Share

CHAPTER 6 - ALLARIC'S ANGER

Pagdating ni Sherwin sa Amarah hospital agad niyang pinuntahan ang kilala niyang Department Head of Obstetrics and Gynecology. Sigurado siyang matutulungan siya nito upang alamin kung saan naroon si Adira.

“Mike,” bungad niya pagpasok sa opisina nito. Naabutan pa niya itong may hinahanap sa filing cabinet. Lumingon ito sa kanya.

“Sherwin, napadalaw ka.” Nakangiti nitong wika bago hinugot ang file na hinahanap nito. “Umupo ka muna.”

“Okay lang. Hindi naman ako magtatagal. I need your help.” pagpatuloy niya.

Timigil ito sa ginagawa at tinuon ang atensyon sa kanya.

“Help? What is it?” Taka nitong tanong.

“Mayroong pasyente na inilipat dito mula sa St. Lucian hospitals. Mahigpit na inutos ni Boss na kailangan ibalik ang asawa niya sa St. Lucian sa loob lamang ng ilang minuto, kung hindi daanin niya sa dahas ang hospital sa pagkuha sa asawa niya. Sasampahan pa kayo ng kaso kapag nangyari ‘yun.”

“W..wait..wait..I don’t get it.” Naguguluhan na sagot ni Dr. Mike. “Ang sabi mo mayroong pasyente mula sa St. Lucian na dinala dito sa hospital ko? Then, that patient is your boss’s wife?”

“Yes..”

Humagalpak ito ng tawa dahilan upang tapunan siya ng masamang tingin ni Sherwin. “How come na inilipat ang asawa ng boss mo na hindi niya alam? He’s a powerful CEO of Walton Pharma Group. Mayroon pa bang mangahas na kalabanin siya? Unless ginusto ng asawa niya na lumipat ng Amarah hospital dahil may mis understanding sa kanilang dalawa.”

“Exactly..and that’s the reason why I am here. I need your help para alamin kung sino ang matapang na nilalang na may kakayahan na ilipat ang asawa ni boss sa hospital na ito.” Nagbuga muna si Sherwin ng hangin bago muling idinagdag. “I advice na gawin mo ito sa lalong madaling panahon. Masama si Boss kapag nagalit. Kailangan sa loob ng ilang minuto lamang maibalik na ang asawa niya.” .

“What the fuck!” Napamura si Mike dahil sa tinuran ni Sherwin. “Okay..okay. Let’s see what I can do.” Kinuha niya ang telepono at mayroong tinawagan. Habang nag riring sa kabilang linya, binalingan niya si Sherwin. “Ano nga ‘yung full name ng asawa niya?”

“Adira D. Walton.” agad namang sagot ni Sherwin. Seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi niya alam kung bakit sikat ang pangalan ng boss niya samantala ang pangalan ng asawa nito parang inilihim sa buong mundo. Iilan lang ang nakakaalam na may asawa ang isang Karim Walton.

“Hello, Molly, check mo nga kung mayroon tayong pasyente na kaka-transfer lang. “Adira D. Walton ang pangalan.”

Narinig ni Sherwin ang tinanong ni Mike sa Admitting Section.

“Mayroon Sir, ngunit Adira Dela Vega po ang name na naka registered sa system namin.”

“Adira Dela Vega? So walang Adira D. Walton?”

Nang marinig ni Sherwin ang tanong ni Mike. Siya na ang kusang sumagot. “Adira Dela Vega Walton ang married name niya.”

“Oh, I see.” Sumenyas muna ito na sandali lang dahil itatanong pa sa admitting ang status ng babae. “Molly anong diagnosis niya bakit siya na transfer? At sinong nagpalipat sa kanya.”

“Ahnmm..ang nakalagay sa system, Sir, na confine siya because of bone fractures and miscarriage. Pero unknown ang nakalagay kung sino ang person responsible for her admission.”

“At pinayagan n’yo na mangyari yan? Hindi ba at may mga right procedure tayo bago e-admit ang pasyente? Paanong hindi n’yo alam kung sino ang taong responsable sa kanyang paglipat sa ating hospital?” Mukhang nagagalit na si Mike. Tumahimik ang kabilang linya.

“I’m sorry, Sir, pero iyon lang kasi ang sinasabi ng data.”

“No. You need to pull-out the patient.. right now!”

“Sir?” Naguguluhan ang admitting clerk.

“You hear me!? I will issue the discharge order. Kailangan siyang ibalik sa St. Lucian hospital. Paano kung may nangyari sa pasyente noong nasa St. Lucian pa lang siya at tayo ang sisihin?”

“Yes, Sir.” tumalima din ang babae sa order ng nakakataan sa kanya.

Matapos ibaba ang telepono, nakangiting binalingan ni Mike si Sherwin. Tinapik niya ang balikat ng huli. “Wala ka ng dapat problemahin pa. Ngayon mismo, i-transfer ko pabalik ang asawa ng boss mo sa St. Lucian.”

Saka pa lang nabuhayan ng loob si Sherwin. “Talagang hindi ako nagkamali ng nilapitan. Sasabihin ko kay boss na triplehin ang bayad sa’yo.”

Malapad naman ang ngiti na pinakawalan ni Mike.

Samantalang hindi magkandaugaga ang direktor ng Amarah hospital sa Western City branch nang malaman na biglang dumating ang Chairman of the board. Lahat ng staff, doctors at nurses na nagtatrabaho sa loob ng hospital ay pinadalhan niya ng mensahe na umalerto because of the posibilities that the chairman will do the rounds sa bawat departamento ng hospital. Alam niyang ang former CEO na kapatid nito ang sadyang pakay nito sa pagdalaw ngunit mas mainam nang nakahanda ang lahat ng mga staff niya. Ayaw niyang may nakikita ang chairman na hindi kanais-nais, hindi nila kaya kapag nagalit ito.

“Where is she?” Salubong ang mga kilay ni Allaric pagpasok niya sa loob ng isa sa mga branch ng Amarah sa Western City. Nakita niyang nakayuko ang lahat ng mga Admin and officers sa pagsalubong at pagbigay galang sa kanya.

“Nasa loob ng VIP room sa top floor, Mr. Chairman.” Nakangiti bagamat kinakabahan na sagot ng direktor na si Donie.

Hindi sumagot si Allaric. Gusto lang naman niyang malaman kung saan ang kanyang kapatid. Tinuloy niya ang paglalakad patungong elevator.

Saka pa lang huminga si Donie nang lagpasan siya ng Chairman. Makapagpigil hininga talaga ang aura ng batang Chairman. Lalo pang nakakatakot ang kapangyarihan na taglay nito dahil sa mga bodyguard na nakasunod sa likuran. Isinantabi niya ang takot at sumunod na rin na pumasok ng elevator.

Pagbukas ng elevator sa top floor tama naman na naghihintay ang stretcher bed at nakahiga doon si Adira na kasalukuyan pa ring tulog. Tulak ito ng ilang nurses at personnel ng hospital at mukhang papasok sa elevator.

Si Donie nagtaka kung bakit huminto ang chairman sa harapan ng nakabukas na elevator. Sinubukan niyang tingnan kung ano ang nangyari. Ganun na lang ang pagkasindak niya dahil sa nakita. Namumutla siya kasabay ng pagtulo ng malalaking pawis mula sa noo niya.

“Donnnieee!”

Dumadagundong na sigaw ng Chairman ang nagpanginig sa tuhod niya. Agad siyang lumapit.

“Mr. Chair…”

“What the fuck is going on!” Halos puputok ang litid ng mga ugat ni Allaric habang nakakuyom ang kamao.

“B..boss, S..Sir..Mr. Chair..” Hindi na alam ni Donie kung paano ang tamang tawag kay Allaric dahil sa sobrang kaba niya. Lalo pa’t nakita niyang namumula ang mukha nito sa galit.

Binalingan ni Donie ang mga nurses na kasalukuyang nasa bawat sides ng stretcher bed at sa mga ito niya binunton ang kanyang kaba.

“What have you done? Saan nyo dadalhin ang pasyente?”

“Utos po ng Department Head, na si Dr. Mike, Sir. Mayroon po siyang notice to pull-out ang pasyente at ibalik sa St. Lucian Hospital.”

Dahil sa narinig lalong nagdilim ang anyo ni Allaric.

“Take her back to her room!” Nanginginig siya sa galit.

“Y..yes Sir.” Nakaramdam ng takot ang mga nurses kaya mabilis pa sa tilaok ng manok na binalik nila si Adira sa silid nito. Hindi man nila alam kung sino ang lalaking ito ngunit sa klase ng mga tingin nito alam nilang hindi nila kaya kapag nagalit ito.

Galit na binalingan ni Allaric ang Director. “You are the director of the hospital but you don't know how to control your staff! Tell that Department head, this is the last day of his job!”

Mabilis na tumango si Donie ngunit parang himatayin..”Yes, Mr. Chairman. Ngayon mismo, I will fire him.”

Huminto ng paglalakad si Allaric at binalingan ang direktor. “Same to you! You’re fired!”

Nahinto ang paghakbang ng direktor dahil sa narinig. Ito na ang kinatatakutan niyang mangyari. Gusto niyang umiyak ng dugo. Ang ilang taon niyang pagtatrabaho hanggang sa maging director siya ng hospital na ito ay naging walang silbi dahil lamang sa isang araw na pagkakamali ng tauhan niya na hindi niya nagawang kontrolin? "Makikita mo Mike! Mapapatay talaga kita!" Malaki ang mga hakbang niya habang papunta sa opisina ni Mike.

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Kate Winston
nice story
goodnovel comment avatar
Myles Gereña
thank you Po sa UD Mr. Kingstone
goodnovel comment avatar
Isabel Nagano Buenafrancisca
Ang Ganda Ng story ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status