“Adira!” saway ni Erlinda. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito sa babaeng gusto niya para kay Karim.
“Bakit ako? Gumanti lang ako, Mom.”“Huwag mo akong matawag-tawag na ina dahil hindi kita gusto para sa anak ko!”“Enough!” Crack! Sigaw ni Karim kasunod ng paghagis nito ng bote sa sahig. Lalong sumakit ang ulo niya dahil sa nakakarindi na sagutan ng tatlo. Gusto niyang ilabas ang init ng ulo niya. Lalo lamang siyang nainis nang makita ang paghanga sa mga mata ni Ryder habang nakatingin kay Adira. Tila natuwa pa ito dahil sa pagiging palaban ng asawa niya.Bakas ng takot ang mukha ng lahat ng mga bisita nang makita ang namumula sa galit na mukha ni Karim Walton. Ang bagong CEO ng Walton Pharma na sa loob ng mahigit isang taon nagawa na nitong kontrolin ang kalahati ng stock market sa buong bansa.“Ahhh! Aray! Karim nasasaktan ako!” Pilit na nagpupumiglas si Adira mula sa mahigpit na pagkakahawak ng kanyang asawa sa kamay niya. Halos madurog ang kanyang palapulsuhan ngunit patuloy pa rin ang marahas na paghila nito sa kanya paakyat sa hagdanan. “Karim!” Muling sigaw niya na nasasaktan ngunit parang wala itong narinig. Nang makitang nahihirapan siya sa pag-akyat sa hagdan agad din siya nitong binuhat.“Sige Karim, disiplinahin mo ‘yang asawa mo na kulang sa aruga!”Napalingon si Adira nang marinig ang malutong na halakhak ni Ryza habang nakaupo ito sa couch. Malandi ang paraan ng pagsipsip nito sa wine glass habang nakangiti at nakatingin sa kanya. Kanina pa niya gustong durugin ito ng pinong-pino. Hindi talaga ito tumigil sa pag-ubos ng pasensya niya hangga’t hindi niya pinapatulan.Nakabalik siya sarili nang marinig na nagsara ang pintuan. Nasa loob na pala siya ng kanilang silid. Muntik pang mauntog ang ulo niya sa headboard ng kama nang marahas siyang tinulak ni Karim. Ang lalaking pinili niyang pakasalan kahit pa na dalawang taon lamang ang kontrata ng kanilang kasal. Ngunit sa kanilang dalawa, alam niyang siya lang ang nagmamahal.“Hindi ka ba titigil sa pagpapahiya sa akin, Adira?” Ramdam niyang gusto na naman siya nitong sakalin ngunit nagpipigil lang ito. “Mga bisita ko sila! Nandito sila para samahan akong e-celebrate ang birthday ko!” Kita niya ang paglabas ng berdeng ugat sa leeg nito na tipong isang maling sagot niya lang sasakalin na siya. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kanya pa nagagalit si Karim gayung si Ryza naman ang may kasalanan.Mapakla siyang ngumiti dahil sa mga naisip niya. “At ako, huh? Ano ako sa ‘yo Karim? Tau-tauhan mo lang sa loob ng bahay mo para lang may matawag kang asawa? Hindi ba’t ginawa ko naman lahat upang pagsilbihan sila? Hindi naman yata tama na pati babae mo hayaan mo na lang na utus-utusan ako!” Nakita niya kung paano mag-alsahan ang mga matitigas na muscles nito sa katawan. Maging ang paggalaw ng mga panga nito nagpapahiwatig na napupuno na ito sa pagtitimpi sa kanya."Adira, alam mo kung ano ka lang sa buhay ko.” Mahina ngunit madiin nitong sagot.Sandali siyang natigilan dahil sa sinabi nito. Masakit iyon para sa kanya, ano ba ang magagawa niya kung siya lang ang nagmamahal? Ngunit pilitin niya ang sarili na maging manhid. “Of course, hindi ko nakakalimutan kung ano lang ako sa buhay mo. Di ba noon pa sinabi ko na sa’yo na maghiwalay na lang tayo? Bakit hindi mo na lang ako palayain, Karim?”Matagal siya nitong tinitigan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nakikita niya ang sakit na gumuhit sa mukha nito dahil sa sinabi niya. “Dahil hindi pa tapos ang kontrata natin! and I pay you billion for that fucking 2 year contract!” sumigaw din ito sa kanya na tila ba inaasahan na lang niyang puputok na ang ugat sa leeg nito.Mahina siyang tumango-tango. “I see. In that case, I'll pay you three times what you paid me to get my freedom.” Nakipagtagisan siya ng matalim na titig kay Karim. Ang alam niya lang pagod na siya sa pagpaparamdam sa lalaki na mahal niya ito. Na hindi mahalaga sa kanya ang pera na binayad nito dahil hindi niya kailangan ang mga iyon. Pumayag siyang magpakasal hindi sa pera kundi umaasa siya na baka sa loob ng dalawang taon magagawa niyang paibigin ito sa kanya. Ngunit sadyang matigas ang puso nito. Maaaring kapag nawala siya maging masaya ito sa piling ni Ryza.“I won't give your fucking freedom till I have my son." Nanlalabo ang mga mata ni Karim sa pagpigil ng hindi maipaliwanag na emosyon niya. Bakit ba napakadali sa babaeng ito na hiwalayan siya?Bam!Napaigtad si Adira sa gulat ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto. Nanlalambot ang kanyang tuhod na umupo sa kama. Saka pa lang niya binuhos ang mga luha niya na kanina pa gustong kumawala mula sa kanyang mga mata. Tama ang Kuya Allaric niya. Walang maidudulot na maganda ang pagpapakasal sa taong siya lang ang nagmamahal. Gusto naman niyang lunurin ang sarili sa alak tulad ng palagi niyang ginagawa sa tuwing nag-aaway sila ni Karim. Ngunit nang maalala na buntis pala siya, nagkasya na lamang siya sa pag-inom ng juice. Inayos niya ang sarili at lumabas ng silid. Mula sa ibaba, hindi na niya nakita pa si Karim. Nakaramdam siya ng guilt. Sana nagtimpi na lang siya upang hindi masira ang kaarawan ng asawa niya. Unti-unti na rin nagsi-uwian ang bisita. Tama naman na dumaan si Manang Salve kaya niya ito tinawag.“Manang masama ang pakiramdam ko. Pakidala naman ako ng juice sa kwarto namin ni Karim.”“Ah, sige po, Ma’am.”Agad na siyang bumalik sa silid nila ni Karim. Pabalik na siya nang marinig na may nag-uusap sa veranda malapit lang sa kanyang silid.“Michael, wala ka bang gagawin upang hiwalayan ng anak mo ang babaeng ‘yan? Masyado na siyang perwisyo sa atin.”“Hayaan mo na ang anak natin. Okay naman si Adira. Kung paghihiwalayin mo sila, sino ang gusto mong pakasalan ng anak natin? Si Ryza?”“Eh, di ba, yun naman talaga dapat ang plano? Si Ryza naman talaga ang dapat na pakasalan ni Karim ngunit nagkaroon siya ng ovarian cyst kaya tinanggal ang dalawang ovary niya. Si Adira pinakasalan lang ni Karim para anakan. Kapag nanganak na si Adira hihiwalayan din siya ni Karim at kukunin ang bata. Dalawang taon lang naman ang kontrata nila dahil si Ryza ang talagang papakasalan ni Karim.”“Kung ganyan nga ang plano, ano ang pinagpuputok ng botse mo? Hintayin mo na lang na ang anak natin ang magdesisyon. Huwag mo na siyang pakialaman.”Nanikip ang dibdib ni Adira na bumalik sa silid nilang mag-asawa. Gusto niyang sumigaw upang maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat. Ang buong akala niya pinakasalan siya ni Karim upang makuha nito ang posisyon bilang CEO. Siya naman itong si Gaga, ginamit ang pagkakataon at pumayag na magpakasal sa lalaking kailan man hindi siya minahal. Tumatawa siya habang umiiyak. “Mission accomplished, Adira. Napakatanga mo!” Sigaw niya habang nakaharap sa salamin. Huminto siya sa pag-iyak nang bumaba ang paningin niya sa kanyang tiyan. “Hinding-hindi mo makukuha ang anak mo sa akin, Karim. Sinusumpa kong dadaan ka muna sa maraming butas ng karayom bago mangyari ‘yan.”KINABUKASAN nagising si Adira na ang buong akala mag-isa lang sa kanyang silid. Nakapikit siyang kinapa sa higaan kung pumasok si Karim kagabi at dito natulog sa kanilang silid. Dumilat siya ng mga mata nang may kinapa siyang katabi niya sa higaan. Napabalikwas siya ng bangon nang napagtanto na hindi si Karim ang katabi niya kundi ang step brother nitong si Ryder. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Inikot niya ang paningin nang mapansin na iba ang sapin ng kama. Nandito siya sa guest room? Paano siya nakarating sa guest room gayung malinaw sa ala-ala niya na sa loob ng silid nila ni Karim siya natulog? Hindi siya uminom kagabi….Natutop niya ang labi ng maalala na may ininom siyang juice na hinatid ni Megan—ang batang katulong na anak ni Manang Salve. Iyon lang naman ang ininom niya at agad siyang nakatulog. Akala niya dahil sa sobrang pagod niya lang kaya nakaramdam kaagad siya ng antok. Ngunit may posibilidad na nilagyan ng sleeping pills ang juice niya. Bakit hindi man lang niya ma
Karim, kumusta ang apo ko?”Naudlot ang pagsinghot ni Karim nang marinig ang boses ng kanyang ama. Malaki ang hakbang nito habang papalapit sa kanya.Kasalukuyan siyang nakasandal sa gilid ng pintuan ng operating room nang dumating ang mga ito. Inayos niya ang sarili at humarap sa ama.“I don’t know, Dad.” Nanghihina niyang sagot. Nakakunot ang noo ng Don. “Anong hindi mo alam? Isang oras, mahigit na, simula nang dinala mo rito sa ospital si Adira. Humabol kami sa pagpunta dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ba lumalabas ang Doctor?” Gusto ng mag hysterical ng matandang Don.Planong sumagot ni Karim nang biglang bumukas ang pintuan ng operating room. Sabay nilang nakita ang walang kabuhay-buhay na mukha ng Doctor. Agad na hinanap ng mga mata nito si Karim sa kanilang tatlo.Lumapit si Karim. “How’s my wife?”“Mr. Walton, I’m sorry, ginawa na namin ang lahat ngunit hindi nakaligtas ang baby. But your wife, she’s safe now.”“Ano? Mas pinili n’yo pang
Pagdating ni Sherwin sa Amarah hospital agad niyang pinuntahan ang kilala niyang Department Head of Obstetrics and Gynecology. Sigurado siyang matutulungan siya nito upang alamin kung saan naroon si Adira.“Mike,” bungad niya pagpasok sa opisina nito. Naabutan pa niya itong may hinahanap sa filing cabinet. Lumingon ito sa kanya.“Sherwin, napadalaw ka.” Nakangiti nitong wika bago hinugot ang file na hinahanap nito. “Umupo ka muna.”“Okay lang. Hindi naman ako magtatagal. I need your help.” pagpatuloy niya.Timigil ito sa ginagawa at tinuon ang atensyon sa kanya.“Help? What is it?” Taka nitong tanong. “Mayroong pasyente na inilipat dito mula sa St. Lucian hospitals. Mahigpit na inutos ni Boss na kailangan ibalik ang asawa niya sa St. Lucian sa loob lamang ng ilang minuto, kung hindi daanin niya sa dahas ang hospital sa pagkuha sa asawa niya. Sasampahan pa kayo ng kaso kapag nangyari ‘yun.”“W..wait..wait..I don’t get it.” Naguguluhan na sagot ni Dr. Mike. “Ang sabi mo mayroong pasye
“Mike! Mike!”Naudlot ang pagtawa ni Mike habang kausap ang isang doktor sa loob ng kanyang opisina nang marinig ang malakas na sigaw ng Direktor. Nagtataka siya kung bakit ito naparito sa opisina niya gayung hindi naman nito ginagawa dati. Ngunit bakit galit na galit ito habang nakatingin sa kanya?“Director, good after—”Pak!“Arrgh!” Halos pumutok ang labi ni Mike dahil sa biglang pagsuntok ng director. Hindi na nga niya nagawa na tapusin ang pagsasalita dahil bigla na lang siyang sinugod ng galit na suntok nito. Hinawakan niya ang labi na dumugo. Binalingan niya ang direktor ng may pagtataka. “Why?”“Why!? Why?” Whyley na tayong trabaho dahil sa kagaguhan mo!”Nagdikit ang dalawang kilay ni Mike kasabay ng pag kunot ng kanyang noo nang marinig ang sinabi ng Direktor. “What do you mean?”“This..is..what I mean!” Pak!Muli na naman siyang sinuntok ng director kaya muntik na siyang mapasubsob sa sariling mesa. Mabuti at tinulungan siya ng kausap niyang Doctor kanina. “Fuck!” Napamura
“Sherwin! I’m asking you!”Nakabalik si Sherwin sa sarili ng lumakas ang boses ng boss niya. Ngayon pa lang siya natauhan. “Pabalik na ako, boss.” Sagot niya bago binuhay ang makina ng sasakyan. Hindi na niya hinayaan pa na magsalita ito. Ngunit sadyang makulit ang boss niya dahil hindi siya nito tinigilan. Muli itong tumawag sa kanya.“Boss,” wika niya ng sagutin ito.“Kailangan pa bang puntahan kita para sabihin mo sa akin kung bakit hindi mo kasama ang asawa ko?”Dahil sa narinig nataranta si Sherwin na lumabas ng sasakyan at hinanap ng kanyang paningin ang kotse ng kanyang boss. “Mula sa di kalayuan, nakita niya ang niningkit na mga mata ng kulay itim na bentley flying spur ng Boss niya. Napabuga siya ng hangin. Inunahan siya ng kanyang boss. Sinundan siya nito. Sinara niya ang kanyang kotse upang puntahan ito.“Anong balita?” bungad niya sa tauhan nang lumapit. Hindi niya gusto ang drawing ng mukha nito.“Hindi pwedeng dalhin si Ma’am Adira, Boss.” “Fuck!” Hinampas niya ang man
Matagal na nagkatitigan ang dalawa habang nakabukas ang elevator. Makita sa mata ng mga ito ang magkaibang galit sa isa’t-isa. “A…Adira,” Sambit niya. Lumabas siya ng elevator upang hawakan ang kamay ng asawa ngunit agad din naman itong tumalikod sa kanya. “Adira sandali! Tinawag niya ito ngunit parang hindi siya nito narinig. “Fuck, wife!” Mabilis niya itong hinabol. Kung ganun hindi totoong na fractured ang katawan nito. Kahit pa na paika-ika ito kapag naglalakad may posibilidad na hindi rin totoong nawala ang ipinagbubuntis nito. Kailangan nilang mag-usap.Kahit masakit ang katawan pinilit pa rin ni Adira ang sarili na lakihan ang kanyang hakbang upang hindi siya maabutan ni Karim. Kahit alam niyang wala siyang panama sa bilis ng hakbang nito, sinubukan pa rin niya ang makakaya. Siya ang nagmamay-ari ng hospital na ito kaya kabisado na niya ang mga exits na pwede niyang puntahan. Sinubukan muna niyang dumaan sa kabilang elevator. “Shit!” Napamura siya nang makita na kasalukuya
“Aba’t, Hoy! Adira!” Mabilis na hinabol ni Erlinda si Adira. Nakita naman ito ni Michael kaya agad din itong sumunod.Napahinto si Adira sa kanyang paglalakad nang marinig ang boses ng matanda. Hindi siya lumingon. Tamang hintay lang siya na pumunta ito sa harapan niya.“Adira, walang hiya ka. Pinaghintay mo kami ng anak ko doon sa St. Lucian hospital dahil buong akala namin malala ang kalagayan mo, ngunit iyon pala niloloko mo lang kami! Siguro niloloko mo rin ang anak ko. Pinalabas mong nakunan ka para makuha ang simpatya n’ya!” Malakas ang boses ni Erlinda kaya nag-agaw ito ng atensyon sa mga pasyente at bisita sa loob ng hospital. Nakaramdam naman ng hiya si Michael kaya agad niyang sinaway ang asawa. “Pssst..Linda! Nakalimutan mo na bang nasa publikong lugar tayo? Paano kung may nakakilala sa ‘tin at makuhanan ng video itong eksena mo, sigurado akong hindi lang anak natin ang mapapahiya kundi pati ako! Hindi ka ba nag-iisip?” Pabulong ngunit puno ng pagkainis sa asawa si Michael
“Kung ganun isa rin si Maam Adira sa nagmamay-ari ng Dela Vega Airlines?” Naudlot ang muntik na pagluha ni Karim nang marinig ang boses ni Sherwin sa likuran niya. Hindi niya alam kung paano ito nakapasok sa loob ng kanyang kotse. Muli niyang sinulyapan ang kalangitan. Tuluyan ng nawala sa kanyang paningin ang private plane ng mga Dela Vega. Kasabay ng paglaho nito sa paningin niya ay ang pag-usbong naman ng hindi maipaliwanag na lungkot sa loob ng puso niya. Ang pakiramdam na para bang may kulang. “Ano, boss, inom na lang tayo?” Muli na naman niyang narinig ang nakakaasar na boses ni Sherwin. “Get out,” mahina ngunit madiin na wika niya habang nakahawak sa manibela. “Just want to remind you boss, you have appointment with Mr. Saquian this afternoon.” “Cancel all the appointments I have.” Agaran niyang sagot. Gusto niyang mapag-isa ngayon. Walang nakakaintindi ng nararamdaman niya gayung kahit siya hindi rin maintindihan ang sarili niya. Nawala siya sa focus. Hindi gumagana ang u