Share

CHAPTER 2 - HIS BIRTHDAY CELEBRATION

ISANG LINGGO ANG LUMIPAS, si Adira mismo ang nagluto ng mga paboritong pagkain  ni Karim. Maging ang pag design ng cake siya rin ang personal na gumawa para sa kaarawan nito. Sadya siyang nag hired ng event organizer upang ito na ang bahala sa pag setup sa loob at labas ng mansyon. Kahit nakaramdam siya ng pagod sa buong araw na paghahanda sulit naman ang kanyang pagod sa tuwing naiisip na lahat ng ginagawa niya ay para kay Karim. Ngunit akala niya lang iyon dahil hindi niya maramdaman na masaya ito sa lahat ng ginagawa niya.

“Hindi ka na sana nagpakapagod para ipaghanda ang kaarawan ko.” wika nito habang hinuhubad ang suits. Kakauwi lang nito mula sa business meeting.

Ngumiti siya. “Okay lang yun, masaya akong pagsilbihan ka bilang asawa.” tinulungan niyang tanggalin ang sapatos nito.

“No, let me do this. Ingatan mo ang anak ko.” Pinigilan siya agad nito.

Kahit malamig ang paraan ng pagkakasabi niyon sa kanya, sapat na iyon upang maramdaman niyang nag-alala din ito sa kanilang anak. 

“Shug,” tawag niya nang matapos itong magpalit ng damit. Malapit na ito ngayon sa pintuan.

Binalingan siya nito na may blangkong ekspresyon sa mukha. “What is it?”

“Ahhhm..wala..never mind.”  Gusto sana niyang makausap ito tungkol sa kondisyon ng kanilang anak ngunit nagbago ang isip niya nang maalala ang reaksyon nito last week. Hanggang ngayon hindi niya alam kung masaya itong magkakaanak na sila. 

Hindi na ito sumagot. Tuluyan na itong lumabas sa silid dahil unti-unti nang dumarami ang mga bisita. Inayos na rin niya ang sarili at sumunod sa pagbaba ng hagdan.

“Happy birthday Karim. Here’s my gift.” Ang malandi na boses na iyon ang unang pumukaw sa atensyon niya. Agad niyang iginala ang paningin para lang makita na hinahalikan ni Ryza ang asawa niya sa gilid ng labi nito.  Kasama nito ang iba pang mga kaibigan nila ni Karim na may mga bitbit ding regalo. May kung anong kirot sa dibdib siyang naramdaman. Hindi man lang siya nito pinag-aksayahan ng oras upang kumustahin o, kahit magpasalamat man lang sa effort na ginawa niya. Pero kay Ryza magawa din nitong ngumiti. Iwinaksi niya ang mga masamang iniisip upang hindi masaktan. Tumulong na lang siya sa pag-asikaso sa mga bisita.

“Bro, ngayon ko lang napansin na maganda pala ang asawa mo. Bakit ba binabahay mo lang ‘yan? Dalhin mo naman paminsan-minsan sa mga event ng kompanya.”

Umigting ang panga ni Karim ng makita ang malagkit na tingin ni Ryder kay Adira. Step brother niya ito kaya alam na niya kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Pahapyaw niyang sinulyapan ang asawa. Nakasuot ito ngayon ng dress na kulay dilaw at hanggang tuhod lamang ang haba. Off-shoulder ang style ng damit kaya naman lumabas ang magandang cleavage nito sa dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang kumulo ang dugo niya sa suot nito. Parang bata siya na nagagalit dahil may nagkakainterest sa pag-aari niya. Muli siyang tumungga ng alak. Sa paraang iyon makakaya niyang kontrolin ang inis niya.

“Don’t mind her.” Wika niya at tinapunan ng masamang tingin si Ryder.

“Ryder, bro, huwag mo nang pakialaman ang asawa ni Karim. Gusto niya yan binabahay dahil natatakot siyang may ibang lalaki na magkakagusto dyan.” Sumingit si Dioric sa usapan. Vice president ito ni Karim sa kumpanya— ang WALTON PHARMA GROUPS.

Pumalatak ng tawa ang lahat na mga kaibigan niya na kasama sa pag-inom dahil sa pagbibiro  ni Dioric. Hindi naman nagreklamo si Karim. Sinulyapan niya si Adira na kasalukuyan nag-aasikaso sa ibang bisita. Hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing lalaking bisita ang nginingitian nito at inaasikaso, kumukulo ang dugo niya. Parang gusto niyang kulungin ito sa loob ng silid.

“Fvck! Bakit pa iyon ang pinili nitong suotin?” Ngayon niya lang naalala na iyon ang iniregalo niya noong anniversary nila. Binalingan niya si Sherwin na kasalukuyang nasa tabi niya. 

“Bakit ‘yan ang binili mo kay Adira?”

“Ang alin, Boss?” Takang tanong naman nito.

“Ang suot niya. Masakit sa mata.” Mahina ang pagkakasabi nito ngunit ramdam ni Sherwin na nagagalit na naman ito.

Tiningnan ni Sherwin ang suot ni Adira. “Hindi naman boss ah. Maganda nga siyang tingnan sa suot niya eh. Hindi halatang ordinaryong babae lang siya. Mukhang anak mayaman. Tingnan mo ang kutis, makinis mula ulo hanggang paa. Sobrang ganda niya boss—”

“Shut up! Tumigil ka kung ayaw mong putulin ko ang dila mo.” 

Muntik ng kagatin ni Sherwin ang dila dahil sa biglang pag-udlot ng kanyang pagsasalita. Napailing na lang siya na nagsalin ng alak sa sariling kopita. Minsan hindi niya maintindihan ang kanyang Boss. Kapag nasa harapan nito ang asawa, malamig pa sa yelo ang pakikitungo nito. Ngunit ayaw naman nitong may ibang lalaki na titingin. Di naman pwede dahil sobrang ganda naman talaga ng babaeng Boss niya. 

Hindi maganda ang timpla ng mukha ni Ryza nang makita kung paano tumingin si Karim kay Adira. Nahalata niyang naging possessive na ito pagdating sa babaeng ‘yun. Kailangan mapanatili niyang malamig si Karim sa asawa nito. Tinawag niya si Adira.

“Adira, mayroon pa bang tube ice dyan?”

Matalim ang mga matang tiningnan ni Adira ang babaeng nag-utos ngayon lang sa kanya. Tinalo  pa nito ang linta kung makadikit sa asawa niya habang nakaupo ang mga ito sa couch sa sala. Kahit pa palaging  sinasabi ni Karim na magkaibigan lang sila ni Ryza, nahirapan siyang maniwala dahil nakikita naman niyang nagugustuhan ni Karim ang lahat ng kalandian ng babae. Hindi man lang ni Karim tinatanggal ang kamay ng babae na nakapulupot sa braso nito.

“Hey, Adira! Kinakausap kita. Ang sabi ko pahingi ng tube ice.”

Nakabalik  siya sa sarili  nang marinig ang sinabi ni Ryza. 

“Bakit? Kailan ka pa nawalan ng kamay at paa, maging ang tumayo at kumuha sa kusina ay hindi mo na alam kung paano gawin?” 

Binalingan ni Ryza si Karim dahil hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita ng asawa nito. Humihingi siya ng saklolo. “Karim, hindi ko alam na may pagkabastos din pala ang ugali ng asawa mo.

Parang walang narinig si Karim. Patuloy lang ito sa pagsasalin ng alak sa kopita at panay ang lagok niyon. He finds it childish na sumali sa away ng dalawang babae.

Sa inis ni Ryza tumayo ito at nilapitan si Adira.

“Adira, huwag mong subukan na pahiyain si Karim. Kaarawan niya ngayon.”

“Huwag mo rin subukan na ubusin ang pasensya ko dahil sigurado akong hindi ka matutuwa sa gagawin ko sa ‘yo.” pabulong ngunit madiin  na pagsagot niya. Gusto na niyang sirain ang pagmumukha nito sa sobrang kapal.

Walang magpapatalo sa dalawa. Tila naghihintay na lang ang lahat ng bisita kung kailan magsisimula ang mga ito sa pag sabunutan.

“Kumare, sino ba talaga diyan sa dalawa ang asawa ng anak mo?” Napalingon si Erlinda at tiningnan kung sino ang itinuturo ng bisita. Lihim na nagngingitngit ang kanyang kalooban nang makita na naman si Adira. Nagtataka talaga siya kay Karim kung bakit sa dinami-dami ng babae dyan si Adira ang napili nito na pakasalan. Hindi nga niya alam kung saang bundok nanggaling ang babae, basta na lang nakilala nito.  Naisip niyang puntahan ang dalawa.

“Adira, pati ba naman sa birthday ng anak ko hindi mo pa rin kayang itago ang pagiging asal squatters mo?”

Parehong lumingon ang dalawa dahil sa narinig. Agad na nagpa-awa si Ryza na lumapit sa Donya at niyakap ito. “Tita Erl, how are you? I’m sorry kung pinatulan ko ang babaeng ito. Nakakainis na kasi eh. Nakisuyo lang naman ako dahil alam kong kabisado niya ang loob ng bahay. Ngunit nagalit siya sa akin.” Parang iiyak ito habang nagsusumbong.

“Ang galing talagang umarte.” Sa loob-loob ni Adira. “Oh, kung ganun hindi ka lang pala nawalan ng kamay at paa. Pati alaala nawala na rin sa ‘yo? Sa natatandaan ko sa tuwing umuuwi ang asawa ko, nandito ka rin. Ikaw pa nga ang kusang nagluluto para sa kanya hindi ba? Muntik ko na ngang makalimutan na sa ating dalawa ako ang asawa!”

Lalong namula sa galit si Ryza dahil sa mga pang-iinsulto sa kanya ni Adira kaya niya ito sinampal.

 SLAP!

Nagulat ang lahat dahil sa ginawa nito. 

SLAP! Gumanti na rin si Adira sa pagsampal kay Ryza. Parang iiyak ang huli dahil sa lakas ng pagkasampal niya. “Isang beses  mo pang idikit ‘yang mga palad mo sa pisngi ko, sigurado akong hindi mo na yan mapakinabangan sa kalandian mo!”

“Wow, hanep ang tapang ng asawa mo, Bro.” nakanganga si Ryder, halatang nag-eenjoy siya sa panonood kay Adira ngunit kabaliktaran naman kay Karim dahil kanina pa niya gustong lumabas sa balat niya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jekk'28
Gooo Adira... Ganyan nga lumaban ka wagkang papatalo.. hu u yan cla sau noh!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status