Share

CHAPTER ELEVEN

Mag-aalas-siyete pa lamang ng gabi ay nasa harapan na ng pintuan ng bahay ni Cassey si Alex at kumakatok sa pintuan. Kasalukuyan pa lamang siyang nag-aayos ng kanyang sarili nang marinig niya ang pagkatok ng lalaki. Nagmamadaling kinuha niya ang kanyang bathrobe at ipinatong sa suot niyang pulang spaghetti strap na dress.

"Nandiyan na si Alex, Cassey," pagbabalita sa kanya ng kaluluwa ng kanyang ate na biglang na lamang sumulpot sa kanyang harapan at pagkatapos ay bigla ring naglaho.

Basta na lamang nawawala at sumusulpot ang kaluluwa ng kapatid sa kanyang harapan. Mabuti na lamang at sanay na siya sa ganoong ginagawa nito kaya hindi na siya nagugulat pa. Pagkatapos niyang tingnan ang sarili sa harapan ng salamin ay mabilis na siyang lumabas ng kuwarto niya para pagbuksan ng pintuan ang kumakatok.

"Hi, Cassey. Good evening," nakangiting bati sa kanya nang pagbukas ng pintuan. "Sorry kung medyo napaaga ako ng dating," pauma

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status