin at ako na lang ang bahalang magbigay.”

Sandaling nag-isip si Adira. Kinapa niya ang papel sa loob ng kanyang bulsa. Mas gusto niyang siya na mismo ang magbigay niyon sa asawa. “Ako na lang ang pupunta sa opisina niya.” Nakangiti niyang sagot.

“Kung ganun aalis na po ako, Ma’am.” Magalang itong nagpaalam sa kanya.

Paalis na si Sherwin nang may na alala si Adira, “Nga pala, pakidala na lang ang cake.” Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay at kinuha ang cake na personal niyang niluto para sana sa anniversary nila ng asawa. Since, hindi makakauwi si Karim, ipapadala na lang niya ito kay Sherwin. Tiyak matutuwa si Karim kapag nakita nito ang kakaibang design ng cake na ginawa niya. “Ingatan mo na lang, para hindi masira.” Nakangiting ibinigay niya ang cake kay Sherwin. Hindi niya alam kung bakit parang nakikisimpatya ang nais ipakahulugan ng mga tingin nito sa kanya.

“Makakaasa po kayo, Ma’am.” Muli itong nagpaalam at bumalik  sa kotse.

Nakaalis na ang sasakyan ngunit nanatili pa rin si Adira sa kanyang kinatatayuan.  Nanghihinayang siya sa mga inihanda niyang pagkain. Hindi naman pala makakauwi si Karim.

**

Habang abala si Karim sa pagtitipa sa kanyang laptop, nasulyapan niya ang bagong lagay na cake sa ibabaw ng table niya. Umangat siya ng mukha upang tingnan kung sino ang naglagay niyon bago muling ituon ang atensyon sa ginagawa.

“Sir, ipinadala ‘yan sa akin ni Ma’am Adira.”

Hindi siya sumagot. Busy siya sa pagtipa sa kanyang laptop. "Is that her surprise?" Bigla niyang natanong habang patuloy sa pag type sa keyboard.

“Sa palagay ko hindi, Boss. Dahil sinabi niyang siya na lang daw ang pupunta rito upang personal na magbigay sa ‘yo.”

Dalawang oras ang nakalipas, nagbukas ang silid ng kanyang opisina at iniluwa niyon ang maganda at maamong mukha ni Adira. Sinulyapan lang ito ni Karim at muling nag focus sa ginagawa. 

Masayang niyakap ni Adira ang likuran ni Karim at hinalikan ito sa pisngi. “Happy anniversary, Shug.” Shug ang call sign nilang dalawa, like sugar. Ngunit parang siya lang naman ang tumatawag ng ganun. Bahagya siyang nasaktan nang iniwas nito ang pisngi sa kanya kaya sa tainga  nito tumama ang labi niya. He’s still cold as ice. Hindi na siya naninibago dahil minsan sweet ito, minsan malamig pa sa yelo ang pakikitungo nito sa kanya. Lumabas siyang trying hard sa pagsasama nilang dalawa. 

“What is it?” Tinatamad nitong tanong sa kanya. Hindi man lang siya nagawang sulyapan. Hindi na niya pinatagal pa ang sorpresa. Agad niyang kinuha ang maliit na box at binigay iyon kay Karim. Ngumiti siya ng makitang tumigil din ito sa ginagawa at binuksan kung ano ang sorpresa niya. Matagal nang pangarap ni Karim ang magkaroon ng anak. Umabot din ng mahigit isang taon ang pagsasama nila bago natupad iyon. Hindi naman siya naninibago pa kay Karim dahil madalas naman talagang busy ito sa trabaho. Simula nang hiniling niya na maghiwalay sila ilang buwan na ang nakaraan, nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Naging sweet ito at halos gabi-gabi may nangyayaring love-making sa kanilang dalawa. Alam niyang atat na itong magka baby kaya sinikap rin niyang mabuntis.

Hinihintay niyang gumuhit ang tuwa sa mga labi nito. Ngunit hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha ni Karim habang binabasa ang pregnancy test result. Hindi niya alam kung masaya ba ito nang malaman na buntis siya. Mas lalo siyang nasaktan nang binalik lang nito ang papel sa loob ng box at  muling nag focus sa pagpirma ng mga dokumento na nakatambak sa ibabaw ng table.

“What?” tanong nito sa kanya nang mapansin na hindi pa rin siya  umaalis sa harapan nito. 

“Ahmmm..hindi ka ba masaya dahil magkakaanak na tayo? Di ba matagal mo nang ginusto iyon?” Sinubukan pa rin niyang tanungin ito.

Tumigil muna ito sandali sa ginagawa at malamig na tumingin sa kanya. "Look Adira, I don't have time right now. Can't you see that I'm busy? How am I supposed to finish this if you keep talking to me?" 

Nakikiusap man ang boses ni Karim ngunit ramdam  pa rin ni Adira ang pagkabagot sa tono ng pananalita nito. Pinigilan niya ang sarili na umiyak. Hangga’t kaya niyang intindihin ito, gagawin niya. Ngumiti siya ng napakatamis ayon sa nakasanayan niyang gawin kapag nasasaktan siya sa harapan ni Karim. “Okay.. I’m sorry.. Sige, tapusin mo na ang trabaho mo. Pwede naman natin isabay ang celebration sa birthday mo next week. I'll have to go.”

Hindi na niya hinintay pang sumagot si Karim. Baka tuluyan na siyang umiyak sa harapan nito at iyon ang ayaw niyang mangyari. Nakakadagdag lang ‘yun sa sakit na kanyang nararamdaman. Agad na siyang tumalikod at tinungo ang pintuan.

“Wait for me, tatapusin ko lang ito.”

Narinig man niya ang pahabol na sinabi nito ngunit nagpanggap siyang walang narinig. Gusto na kasing tumulo ng luha niya. Ayaw niya lang ipahalata na nasasaktan siya. Tinuloy niya ang pagpihit ng door knob at walang lingon na lumabas ng opisina ni Karim.

“Boss,” wika ni Sherwin nang ipatawag ito ni Karim.

“Cancel my appointment with Mr. Guevara tonight.”

Hindi na nagtanong pa si Sherwin kung bakit biglang nagbago ang isip ng kanyang boss. Malamang dahil ito sa asawa niya.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Red Celestial
God bless you po
goodnovel comment avatar
Jekk'29
Nakss... first chap pa lng super ganda na.. Ayieee ...... Adera at karim
goodnovel comment avatar
Jober Domingo
ep, 26 po, ganda po ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status