Share

CHAPTER 4 - A MISTAKE OF BETRAYAL

KINABUKASAN nagising si Adira na ang buong akala mag-isa lang sa kanyang silid. Nakapikit siyang kinapa sa higaan kung pumasok si  Karim kagabi at dito natulog sa kanilang silid. Dumilat siya ng mga mata nang may kinapa siyang katabi niya sa higaan. Napabalikwas siya ng bangon nang napagtanto na hindi si Karim ang katabi niya kundi ang step brother nitong si Ryder. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Inikot niya ang paningin nang mapansin na iba ang sapin ng kama. Nandito siya sa guest room? Paano siya nakarating sa guest room gayung malinaw sa ala-ala niya na sa loob ng silid nila  ni Karim siya natulog? Hindi siya uminom kagabi….Natutop niya ang labi ng maalala na may ininom siyang juice na hinatid ni Megan—ang  batang katulong na anak ni Manang Salve. Iyon lang naman ang ininom niya at agad siyang nakatulog. Akala niya dahil sa sobrang pagod niya lang kaya nakaramdam kaagad siya ng antok. Ngunit may posibilidad na nilagyan ng sleeping pills ang juice niya. Bakit hindi man lang niya maramdaman na may lumipat sa kanya sa guest room? Kinapa niya ang sarili. Alam niyang hindi siya ginalaw dahil wala siyang nararamdaman na pananakit ng katawan o, balakang. Dali-dali siyang bumaba ng kama at hinanap ang mga damit niya. Nang hindi niya ito mahanap, kinuha niya ang nakasabit na tuwalya at iyon ang ginawang balabal sa katawan. Mabilis siyang lumabas ng guest room at bumalik sa kanilang silid ni Karim. Bakit hindi man lang siya nito hinanap? Kunsabagay wala namang pakialam sa kanya ang lalaking ‘yun.

Binuksan niya ang pintuan para lalo lamang masindak sa kanyang nakita. Parehong hubo’t-hubad si Karim at Ryza habang magkayakap sa ibabaw ng kanilang kama. Si Ryza nakatulog at nakapatong sa ibabaw ni Karim habang nasa loob pa rin ng hiyas nito ang alaga ni Karim na hindi pa rin natanggal. Gusto niyang sabunutan ang dalawa sa sobrang gigil niya. Nagawa siyang ilipat ni Karim kagabi para lang si Ryza ang makasiping nito sa kama? Kung ganun, totoo ang mga narinig niya kagabi. SI Ryza ang laman ng puso  nito at hindi siya. She’s just a tool, a baby maker para kay Karim. Mabigat ang kanyang mga paa na bumalik sa guest room. Umupo siya sa gilid ng kama. Naninikip na ang kanyang dibdib dahil sa patuloy na pag-iyak. Sa sobrang sakit na nararamdaman niya nakalimutan niyang may kasama siya sa loob ng silid.

“What are you doing there, babe? Come here.” 

Hindi niya napaghandaan ang biglaang paghila sa kanya  ni Ryder dahilan upang matumba siya sa higaan. Agad siya nitong niyakap. 

“Hindi kita natikman kagabi dahil tulog na tulog ka. Ayaw ko pa naman niroromansa ang babae na hindi lumalaban. Mabuti at gising ka na ngayon, pwede nating ituloy.”

“Bitawan mo ako,” SLAP! Mabilis siyang bumangon.

“Tangina mo! Gago ka!” Pak!

Malakas na sinuntok ni Karim si Ryder sa panga. Hinila niya ito pababa sa kama para lang suntukin ulit kaya ito tumilapon sa sulok. Parang papatay ng tao ang mga mata niya sa galit nang makita na magkasiping ang dalawa kanina. Galit niyang binalingan ang asawa. “You dared to betray me!”

Napahawak si Adira sa dibdib niya nang duruin siya ni Karim. Bakit siya pa ang nabaliktad gayung ito ang nakita niyang katalik si Ryza? Hinawakan nito ang leeg niya at nilapit sa mukha nito.

“Hindi ba ako ang dapat magsabi niyan? You dared to fool me!” 

Tila hindi siya narinig ni Karim dahil nangingibabaw na ang sobrang selos ang galit nito sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang buhok kaya napatanga siya. “Kating-kati na ba ang hiyas mo at hindi ka na makapaghintay na isilang ang anak ko bago pumatol sa kapatid ko!?” Nagtatagis ang mga bagang nito sa galit. 

“Ka..rim..bitawan mo ako, nasasaktan ako!” Nagpupumiglas si Adira mula sa pagkakasakal ni Karim. Bumalik sa alaala niya ang nangyari sa kanyang ina noon. Sinakal din ito ng kanyang ama dahil sa maling dahilan. Hinding-hindi niya hahayaan na mangyayari rin iyon sa kanya. Inubos  niya ang kanyang lakas upang abutin ang kamay  nito at kinagat iyon. Saka palang siya nito binitawan. Mahina siyang napa-ubo at hinawakan ang  kanyang leeg.

SLAP! SLAP!

Malakas na sampal ang nagpagising kay Karim mula sa sobrang galit. Nakita niya ang nagbabadyang luha mula sa mga mata ni Adira habang nakipagtagisan ito ng tingin sa kanya. Wala na siyang nakikita na kislap sa mga mata nito kundi puro pagkasuklam na lang sa kanya.

“Hindi kasama ang kaluluwa ko sa binayaran mo. Alam mo bang pinakasalan kita dahil umaasa akong mamahalin mo rin ako. But, Fvck your money, dahil hindi ka karapat-dapat maging ama ng anak ko!” Dinuro niya ito sa dibdib. Sinigaw na niya ang lahat ng hinanakit na naipon sa loob ng dibdib niya. Mapakla siyang ngumiti habang nakatingin sa dominateng mukha ng lalaking mahal niya, ngunit noon ‘yun dahil naubos na ang natitirang pagmamahal niya para rito. “I want to end this fucking game of yours!” Nakita niya kung paano magbago ang anyo ng mukha nito dahil sa sinabi niya. She wants to end this fucking game. Mabilis siyang tumalikod habang  nakatulala pa rin  si Karim.

“Bye, Adira.” 

Napahinto siya sa paglalakad nng mapansin si Ryza na malanding nakasandal sa gilid ng pintuan. Nakatapis pa rin ito ng tuwalya katulad niya. Napansin rin niya ang mga magulang ni Karim na hindi alam kung ano ang gagawin. Bakas ang pagkataka sa mata ng mga ito. Gayunpaman hindi niya ito pinansin.  Gigil siyang lumapit kay Ryza at walang pasabi itong sinampal.

SLAP! “That’s for my son!”

SLAP! “ and that is for me! Kasabwat mo pa si Ryder para lang sirain ako? Hindi ako tanga para hindi malaman ang pinaplano niyo!” 

Nakita niya kung paano lumaki ang mga mata  nito dahil sa pambubuking niya.

“ How dare you—”

“How dare you fuck my husband!” dinugtungan niya ang sinabi nito. Sinigurado niyang naririnig din ito ni Karim. KItang-kita niya kung paano ito nagulat nang balingan niya. Gusto niyang iparating na hindi siya tanga para hindi malaman na nakipag sex  ito kay Ryza. Muli niyang hinarap ang babae at mapang-uyam na nginitian.  “Thank you for ending my pain. Now you can both live in hell!” Nakangiti niyang tinalikuran ang dalawa.

Nagngingitngit ang kalooban ni Ryza dahil sa ginawa ni Adira. Plano niyang pahirapan ito, ngunit bakit parang natuwa pa ito dahil sa ginawa niya?

Dinaanan niya lang ang dalawang matanda. “I’m done with your son. He’s all yours.” matapos sabihin iyon ay agad niya itong tinalikuran.

Parang himatayin si Michael dahil sa nangyayari. “Karim! What have you done!?”

Saka pa lang nakabalik si Karim sa sarili dahil sa sigaw ng kanyang ama.

“Michael, ang apo ko, ang apo natin, baka ilayo ni Adira.”

“Shut up! Di ba gusto mo rin yan!? Ayan, mag celebrate ka! Pvnyeta!” Galit na galit ang Don. Binalingan niya si Karim. “ Ano pa ang ginagawa mo? Hahayaan mo na lang ba na umalis ang asawa mo!? Isa kang G*go!”

Taranta naman na lumabas si Karim sa guest room upang habulin si Adira. Ngunit agad din siyang pinigilan ni Ryza. “Karim..”

Mabilis na sinakal ni Karim ang babae. “Dahil sa’yo kaya nasira ang pamilya ko! Wag na wag ka ng magpapakita sa akin kung ayaw mong mapatay kita!” Patulak niyang binitawan si Ryza kaya tumilapon ito sa sahig habang umiiyak.

Mabilis na ni-lock ni Adira ang pintuan at nagbihis. Kinuha niya lahat ng kanyang damit mula sa loob ng wardrobe at pinasok iyon sa loob ng katamtamang size na maleta. 

“Adira! Open the door!” 

Hindi niya pinansin ang pagsipa ni Karim sa pintuan. Wala na siyang pakialam pa sa lalaki. Ilang buwan nalang mawawala na rin ang bisa ng kanilang kasal. Mas lalo niyang binilisan ang pagpasok ng mga damit sa maleta. Wala nang tupi-tupi dahil nagmamadali siya. 

“Adira!” Muling sigaw nito ngunit hindi na siya natatakot. Naubos na ang takot at pagmamahal niya para kay Karim. Galit na lang ang namayani sa kanya ngayon para kay Karim. Tanging natira na lang ngayon sa kanya ay ang pagmamahal sa kanyang anak. Ang mahalaga malayo ang anak niya sa ama nito na walang silbi. Saka pa lang siya nakahuma ng mapansin na bumukas ang pintuan. Sinira pala ito ni Karim.

“Adira, Fuck! Stop what you are doing!” Kinuha nito sa kanya ang mga damit niya. ngunit hindi siya nagpaawat. Nandidiri siya rito.

“Huwag mo akong hawakan!”Tinulak niya ito.

“I said.. enough!” Galit nitong sigaw sa kanya. “Hindi ka aalis! Dito ka lang sa bahay ko hangga’t hindi mo pinapanganak ang anak ko!” Pati maleta niya binuhat nito at hinagis sa labas ng bintana. 

“Huh? Sa tingin mo isisilang ko ang anak mong ito? No way! Mas pipiliin ko pang mamatay! You will never see my child unless you let me go!” Nanlaban siya ng masakit na titig rito. Nakita niya kung paano manigas ang panga nito habang nakatingin sa kanya. Halatang nagtitimpi ito ng galit sa kanya dahil nakakuyom pa ang kamao nito. Ginamit niya ang pagkakataon na  malayo ang pagitan nito sa kanya. Agad siyang tumakbo palabas ng silid..

“Fuck! Adiraaa!” 

Narinig niya ang pagsigaw nito ngunit hindi siya lumingon. Mabilis siyang tumakbo pababa ng hagdan dahil alam niyang hahabulin siya  nito. Ngunit nagkamali siya sa paghakbang sa hagdan dahilan upang malaglag siya. 

“No!  Adiraaaa!”

Pakiramdam niya naninilim ang paningin niya nang tumama ang kanyang ulo sa sahig. Agad niyang hinawakan ang puson nang makaramdam ng kirot mula doon. “No..No..my baby..” Usal niya habang umiiyak. 

“Fuck! Shug? Shug?” 

Kusang nangilid ang mga luha niya nang marinig ang pagtawag nito sa kanya. Sa tagal ng pagsasama nila, ngayon lang siya nito tinawag sa endearment nila. Nakakalungkot lang isipin na nawala na ang pagmamahal niya para dito.

“Shug? Hindi kayo pwedeng mawala ng anak ko.” 

Naramdaman niyang binuhat siya ni Karim. Naririnig pa niya ang sunod-sunod na pagmura nito habang kinakarga siya papasok sa loob ng sasakyan.

“Kuya, help me..” Pinindot niya  ang alarm button sa suot niyang wristwatch hudyat na kailangan niya ng tulong mula sa Kuya niya. Ginawa niya ito bago siya mawalan ng malay.

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Nheleb Lenskie Ollijorap
.wow nice nakka excited ang story.........
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
ang ganda mula umpisa nakaka gigil at nakaka excite mga susunod na kabanata
goodnovel comment avatar
Mariefe Silaran Abat
OMG.....super nakakaexcite ang story miss A. aabangan ko to araw araw.... ......thank u miss A.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status