Share

CHAPTER THREE

"Ano, parating na ba ang fiance mo, Dindy?"

     Halos mag-iisang oras nang naghihintay malapit sa nakaparadang kotse ni Marcus sina Cassey at Clea kasama ang kaluluwa ni Dindy. Hinihintay nilang lumabas ang lalaki sa building na pag-aari nito para masagawa na nila ang kanilang plano.

Tatlong araw na nag-isip si Cassey kung paano siya makakalapit kay Marcus Monteverde nang hindi nito nahahalata na sinadya nila ang kanilang pagkikita. Wala siyang maisip na ibang paraan kundi ang magpanggap na muntikan ng masagasaan ng kotse nito at pagkatapos ay bigla siyang mahihimatay. Sana nga lang ay umepekto ang drama nila at hindi nito mapansin na planado ang lahat kahit na masyadong cliché ang gagawin nila.

     "Wala pa, eh. Pero sigurado ka ba na kaya mo talaga itong gagawin mo? Hindi ka pa masyadong magaling." Itinuro ni Dindy ang kanyang mga braso na may natitira pang gasgas at pasa-pasa dala ng pagkahulog niya sa hagdanan.

     "Huwag kang mag-alala, Dindy. Kaya ko 'to. Mabuti nga na hindi pa lubusang magaling itong mga gasgas at pasa ko para magamit ko sa acting na gagawin ko. And hopefully, umepekto."

     Ang bukol niya sa ulo ay tuluyang nawala na samantalang ang sugat naman sa kanyang ulo ay malapit nang gumaling. Ang mga gasgas naman niya sa braso't mga binti ay halos pagaling na rin. Ang mukhang magtatagal pa bago mawala ay ang mga pasa-pasa niya sa braso, binti at buong katawan. Maputi pa naman siya kaya kitang-kita ang maiitim na pasa sa kanyang naka-expose na balat.

     "Can you please don't talk to her while I'm here, Cassey? I'm scared," reklamo ni Clea. Kahit na ilang araw na nitong nakakasama sa bahay niya ang kaluluwa ni Dindy ay talagang hindi pa rin ito nasasanay na makitang nakikipag-usap siya sa isang kaluluwa. Kahit pa paborito at iniidolo rin nito si Dindy. 

     

"Gusto mo bang magpa-open ng third eye para naman hindi lang ako ang nakakakita at nakikipag-usap sa kanya?" Nang-aasar na tanong niya rito.

     "Shut up. Hindi ko pinangarap na makakita ng multo, okay?" Nakairap na tiningnan siya. Pagkatapos ay bigla na itong nanahimik. Pero halatadong hindi pa rin ito komportable na may kasamang ibang tao lalo pa at hindi na nabibilang sa mundo nila. At siyempre'y kinakabahan din ito sa gagawin nila. Paano naman hindi sila kakabahan, eh, ito pa lang ang unang beses na gagawin nilang um-acting in real life. Naga-acting sila dati pero drama-drama lang sa school nila. And besides, Marcus is well known for being cold and aloof. What if he will get mad at her instead of helping her? What will she do if it really happen?

     "Marcus is coming,"excited ang boses na pagbabalita sa kanila ni Dindy. "Kapag nakapasok na siya sa kotse niya at paalis na siya ay saka ka biglang lumabas sa pinagtataguan mo at magkunwari na nasagi ka ng bumper ng sasakyan niya." Para itong direktor sa isang palabas na nagbibigay ng instruction sa kanya kung ano ang eksenang gagawin niya.And she exactly did what her director told her to do.

     Hinintay nga niya na makapasok muna sa sasakyan nito si Marcus at ang kasama nitong lalaki. At nang paalis na nga ito ay saka siya biglang lumabas sa pinagkukublihang sasakyan na katabi lamang ng sasakyan nito. Totoo ang takot at pagkagulat na lumarawan sa kanyang mukha. Natakot kasi siya na baka talagang masagasaan siya ng binata. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexis nito at agad nakapag-preno. Nasagi pa rin siya ng kotse nito ngunit hindi naman siya nakaramdam ng sakit. Nagkunwari agad siyang natumba sa semento. 

     Kaagad namang bumaba ang dalawang lalaking sakay ng kotse at lumapit sa kanya. Ngunit sa halip na si Marcus ang inaasahan niyang tumulong sa kanya ay ang kasama nitong lalaki ang tumulong sa kanya para makatayo.

     "Are you okay, Miss?" May pag-aalala sa tono ng boses na tanong ng lalaking kasama ni Marcus. "Nakita mo na ang ginawa mo, Marcus? Sa sobrang pagmamadali mo ay muntik ka nang makasagasa ng tao."

     Nag-angat ng tingin si Cassey."   Ayos lang a—" Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo at pagsakit ng ulo nang makita niya ang mukha nito. Bigla ring tila may nag-flashback sa kanyang isip na eksena ngunit seconds lang kaya hindi niya nakita kung anong klaseng eksena iyon.

     "My God, Cassey! Are you, okay?" Napalapit bigla si Clea sa kanya katulad ng kanilang plano. Ngunit totoong pag-aalala ang nakalarawan sa mukha nito. Nahalata siguro nito na totoo ang pagkahilong nararamdaman niya at hindi lamang siya umaarte.

     "Nahihilo ako, Clea.Bigla ring sumakit ang ulo ko," hindi napigilang daing niya habang nakahawak siya sa kanyang ulo.

     "Ang mabuti pa ay dalhin ka namin sa ospital para ma-check up ka," suhestiyon ng lalaking tumulong sa kanya. Hinawakan siya nito sa braso at iginiya papunta sa pintuan ng kotse ni Marcus.

     "No thanks. Ang kaibigan ko na lamang ang magdadala sa akin sa ospital," mabilis niyang tanggi. Agad niyang binawi ang brasong hawak nito. Pakiramdam niya kasi'y tila mas lalong sumakit ang ulo niya nang hinawakan siya nito sa braso.

      Pakiramdam din niya na kilala o nakita na niya ito. Ngunit hindi naman niya matandaan kung saan, kailan at kung paano niya ito nakita o nakilala.

     "Are you sure that you don't need our help?" Tinitigan siya nito ng mataman. Sinisigurado kung talagang hindi nga niya kailangan ang tulong nito at nang kasama nitong si Marcus na kanina pa nakatitig lamang sa kanya at hindi nagsasalita.

     "Yes. I'm sure," maikling sagot niya. Pagkatapos ay binalingan niya si Clea. "Let's go,Clea."

     Mabilis naman siyang inalalayan ng kaibigan sa paglalakad patungo sa nakaparada nitong kotse na katabi lamang ng kotse na pinagtataguan nila kanina.

     "Are you really okay, Cassey?" Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa boses nito nang magtanong. Tinulungan siya nito na makaupo ng maayos sa loob ng sasakyan.

     Tumango siya. "Okay na ako. Pero sa tingin ko ay kailangan kong pumunta kay Dr. Santos para magpa-check up. Kanina kasi nang makita ko ang mukha ng lalaking tumulong sa akin ay bigla akong nahilo't sumakit ang aking ulo. Para bang may alaala sa aking isip na gustong bumalik ngunit hindi makabalik. At hindi ko rin nakita kung ano ang alaalang iyon dahil saglit na saglit lamang at naglaho kaagad. Pamilyar din sa akin ang mukha niya pero hindi ko naman siya kilala. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita o kung paano ko siya nakilala. Basta pamilyar siya sa akin. Hindi ko talaga maintindihan. Sumasakit lamang ang ulo ko kapag iniisip ko ang mukha ng lalaking iyon." 

     

     "Calm down, Cassey. Hindi mo ba naaalala ang payo sa'yo ni Dr. Santos? Huwag mong masyadong isipin ang mga bagay na nakalimutan mo at makakasama lamang 'yan sa'yo."

     "His name is Jason Nebura. He is Marcus friend and business partner," anang kaluluwa ni Dindy na ngayon lang nagsalita.

     "Jason Nebura." Bigkas niya sa pangalan ng lalaki. "Hindi naman pamilyar sa akin ang pangalan niya pero bakit pamilyar sa akin ang mukha niya? Kilala ko ba siya or did I already saw him before my accident?"

     "Cassey. Huwag mo na nga siyang isipin, okay?" Pinandilatan siya ng mga mata ni Clea para tumigil na siya. Pagkatapos ay bigla itong napasimangot. "Mabuti pa ang Jason na iyon kahit paano ay tinulungan kang makatayo samantalang ang Marcus na 'yon ay walang pakialam. Kahit pabalat-bunga man lang ay hindi ka niya inalok na dalhin sa ospital samantalang siya itong muntik nang makasagasa sa'yo."

     "Tama na, Clea. Ikaw na nga ang nagsabi na huwag na natin silang pag-usapan," saway niya sa kaibigan na mukhang asar na asar kay Marcus. "Ang mabuti pa ay puntahan natin si Dr. Santos sa opisina niya para makapagpatingin ako sa kanya."

     "Mabuti pa nga," mabilis na sang-ayon nito.

     Habang nagbibiyahe sila sa ospital ay hindi mapigilan ni Cassey ang muling balikan sa kanyang isip kung ano ang hitsura ni Marcus. Mas guwapo ito sa personal kaysa sa mga litrato na ginupit nila sa mga magazine at pahayagan. He's really a handsome man despite of being cold and having a stiff face. Tall, young, rich and handsome. He's every woman's dream. Masuwerte sana rito si Dindy kung hindi namatay ang babae.

                             ### 

"Hey! Dito rin pala sa ospital na ito ang punta ninyo? Dapat sumabay na lang pala kayo kanina sa amin papunta rito."

Parehong napatigil sa paglalakad sa hallway sina Cassey at Clea nang makilala kung sino ang dalawang lalaking nakasalubong nila.

"Dito rin pala kayo papunta?" Si Clea ang sumagot sa lalaki. Bigla na naman kasing umatake ang sakit ng kanyang ulo pagkakita niya kay Jason.

"Oo. Sinamahan ko si Marcus na bisitahin ang isa sa mga staff namin,"nakangiting sagot ni Jason. Kausap ito ni Clea pero sa kanya naman nakatutok ang paningin. Nakaramdam tuloy siya ng pagkailang dito ngunit hindi niya pinahalata.

"Ang bait n'yo naman para bisitahin ang isa sa mga staff ninyo," anng kaibigan niya. Todo ngiti pa ito sa kausap na lalaki. Halatadong nagpapa-cute ito sa kaharap.

"Siyempre, obligado kaming bisitahin siya dahil naka-duty pa siya nang maaksidente. Kahit paano'y may pananagutan din kami sa nangyari. Lalo na ako kasi ako ang in-charge sa lugar na pinagtatrabahuan niya," paliwanag nito. "Teka lang, kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa pala kami nakakapagpakilala sa inyo. I'm Jason Nebura and this man beside me is Marcus Monteverde."

"Nice to meet you, Jason." Hindi maitago ang kilig sa boses ni Clea habang tinatanggap ang pakikipagkamay rito ni Jason. Paano ba naman hindi ito kikiligin, eh, napakaguwapo ng dalawang lalaki na nakatayo sa harapan nila. Pero sigurado siya na kay Jason ito nagpapa-cute. Badtrip kasi ito kay Marcus dahil dahil hindi siya tinulungan kanina ng lalaki. O nag-alok man lang ng tulong nito. "I'm Clea Aragon. Single and available. And this lady beside me is my bestfriend, Cassey Villacorta,"mabilis namang sagot ng kaibigan niya.

Jason smile at her and extend his arm to shake her hand. "I' m very please to meet you, Cassey Villacorta. 

"N-nice to meet you too, Jason." Ayaw sanang abutin ni Cassey ang kamay ng lalaki dahil nag-aalala siya na baka biglang lumala ang nararamdaman niyang pagsakit ng kanyang ulo. 

Nang magdaop ang kanilang mga palad ay biglang nangyari ang kanyang pinangangambahan. Mas tumindi ang sakit ng ulo n kanyang nararamdaman na sinabayan pa ng pag-ikot ng kanyang paningin. Bigla tuloy niyang binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito nang bumuway ang kanyang pagkakatayo. Mabilis naman siyang naalalayan ni Marcus nang makita nito na parang matutumba siya.

"Are you, okay?" Sa wakas ay nagsalita na rin si Marcus. Iyon ang unang beses na nagsalita ito. At hindi niya alam kung nakaringgan lang ba niya ang tila pag-aalala sa boses nang magtanong ito.

"Cassey! Ano'ng nangyari?" Boses ni Dr. Santos mula sa kanilang likuran. Padaan kasi ito nang makita na bigla siyang nahilo kaya ito napahinto sa paglalakad."Hindi ba sabi ko sa'yo kanina na umuwi ka para makapagpahinga? Bakit nandito ka pa rin?"

"Okay lang ako, Doc. Baka napagod lang ako ng sobra," pagdadahilan niya. Alangan naman kasing sabihin niya na sumakit bigla ang kanyang ulo pagkakita niya kay Jason. Di nagtaka sa kanya ang tatlo kung bakit ganoon ang kanyang naramdaman.

"Hindi ba sabi ko sa'yo kanina na umuwi ka at magpahinga? Eh, bakit nandito ka pa hanggang ngayon?" Tanong ni Dr. Santos.

"What's wrong with Cassey, Doctor?" Hindi napigilang tanong ni Marcus. Pinaglipat-lipat nito ang paningin sa kanila ng doktor.

"She suffered from a temporary amnesia after her accident. A part of her memories was lost. Ni hindi nga niya maalala kung ano ang ginawa niya bago siya naaksidente. At sumasakit ang ulo niya kapag pinipilit niyang may maalala kaya minomonitor ko ang kalagayan niya," paliwanag ng doktor.

"Amnesia? You mean, she doesn't remember everything what happened before the accident?And she also doesn't know why she got an accident?" Curious na tanong ni Jason sa doktor.

Hindi tanong kundi isang kumpirmasyon. Iyon ang dating ng sinabi ng lalaki sa pandinig ni Cassey. 

"I think you should follow what the doctor said to you. You better go home and get some rest," wika naman ni Marcus. Hindi na nito hinintay na magsalita siya o sino man sa kanilang apat. Basta na lang siyang hinawakan sa siko at iginiya palabas ng ospital. Natatarantang sumunod na lamang sa kanila si Clea. Napapailing naman ang naiwang doktor pati si Jason bago naman sumunod ang huli.

Walang nagawa si Cassey kundi ang sumabay na lamang kay Marcus sa paglalakad papunta sa nakaparada nitong kotse. Napabuntong-hininga siya ng lihim. Ano ba naman itong nararamdaman niyang ito? Bakit ba pakiramdam niya ay parang kilala siya ng dalawang bagong kakilalang lalaki samantalang sigurado siya na ngayon lang niya nakita at nakilala ang mga ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status