Share

CHAPTER 5 - LOSING HIS UNBORN SON

Karim, kumusta ang apo ko?”

Naudlot ang pagsinghot ni Karim nang marinig ang boses ng kanyang ama. Malaki ang hakbang nito habang papalapit sa kanya.

Kasalukuyan siyang nakasandal sa gilid ng pintuan ng operating room nang dumating ang mga ito. Inayos niya ang sarili at humarap sa ama.

“I don’t know, Dad.” Nanghihina niyang sagot.

Nakakunot ang noo ng Don. “Anong hindi mo alam? Isang oras, mahigit na, simula nang dinala mo rito sa ospital si Adira. Humabol kami sa pagpunta dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ba lumalabas ang Doctor?” Gusto ng mag hysterical ng matandang Don.

Planong sumagot ni Karim nang biglang bumukas ang pintuan ng operating room. Sabay nilang nakita ang walang kabuhay-buhay na mukha ng Doctor. Agad na hinanap ng mga mata nito si Karim sa kanilang tatlo.

Lumapit si Karim. “How’s my wife?”

“Mr. Walton, I’m sorry, ginawa na namin ang lahat ngunit hindi nakaligtas ang baby. But your wife, she’s safe now.”

“Ano? Mas pinili n’yo pang buhayin si Adira kaysa apo ko?” Galit na galit si Erlinda dahil sa sinabi ng doktor. Gusto nitong sugurin si Adira sa loob ng nakabukas na silid. Hinawakan lang ito ng Don.

“D-Doctor, ano ba talaga ang nangyari? Nakunan ba talaga si Adira?” Hindi makapaniwala si Don Michael sa sinabi ng Doctor. Umaasa siyang nagbibiro lang ito.

Si Karim nanatiling naka froze sa kanyang kinatatayuan. Ang buong akala niya kumapit pa ang anak niya sa sinapupunan ni Adira. Akmang papasok na siya sa loob ng operating room upang kumpirmahin ang sinasabi ng Doctor, ngunit inunahan na siya ng kanyang ina.

“Mom!” agad niya itong hinabol. Gusto niyang pigilan sa pangingialam nito sa buhay nila na mag-asawa. Ngunit tila wala itong narinig dahil hindi man lang ito lumingon sa kanya.

Mabilis na rin na sumunod si Don Michael. Interesado rin siyang malaman kung wala na nga talaga ang apo niya.

Napailing na lang ang Doctor. Batid niyang mas mahalaga sa mga ito ang tagapagmana ni Karim kaysa kay Adira. Nakaramdam siya ng awa sa babae. Hinayaan na lang niya ang mga ito na pumasok sa loob ng operating room. Nagpatuloy siya sa paglalakad palabas ng OR.

“Doctor!”

Napalingon si Doc Encio nang marinig ang boses ni Erlinda. Lumingon siya at nakita niyang halos lumuwa na ang mga mata nito habang lumalaki ang mga hakbang na papalapit sa kanya. Alam na niya kung bakit.

“Nasaan na si Adira? Bakit wala siya sa loob?” Tanong ng ginang. “Ikaw ba talaga ang Doctor ni Adira? Mukhang gino-good time mo lang kami eh.” Dagdag sa sinabi nito.

Nagpakawala muna ng malalim na hangin ang Doctor. Wala pa sana siyang balak na umamin ngunit nakasalubong ng kanyang mata ang matalim na tingin ni Karim. Nagbabanta ang mga tingin nito, parang nagpapahiwatig na huwag lang siya magkamali sa pagsagot at tiyak may kalalagyan siya.

“Inilipat siya sa Amarah hospital.”

“Inilipat…what?” Sabay na tanong ng dalawang matanda. Lumipat ang kanilang mga tingin kay Karim na kasalukuyan nakakunot ang noo. Halatang walang alam kung bakit inilipat ang asawa nito.

“Where…is..my…wife!” Parang sasabog si Karim. Talagang pantig-pantig pa ang kanyang pagsasalita para ipahiwatig na nauubos na ang pasensya niya. Kanina pa siya naghihintay sa labas ng pintuan ng operating room. Walang Adira na lumabas. Kung ganun saan iyon dumaan? Sa loob na exit?

“Nasa Amarah Hospital.” sagot ng Doctor.

“What? Nalilito ang mga mata ni Karim habang nakatingin sa Doctor.

Lahat sila nasindak bakit napunta si Adira sa Amarah hospital gayung dito siya sa St. Lucian dinala ni Karim.

“Doctor, anong sinasabi mo na dinala siya sa Amarah Hospital? I mean.. sino naman ang tanga na magdadala sa kanya doon? Kung dito pa nga lang sa St. Lucian ilang libong dolyar na ang gagastusin, yun pa kaya sa Amarah na isang international hospital?” Tinalakan na ng ginang ang Doktor.

Nakakuyom ang kamao ni Karim. Gusto nang suntukin ang Doktor. “Doc Encio, sino ang nagbigay sa inyo ng karapatan upang dalhin sa Amarah Hospital ang asawa ko!? Ako ang asawa niya! Ako ang higit na may desisyon pagdating sa kanya!”

Napaatras si Doc Encio dahil sa sigaw na iyon ni Karim. Pakiramdam niya kung hindi siya iiwas sigurado talagang masasakal siya ng CEO kapag hindi ito nakapagpigil ng galit. Gayunpaman sinubukan pa rin niyang magpaliwanag.

“Mr. Walton, dumaan sa tamang proseso ang paglipat ng pasyente sa ibang hospital. Ngayon, kung para sa ‘yo may nilabag kami, mas magandang kausapin n’yo na muna ang asawa n’yo upang maiwasan ang anumang gulo.”

“Anong gulo ang pinagsasabi mo, Doctor Encio?” Pumagitna na naman ang Ginang saka muling idinagdag. “Para sa isang ordinaryong babae na katulad ni Adira Dela Vega wala siyang kakayahan upang kalabanin ang anak ko na isang CEO ng Walton Pharma Group! Ha! Napaka Ambisyosa niya na lumipat sa Amarah Hospital. Sino ang inaasahan niyang magbayad ng bills niya doon, si Karim?”

Napaawang ang labi ng Doktor sa narinig. Hindi ba alam ng mga ito kung sino si Adira Dela Vega? Isang Ceo ng Amarah Pharma Incorporated ang babae kaya normal lang na piliin nito ang sariling hospital. At kahit director ng St. Lucian walang nagawa nang tumawag ang Beast CEO na si Allaric Dela Vega na ilipat ng Amarah ang mahal na kapatid nito. Hindi nito kayang kalabanin si Karim ngunit mas lalo naman si Allaric.

“Tawagan mo ang Amarah Hospital, sabihin mo, ibalik nila ang asawa ko!” Marahas na hinawakan ni Karim ang kwelyo ng doctors gown ni Dr. Encio. Ngunit hindi nagpatinag ang Doktor.

“Kahit patayin mo man ako ngayon, Mr. Walton, sinasabi ko na sa’yo, wala pa rin akong magagawa dahil iyon ang kagustuhan ng asawa mo. If you really want, bakit hindi na lang ikaw ang tumawag sa Amarah hospital?” Ngiting aso ang pinakawalan ni Karim habang nakatitig ng masakit sa mga mata ng doktor. Binitiwan na rin niya ito matapos magdesisyon. Hinahanap ng kanyang mga mata si Sherwin.

Tila nahalata naman ni Sherwin na siya ang hinahanap ng amo kaya ito lumapit. “Boss.”

“Tawagan mo ang Amarah Hospital. Make sure in a matter of minute nandito na ang asawa ko sa St. Lucian.”

“Roger that, boss.”

Hindi na lumayo pa si Sherwin. Agad itong tumawag sa harapan nilang lahat.

“What? Hindi n’yo ba kilala kung sino si Karim Walton? Kontrolado niya ang kalahati ng ekonomiya ng bansa.”

“Yes, we understand him, ngunit ayaw namin madamay sa gulo. Lalong ayaw naming magalit ang may-ari ng Amarah hospital. Nagtatrabaho lang po kami. Hope he understand. Thank you.”

Napalingon si Sherwin sa boss niya. Kasalukuyang naka-kuyom ang kamao nito nang tingnan niya. Narinig din kasi nito sa loudspeaker kung ano ang sinabi ng Amarah Hospital.

"May-ari ng Amarah? Hah! kung hindi ako nagkakamali kinalantari na naman ng babaeng yan ang may ari ng Amarah Hospital noon pa, kaya matapang na ito ngayon na labanan-."

"Ahhh, just keep your mouth shut, Mum!"

Huminto ang pagsasalita ni Erlinda dahil nanlilisik na ngayon ang mga mata ng anak sa galit.

“Go, and bring her back!” Utos nito kay Sherwin.

Mabilis naman tumalima si Sherwin. Alam niyang gustong-gusto nang puntahan ng boss niya ang asawa nito ngunit nanaig pa rin ang pride nito sa katawan. Panay ang iling niya palabas ng hospital exit. "Bakit kasi sobrang cold hearted mo boss?"

KINGSTONE

Hello, sa mga readers na tatangkilik nitong mga akda ko. Ngayon pa lang gusto ko nang magpasalamat sa inyong lahat sa pagtitiwala sa akin na kaya kung abutin ang mga expectations ninyo. Hahaha, noong sinulat ko ito hindi ko alam kung magampanan ko ang pagiging Kingstone sa puso nyo tulad ng pagmamahal ninyo kay Rising Queen. Maraming salamat po.

| Like
Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Monica
Wow, thank you author King,, Lagot na Karim good luck sayo...
goodnovel comment avatar
Lilia Malabato Alc
update please
goodnovel comment avatar
Mary Ann Catamora Villanueva
Na excite ako s next chapter... Ang ganda ng flow ng story ang galing......... godbless sau... Waiting nko for the nxt chapter ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status