Share

CHAPTER TEN

Kasalukuyang nagtatanghalian sina Cassey at Clea sa bahay niya nang biglang may kumatok sa pintuan. Madalas kasi'y doon niya pinapakain ang kaibigan. Malungkot kasing kumain na mag-isa. Ang kanyang Ate Dindy naman ay nakaupo lamang sa tapat niya at nilagyan din niya ng sariling pinggan na may lamang pagkain kahit na hindi naman nito kayang kumain.

Tumayo si Clea upang pagbuksan ang taong kumakatok sa labas. Napasimangot ito nang mapagsino ang taong iyon.

"Hi, Clea. Nandiyan ba si Cassey?" Narinig ni Cassey na tanong ng taong kumatok na walang iba kundi si Alex.

"Wala," mataray na sagot ng kaibigan. "At puwede bang huwag ka nang pupunta pa dito? Nakakasira ka ng araw!"

"Bakit ba ang sungit at taray-taray mo, Clea? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo," nakakunot ang noong sabi ni Alex. Mayamaya ay biglang napangiti ng nakakaloko. "Siguro may gusto ka sa akin, 'no?

Hindi lang ang butas ng ilong ni Clea ang nanlaki kundi pati na rin ang kanyang mg

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status