Share

LOVE AND MYSTERY
LOVE AND MYSTERY
Author: MATECA

CHAPTER ONE

     Patingin-tingin si Cassey sa mga numerong nakasulat sa harapan ng pintuan ng mga condo unit na kanyang dinaraanan. Nasa fourth floor siya ng Sky Tower Condominium at hinahanap ang numero ng condo unit ng matalik niyang kaibigan na si Clea.

     Dalawang araw pa lamang ang nakalilipas nang maghakot ito ng sariling mga gamit mula sa bahay ng mga magulang nito at dinala sa nabiling condo unit kaya hindi pa siya nakakapunta sa unit nito. Kanina ay tinawagan niya ito at sinabing pupuntahan niya ito sa bago nitong tirahan. Mabilis namang idinikta ni Clea ang adress nito pati na rin kung anong floor at anong number ng unit nito.

     Mayamaya ay nakita na niya ang number ng unit ni Clea. Nakita niya na bahagyang nakabukas ang pintuan nito kaya hindi na niya kailangang kumatok pa. Naisip niya na sadyang binuksan nito ang pintuan para pumasok na agad siya sa loob.

 

   Dahan-dahan ang ginawa niyang pagtulak sa pintuan para hindi mapansin ni Clea na naroon na siya. Balak niyang gulatin ito katulad ng madalas nitong ginagawa kapag nagpupunta ito sa bahay niya.

     Nakapasok na si Cassey sa loob ng kuwarto ngunit walang Clea siyang nakita sa loob. Napangiti siya nang makarinig ng tila may nahulog na isang bagay mula sa loob ng banyo. Naisip niyang naliligo pala ito kaya hindi niya agad nakita. Mas mabuti iyon dahil tiyak na magugulat ito kapag ginulat niya ito habang palabas ng pintuan. Hindi pa man niya ginagawa ang balak niyang gulatin ang kaibigan ay natatawa na siya sa magiging reaksiyon nito.Nakikinita na niya ang panlalaki ng mga mata nito at ang pagtili ng malakas dahil sa pagkagulat. Magugulatin kasi ito. Kahit konting panggugulat lamang dito ay tumitili na agad ito ng malakas.

 

   Naglakad si Cassey papunta sa banyo. Nakita niyang hindi nakasarado ang pintuan ng banyo. Baka tapos nang maligo ang kaibigan niya. Malapit na siya sa pintuan ng banyo nang makarinig siya ng mahinang boses. Boses ng isang babae na tila hirap na hirap huminga.Mabilis niyang tinulak ang bukas na pintuan sa pag-aalalang inaatake na naman ang asthma ni Cassey. Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang sa halip na ang kaibigang may asthma’t nahihirapang huminga ang kanyang maaktuhan ay isang lalaki na maskulado ang pangangatawan na nakatayo sa paanan ng isang magandang babaeng nakalugmok sa tiles na sahig ng banyo’t tila wala nang buhay ang tumambad sa kanyang mga mata.

 

   “Y-you k-killed her.” Halos hindi lumabas sa kanyang bibig ang mga salitang iyon sa pinaghalong shocked at takot.

     Cassey wanted to run as fast as she can but she couldn’t move her body. Pakiramdam niya’y biglang naparalisa ang buo niyang katawan.

     “Yes. I killed her! And I will gonna kill you too since you saw what I did,” the man replied.

 

    No! I refuse to die! Pilit na hinamig niya ang sarili. Hindi niya papayagang patayin din siya ng lalaki katulad ng ginawa nitong pagpatay sa babae. She’s still young.She just turned twenty last month. Marami pa siyang nais gawin na hindi pa niya nagagaw kaya hindi pa siya maaaring mamatay. Not now, and specially not in the hands of this man in front of her.

    Kasabay ng paglapit sa kanya ng lalaki ay ang pagtakbo naman niya ng mabilis palabas ng inaakalang condo unit ng kanyang kaibigan. Hindi naiwasang mapamura ni Cassey nang makarating siya sa elevator at nakitang may nakasulat na “under maintenance”. Kanina’y wala ang sign na iyon.Kung bakit ba naman nakisabay pa ang elevator kung kailan kailangan niyang gamitin ito.

     Dahil under maintenance ang elevator ay walang choice si Cassey kundi ang tumakbo na lamang patungo sa hagdanan. Mas mabuti na iyon kaysa hintayin niyang maabutan siya ng killer sa harapan ng elevator.

     Akala niya ay hindi na siya sinundan ng killer dahil hindi naman niya ito nakita sa kanyang likuran. Ngunit nagkamali siya dahil malapit na siya sa may hagdanan pababa nang makita niya ito na tumatakbo palapit sa kanya.

 

   “Oh God! Please don’t,” nahihintakutan niyang sambit. Huwag sana siyang maabutan ng mamamatay taong iyon.

     Ngunit tinulungan yata ng among demonyo ang lalaki’t biglang bumilis ang pagtakbo palapit sa kanya. Bago pa siya makaapak sa unang baitang pababa ay naabutan na siya.Hinila nito ng mahigpit ang kanyang buhok. Napatili siya ng malakas sa pinaghalong sakit ng pagkakahawak nito sa kanyang buhok at sa sobrang takot sa posibleng sapitin niya sa kamay nito.

 

   “Where do you think you’re going? Gusto mong makatakas para makapagsumbong ka sa mga pulis? Dream on!” Nandidilat ang mga mata nito habang nagsasalita. Mala-demonyo ang pagkakangisi nito kaya tuloy nagmukhang parang totoong demonyo ang paningin niya rito.

 

   Sa kabila ng matinding takot na kanyang nararamdaman ay nakuha pa niyang magsalita. “Mamamatay tao! Dapat mong pagbayaran ang ginawa mong krimen!” 

     “Let me tell you this, Miss. I only killed one person and you will be the second. ”Bago pa mahulaan ni Cassey kung ano ang gagawin ng lalaki sa kanya ay mabilis na siyang naitulak nito pababa ng hagdan.

 

   Nag-echo sa kinalalagyan nila ang malakas niyang tili. Nagpagulong-gulong siya pababa ng hagdan. Sa sobrang takot at sobrang sakit ng kanyang ulo’t katawan sa pagkakahulog sa mataas na hagdan ay tuluyang nagdilim ang kaniyang paningin at nawalan siya ng malay.     

                 

                                ###

     “Finally, nagising ka na rin, Cassey! Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nang tawagan ako ng ospital staff at ipinaalam sa akin na nasa ospital ka dahil nahulog ka sa hagdanan? Ano ba ang nangyari at—” Itinaas ni Cassey ang isa niyang kamay para patigilin ang bunganga ni Clea na walang tigil sa pagsatsat. Pagkagising-na pagkagising niya ay agad siyang inulan nito ng mga tanong. 

     “Puwede bang hinay-hinay lang at isa-isa lang ang tanong? Ka-

 kagising ko lang at masakit pa ang ulo at buong katawan

ko, okay?”

 

   “Sorry naman. Masyado lang akong nag-alala sa’yo. Teka, ipapaalam ko muna sa mga doktor na nagising ka na.”

 

   Pagkalabas ni Clea ng kuwarto ay napaisip siya. Bakit nga ba siya naroon sa loob ng ospital? Bakit siya nahulog sa hagdanan? Ano ang nangyari? Ang huling natatandaan niya ay pumasok siya sa loob ng condo unit nito. Naglakad siya papunta sa banyo dahil iniisip niyang nasa banyo ito at naliligo nang marinig niyang may nahulog na kung ano mula sa banyo. Pagkatapos no’n ay hindi na niya maalala pa kung ano ang mga sumunod na nangyari.

 

   Napaungol siya ng mahina nang makaramdam ng pagsakit ng kanyang ulo. Pinipilit niya kasing alalahanin ang mga nangyari. Kung bakit siya napunta sa may hagdan at nahulog, eh, nasa loob siya ng condo unit ni Clea. Ngunit kahit anong pag-aalaala niya sa nangyari ay talagang hindi niya maalala. Sumasakit lamang ang kanyang ulo kapag pinipilit niyang gawin iyon.

 

   “O bakit? Anong masakit sa’yo, Cassey?” Nag-aalala ang tinig ni Clea. Naabutan kasi nito na nakahawak siya sa kanyang ulo habang nakapikit at nakakunot ang noo.

     “Hindi ko maalala ang mga nangyari,Dok. Hindi ko alam kung bakit ako narito sa ospital? Sumasakit lamang ang ulo ko kapag pinipilit kong may maalala.”

     Kaagad siyang nilapitan ng doktor na tinawag ni Clea at sinuri siya ng maige bago kinausap.

 

   “Kumalma ka lang, Cassey. Kung ang pagbabasehan ko ay ang sinasabi mo na wala kang maalala na kahit ano sa mga nangyari bago ka naaksidente ay mukhang nagkaroon ka ng partial amnesia. Bunga siguro iyon ng pagkakauntog ng ulo sa matigas na bagay. Dahil wala naman kaming nakitang damage sa brain mo nang pina-CT scan ka namin. At iyon ay isang malaking himala. Sa laki ng bukol sa ulo mo nang dalhin ka rito ay nakatitiyak ako na tumama ng malakas ang ulo mo sa isang matigas na bagay na gaya ng dinding, baitang ng hagdan o di kaya'y sa bakal na hawakan ng hagdanan. Ngunit himala na maliban sa ilang pilay sa braso't paa, ilang gasgas sa buo mong katawan,putok sa ulo at higit sa lahat ay napakalaking bukol sa ulo ay wala ka nang ibang damage. Lalong-lalo na sa'yong ulo," mahabang paliwanag ni Dr. Santos sa kanilang dalawa.

     "Talagang mahal ka ni Lord, Cassey. Dahil hindi ka niya pinabayaan at hinayaang.masaktan ng todo-todo," ani Clea nang nakangiti.

     "Huwag kang mag-alala’t paunti-unti ay babalik din iyong mga nakalimutan mong mga pangyayari. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna at magpagaling.Don't force yourself to remember anything if it will only cause to hurt your head,” dagdag pa ni Doktor Gary Santos, ang doktor na sumuri sa kanya.

 

   Tinanguan niya ito at nagpasalamat. Pagkatapos ng ilang mga tagubilin nito ng mga dapat at hindi niya dapat gawin ay lumabas na rin ito ng kanyang silid para makapagpahinga siya. Agad naman siyang nilapitan ni Clea.

 

   “Ang dami kong gustong itanong sa’yo pero sigurado namang hindi mo ako masasagot kaya hahayaan ko na lang muna na gumaling ka at bumalik ang iyong memorya. Saka na kita raratratin ng mga katanungan.”

 

   Tinanguan lamang niya ito at pagkatapos ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Medyo sumasakit pa rin ang kanyang ulo.

                                  ###    

     Araw ng paglabas ni Cassey sa ospital. Isang Linggo pa siyang nanatili sa ospital pagkatapos niyang magising sa isang Linggong pagkaka-comatose.

 

   Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya ng kuwartong inokupa. Nauna nang bumama sa kanya si Clea dahil magbabayad pa ito ng kanyang hospital bill. Habang naglalakad siya sa hallway ay nakarinig siya ng boses ng isang umiiyak. Hindi niya sana iyon papansinin ngunit tila may malakas na puwersa ang humihila sa kanya patungo sa kinaroroonan ng babaeng umiiyak. Sinundan niya ang boses ng babae hanggang sa makarating siya sa isang kuwartong nasa dulo. Bukas ang pintuan ng kuwarto kaya agad niyang nakita ang isang babae na nakasuot ng puting bathrobe na nakaupo sa gilid ng kama habang umiiyak. Nakayuko ito kaya hindi niya nakikita ng maayos ang mukha nito.

 

   Kumuha siya ng tissue paper sa loob ng dala niyang shoulder bag at iniabot sa babae.

 

   “Huwag ka nang malungkot. All of us will have to die. Hindi nga lang sabay-sabay. Pero kahit iniwan ka ng iyong mahal sa buhay ay kailangan mong ipagpatuloy pa rin ang iyong buhay. Hindi gugustuhin ng namayapa mong mahal sa buhay na makitang nalulungkot ka dahil sa kanyang pagkawala.”

 

   Naisip niya na namatayan siguro ito ng mahal sa buhay kaya ito nalulungkot at umiiyak. Naranasan na rin niya iyon.

     Magkakasabay-sabay na namatay sa aksidente ang mga magulang niya kasama ang nag-iisa at nakatatanda niyang kapatid noong sampung taong gulang pa lamang siya. Nalunod sa dagat ang tatlo nang biglang tumaob sa tubig ang bangkang sinasakyan nilang mag-anak habang namamasyal sila sa Hundred Islands. Nakaligtas siya ngunit hindi ang kanyang mga magulang. Ang katawan naman ng kanyang Ate Cassidy ay hindi na na-recover ng mga rescuer. Baka raw inanod na iyon ng tubig papunta sa malayo o di kaya’y kinain na ng malalaking isda sa dagat. Kaya pagkatapos ng isang Linggong paghahanap sa kanyang ate at hindi ito natagpuan ay idineklara na itong patay ng mga rescuer. Tanging siya lamang sa kanilang apat ang nakaligtas. Nakakapit kasi siya sa isang bahagi ng lumulutang na kahoy.

 

     Pagkamatay ng kanyang mga magulang at kapatid ay kinuha naman siya at kinupkop ng kanyang Lolo Joaquin: ama ng kanyang yumaong ina. Binusog siya ng pagmamahal ng kanyang lolo kaya mabilis siyang nakapag-move on sa trahedyang sinapit ng pamilya niya. Sa kasalukuyan ay masaya na siya sa kanyang buhay. Mayroon siyang mapagmahal na lolo na ngayon ay sa ibang bansa na naninirahan dahil kinuha na ito ng panganay nitong anak. Malayo man sila sa isa't isa ay parang magkalapit pa rin sila. Palagi kasi itong tumatawag sa kanya para kamustahin ang kanyang kalagayan at siyempre ang kanyang pag-aaral. Buwan-buwan kung magpadala ito ng pera sa kanya kaya hindi siya naghihirap. At isa pang dahilan kung bakit masaya na siya sa buhay niya ay dahil mayroon siyang matalik na kaibigan na nakahanda palaging tumulong sa kanya. Palagi rin itong handang dumamay kapag may problema siya at kapag nakikita nitong nalulungkot siya ay agad siya nitong pinapatawa. 

Pero kahit na masaya na siya ngayon ay mayroon pa rin siyang tanging hinihiling Diyos. Iyon ay ang muling makita at makapiling ang kanyang Ate Cassidy. Naniniwala kasi siya na buhay pa ito at hindi patay. Hindi naman kasi nakita ng mga rescuer na naghanap dito ang patay nitong katawan kaya naniniwala siyang bahay pa rin ito. At balang araw ay magkikita rin silang muli at magkakasama.

   “Y-you can see me and hear my voice?” Ang boses na iyon ng babae ang pumukaw sa isip niyang naglakbay saglit sa nakaraan.

 

   “Oo naman. Bakit naman hindi kita makikita at maririnig?” Bigla siyang na-werduhan sa kanyang kaharap.

 

   Sa gulat ni Cassey ay biglang tumayo ang babae at masayang nagtatalon at nagpaikot-ikot sa kinatatayuan na parang bata. ”May nakakakita sa akin at nakakarinig! Nakikita at naririnig niya ako.”

 

   Lalo lamang siyang na-werduhan sa nakitang ikinilos ng babae. Bakit naman ito tuwang-tuwa na nakikita at naririnig niya ito? Normal lang naman na makita at marinig niya ito. At bakit ganito ang suot nito? Nakasuot lamang ito ng putting roba na bagama’t lukot-lukot ay halatado pa ring malambot ang tela at mamahalin.

 

   “Puwede bang tumigil ka na sa katatalon at kaiikot? Ako itong nahihilo sa’yo, eh,” saway niya rito.

 

   Tumigil naman ito sa ginagawa at tuluyan siyang hinarap. Saka lamang niya napansin na ang babaeng kaharap ay walang iba kundi ang sikat at hinahangaan niyang artista na si Dindy Arevalo.

     Hindi agad niya ito nakilala dahil natatakpan ng magulo at mahaba nitong buhok ang mukha.

     “Sino ang kausap mo diyan, Miss?”

 

   Napalingon si Cassey sa likuran niya kung saan naroon ang isang lalaking nurse at nakatayo. Nagtataka ang hitsura nito habang nakatingin sa kanya.

 

   “Ha? Ah, wala. Akala ko lang narito sa loob ang hinahanap kong kaibigan kaya nagsasalita ako. Wala naman pala,” kaila niya. Naisip niya na isang sikat na artista si Dindy. Tiyak na pagkakaguluhan ito ng mga tao sa ospital kapag nakita ng mga ito na naroon ang babae.

 

   Nagpatango-tango ang lalaking nurse bago walang paalam na umalis. Nang wala ito sa paningin niya ay muli niyang hinarap si Dindy ngunit wala na ito sa kinatatayuan nito kanina. Baka nagtago sa banyo nang makitang maliban sa kanya ay may ibang tao na roon. Hindi na lamang niya ito hinanap at umalis na rin siya.

 

   “Okay na ba ang lahat?” Tanong  niya sa kaibigan nang maabutan niya ito sa lobby ng ospital at naghihintay sa kanya.

     “Okay na po, Ma’am Cassey. Wala na pong problema. Umalis na tayo at kanina pa ako nagugutom.” Nagpatiuna itong naglakad palabas ng ospital. Walang kibong sumunod na lamang siya rito.

 

   “Bakit nga pala ang tagal mong bumaba kanina?” Tanong ni Clea habang nagmamaneho ito ng kotse nito.

 

   “Nakita at nakausap ko kasi si Miss Dindy Arevalo. Maganda talaga siya kahit na kakaiba ang hitsura niya kanina,” pagkukuwento niya. Natawa siya nang makitang natigagal ang katabi.”Nagulat ka, ’no? Hindi mo akalain na makikita ko at makakausap si Miss Dindy doon pa mismo sa loob ng ospital.”

 

   Tumango lamang si Clea. Tila hindi pa rin ito makapaniwala sa narinig kaya hindi ito makapagsalita.

 

   “S-sigurado ka ba na si Miss Dindy Arevalo ang nakita at nakausap mo, Cassey? Hindi kaya namalikmata ka lang kanina?”

     Natawa siya ng mahina. Iniisip niya na talagang hindi makapaniwala si Clea na totoong nakita at nakausap niya ang paborito nilang artista.

 

   “Oo nga. Talagang nakita at nakausap ko siya kanina.Promise.” Itinaas pa niya ang kanang kamay na para bang nanunumpa siya maniwala lamang ito na totoo ang kanyang sinabi.

 

   “Imposible. Paano mangyayari iyon? Napaka-imposible.”

 

   “At paano namang napaka-imposibleng makita at makausap ko siya?”

 

   “Dindy is already dead, Cassey. She died the same day you admitted to hospital,” paliwanag nito.

 

   “What?” Hindi siya makapaniwala sa narinig. ”How did it happen? Are you sure she’s really dead?”

 

   Magkakasunod-sunod itong tumango. Ikinuwento nito sa kanya ang mga pangyayari habang naka-comatose siya sa ospital.

     Napahawak si Cassey sa kanyang dibdib matapos marinig ang buong kuwento ng kaibigan. Tila may kung anong mabigat na bagay ang tila dumagan sa kanyang dibdib sa natuklasan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila nakaramdam siya ng ibayong lungkot sa katotohanang patay na ang iniidolong artista. Siguro dahil iniidolo niya ito kaya siya nakaramdam ng gano’n.

 

   “So, the woman that I saw and talked at the hospital earlier was only the spirit of Dindy?”

     

Comments (1)
goodnovel comment avatar
alanasyifa11
what a cool story! if only there is a translated version of this... btw can i follow your social media acc?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status