"ANO'NG ginagawa mo dito, bata?" nagtataka kong tanong nang madatnan ko ang isang lalaki sa lugar na iyon sa parang sa bukid.
Naiinip kasi ako sa bahay kaya naisipan kong pumunta sa lugar kung saan nakakaramdam ako ng ginhawa, sa bukid kung saan may sariwang hangin, magandang tanawin na animo'y nagbibigay ng kapayapaan sa akin.
Makikita sa lugar ang malawak na lupain na pag-aari ng mayamang pamilya sa probinsya ng Sta. Cruz.
Nakasilong ang batang lalaking iyon sa ilalim ng malaking puno, kung saan naging lugar ko sa tuwing nalulungkot ako. Tanaw kasi mula roon ang malawak na lupaing iyon at ang isang malaking bahay na pag-aari ng mayamang pamilya sa bayan namin. Kapag nandoon ka, talagang mapapanatag ka at mawawala ang lungkot mo dahil sa pagtanggap sayo ng kalikasan.
"Sa tingin mo hindi ka bata?" masungit na balik ng batang iyon na noon ko lang nakita roon na bahagya lang akong tinapunan ng tingin. Napairap naman ako sa naging sagot niya. "Hindi ba obvious? Pinagmamasdan ang paligid," dagdag pa niya.
"Alam mo ba na dito ako lagi nagtatambay kapag gusto kong mag-isa? Kasama ko si Happy Tree," ani ko at ngumiti kahit hindi ko alam kung gusto niya iyong marinig mula sa akin.
Tumingin siya sa akin na kunot ang noo. "Sinong Happy Tree?" takang tanong pa niya.
"Siya..." at itinuro ko ang malaking punong nasa likod niya.
Binalingan niya ang itinuro ko, kapagkuwa'y bumagsak sa akin ang mga mata niya na para bang nagwe-weird-uhan sa akin.
"Taga saan ka ba bata? Ngayon lang kita nakita rito, sigurado akong hindi ka taga-rito," usisa ko sa kaniya. Kung titingnan ang hitsura niya, mukhang hindi siya mahirap kagaya ko dahil malinis siyang tingnan at maputi rin.
"Of course I'm not living here for Pete's sake! Hindi ko kailanman pinangarap manatili sa lugar na 'to," sagot niya na nagpakunot sa noo ko dahil mukhang ayaw na ayaw niya sa lugar namin.
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Nag-e-english pala siya kaya lalo siyang nagmukhang hindi ordinaryong bata.
"Hindi ko alam kung ano'ng ayaw mo sa lugar namin? Napakasarap kaya manirahan sa ganitong klase ng lugar," pagtatanggol ko sa lugar kung saan ako nakatira.
"It's none of your business, Probinsyana Girl," aniya, saka padabog na tumayo.
Umikot ang mga mata ko sa kasungitang ipinakita niya. May pa-english-english pa siya na hindi ko naman naiintindihan. Mukha nga siyang matalino pero mukhang masama naman ang ugali.
"Makaapak ka sana ng tae ng kalabaw," sambit ko sa mahinang tono nang magsimula na siyang maglakad palayo sa akin.
"Yack! It's disgusting! Kadiri!"
Agad akong napalingon dahil sa boses na iyon at nang makita ko ang masungit na batang iyon na halos hindi na makagalaw. Hindi ko na napigilang matawa dahil nagkatotoo ang sinabi ko kanina lang.
Halatang-halata sa mukha niya ang pangdidiri sa sapatos na may tae. Halos hindi pa siya makatingin doon at nanliliit ang mga mata habang nakaangat ang sapatos na may dumi ng kalabaw na natural na sa lugar na iyon dahil doon madalas pinapastol ang mga kalabaw ng mga magbubukid.
"Ano'ng tinatawa-tawa mo diyan?" inis na tanong niya.
At nagawa pa talaga nitong magsungit. Sumeryoso ako at ng makita ko ang sapatos niyang may tae ay muli akong natawa, tinakpan ko na lang ang bibig ko.
"May tae kasi ang sapatos mo." At hindi ko na nagpigilang mapahagalpak ng tawa habang kita ko ang pangdidiri sa mukha niya.
"Kasalanan mo to, eh!" paninisi niya sa akin.
"Hindi ka kasi tumitingin sa daan, 'tapos akong sisisihin mo. Wala ka sa bayan, nasa bukid ka."
Lumingon ako sa paligid at ng mahagilap ng mga mata ko ang isang sanga ng kahoy, agad ko iyong kinuha. Naglakad ako palapit sa kaniya. Hinawakan ko ang binti niya at iniangat iyon, halos ayaw pa niyang igalaw iyon.
"A-ano'ng gagawin mo?" tarantang tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Aangal ka pa? Tumahimik ka na lang kaya."
Kahit 'di ako nakatingin sa kaniya ay alam kong naiilang siya sa ginagawa ko. Parang gusto pa nga niyang tumutol kaya lang halos hindi siya makagalaw dahil sa pandidiri.
Sinimulan kong tanggalin ang tae sa ilalim ng sapatos niya gamit ang kahoy na kinuha ko habang halos hindi ako humihinga dahil sa amoy niyon.
"Ayan, pag-uwi mo magpalit ka na lang ng sapatos." Itinapon ko ang kahoy at tumayo. "Kalalaki mong tao, arte mo," aniko pa.
"Ikaw kaya makatapak ng tae," balik niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Imbis kasi na magpasalamat ito, nagawa pang magsungit. "Alam mo ang sungit mong bata, dinaig mo pa ang may regla," naiinis kong sabi.
Siya naman ang napakunot ang noo sa sinabi ko. "Hindi ako babae para magkaroon ng regla." Umikot pa ang mga mata niya.
"O baka naman supot ka pa kaya masyado kang maarte."
Napatingin siya sa akin pero agad ding umiwas. "Ano'ng kinalaman no'n sa pagiging maarte ko?" iwas niyang sabi.
Hindi nakaligtas sa akin ang tila pagkailang niya sa sinabi ko. "Syempre, kapag tinuli ka, masasaktan ka at mawawala ang kaartehan mo," direktang sagot ko. "Huwag mong sabihing tama ako, supot ka pa?" Hindi ko na namang naiwasang mapangiti.
"B-bahala ka na nga riyan!" Pagkasabi niyo'y mabilis siyang naglakad palayo sa akin habang natatawa akong pinagmamasdan siya palayo.
"ANNA MARIE, tanghali na!"Tilaok ng mga manok, huni ng mga ibon, at malimit boses ni Mama ang araw-araw na gumigising sa akin. Tila nga iyon na ang nagsisilbing alarm clock naming magkakapatid dahil sa lakas niyon. Nakasanayan na rin naman namin iyon."Gising na po ako, 'Ma," balik kong sigaw, saka humikab kasabay ng pag-inat. Napakamot pa ako sa ulo ko habang nakasimangot dahil gusto pang ipikit ng mga mata ko.Kahit namumungay pa ang mga mata ko, napilitan na akong lumabas ng kwarto bago pa si Mama ang pumunta roon para pilitin akong ibangon."Ate, para kang mangkukulam," salubong sa akin ng kapatid kong si Melanie na natatawa sa hitsura ko. Hindi pa kasi ako nanunuklay at nangamot pa ako sa magulo kong buhok.Nginusuan ko lang siya at nilampasan. Wala kasi ako sa mood makipagsagutan sa kaniya. Isa pa 'di pa ako nagsisipilyo, eh.Naghahanda na si Mama ng simpleng almusal ng matapos akong maghilamos at mag-toothbrush. Nanuklay na rin ako para hindi ako magmukhang mangkukulam sa hara
MAINGAY, mainit, at hindi kaaya-ayang amoy ang bumabalot sa kapaligiran na kinaroroonan ko na sa paglipas ng bawat araw ay nakasanayan ko na rin. Ganito naman talaga maide-describe ang palengke na nagsisilbing mall para sa amin na nasa maliit na bayan at hindi sibilisado."Magkano 'to, Ale?" tanong ng matandang babae habang nakatingin sa pangbatang mga damit.Kumunot ang noo ko dahil sa pagtawag niya ng Ale sa akin. "Ah, alin po?" magalang ko pa ring tanong sa kaniya kahit gusto kong sabihin sa kaniya na bata pa ako para tawaging Ale.Lumingon siya sa akin at nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya. Marahil ngayon lang niya nakitang hindi naman pala karapat-dapat na tawaging Ale ang tinderang gaya ko."Pasensiya ka na Ineng, hindi kita nakita akala ko kasi ikaw pa rin 'yong dating tindera dito," paliwanag ng babae.Nginitian ko siya para ipahiwatig na okay lang sa akin. Naiintindihan ko naman dahil hindi naman talaga ako regular sa tindahan na ito ni Ate Mich. Weekend lang ak
"MANO po," salubong ko kay Mama at Papa na kadarating lang galing sa trabaho. Nagsipagmano rin ang dalawa ko pang kapatid."Kumusta ang mga kapatid mo?" tanong ni Mama nang makaupo siya sa sofa na gawa sa kawayan. Tuwing umuuwi si Mama 'yon ang laging tanong niya. Kung hindi ba nagpasaway ang mga kapatid ko o kung may ginawa ba silang kasalanan."Okay naman sila, 'Ma. Tumulong po sila sa akin dito sa bahay. Hindi po sila nagpasaway," sagot ko. Tiningnan ko pa ang dalawa kong kapatid na nakaupo sa mahabang sofa. "Mag-merienda na po muna kayo." Naghanda kasi ako ng merienda na nilagang saging na kahit hindi na bago sa amin, paborito pa rin ng lahat."Okay lang kami, anak," ani mama."Sigurado po ako pagod at gutom na kayo kaya po mag-merienda na muna kayo," pangungulit ko at sa huli'y kumain din silang dalawa."A, siyanga pala," bulalas ni Mama na parang may nalimutan at ngayon lang naalala.Tiningnan ko siya na nagtataka."Dumating kasi 'yong anak ni Donya Melissa, hiniling niya sa ak
BAHAGYANG napaawang ang bibig ko nang sa wakas ay narating din ng tricycle na sinasakyan ko ang mansyon na pagtatrabahuhan ko simula sa araw na ito. Kinakabahan man ako pero kailangan ko itong gawin.Hindi ko maalis ang tingin ko sa napakagandang bahay sa harap ko. Mataas ang gate ng mansyon na may pakurabang mga disenyo. Kulay itim iyon at sa loob ay kitang-kita ang mataas at malaking mansyon. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganoon kaganda at kalaking bahay.Bumaba ako ng tricycle habang ang aking mga mata ay napako na sa magandang bahay na nasa harap ko. Tinulungan ako ni Manong tricycle driver na ibaba ang bag na dala ko. Malaki iyon na puno ng mga gamit ko na parang doon na talaga ako titira.Bumaling ako sa driver. "Salamat po, manong." Sabay nginitian ko siya.Tumango siya. Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa magarbong bahay na pagtatrabahuhan ko. Nasa labas pa lang ako pero sobrang namangha na ako sa mala-palasyong hitsura ng bahay. Nakapagpaganda pa sa tan
DAHAN-DAHAN akong bumaba ng hagdan patungo sa sala para pag-usapan namin ni Donya Melissa ang magiging trabaho ko rito at kung magkano ang magiging sweldo ko. Hanggang ngayon, mangha pa rin ako sa mga nakikita ko.Nadatnan kong nakaupo si Donya Melissa sa isahang sofa habang umiinom ng kape. Napaka-elegante niyang gumalaw. Simula sa pagdampot niya sa tasa hanggang sa pag-inom niyon.Napakaganda ng mukha niya at napakaaliwas niyon. Kaya naman nababawasan ang kaba ko at napapatag ang aking loob. Napakabait ng mukha niya. Hindi ko man lang iyon makitaan ng kahit kaunting pagka-suplada."Magandang tanghali po, Donya Melissa," bungad ko sa kaniya nang tuluyan akong makalapit sa kinaroroonan niya."Have a sit," aniya at tinuro pa ang isang sofa na katapat niya.Ngumiti muli ako sa kaniya bago umupo sa tinurong sofa.Uminom muna siya ng kape bago matamang tumingin sa akin."Natutuwa ako dahil pumayag ka sa alok ko na magtrabaho rito," panimula niya habang hindi pa rin maalis ang matamis niyan
NGAYON pa lang parang alam ko na ang kahahantungan ng buhay ko sa mansyong ito. Siguradong hindi magiging madali ang lahat para sa akin lalo na't alam kong hindi ko naman makakasundo ang pagsisilbihan ko.Sa maikling panahon na nakasama ko si Kevyn hindi na iyon naging madali. Hindi iyon naging maganda at sigurado akong magpapatuloy iyon. Ayaw niya sa akin at nagbanta siyang hindi niya hahayaang maging madali ang lahat sa akin att ngayon pa lang nararamdaman ko na iyon.Kumatok ako sa pinto ng silid ni Kevyn nang marating ko iyon. Dala ko ang tray na pinaglalagyan ng breakfast niya. Alas-diyes na nang umaga pero nakahilata pa rin ang lalaki. Hindi niya alam na lahat ng nasa mansyon gising na at nagawa na ang mga dapat gawin habang siya nakahilata pa rin.Kumatok muli ako dahil sa unang katok ko ay hindi bumukas ang pinto. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi pa rin iyon bumukas. Sunod-sunod na katok na ang ginawa ko pero wala pa ring nagbubukas niyon.Napapikit ako nang mariin para pig
"ATE CLARA, tulungan na po kita."Lumingon sa akin si Ate Clara at agad na ngumiti. Isa si Ate Clara sa mga katulong sa bahay. Matanda siya sa akin ng mahigit pitong taon. Medyo matagal na rin siyang nanunungkulan sa pamilya Bautista.Dahil sa tapos naman na ako sa aking trabaho sa taas, naisipan kong bumaba para tumulong sa gawain dito sa baba kahit wala iyon sa responsibilidad ko. Medyo naiinip ako kapag walang ginagawa at nakatunganga lang."Hindi na, Mara, kaya ko na 'to," pagtanggi niya. "Nasaan ang alaga mo?" Habang patuloy siya sa pagwawalis sa hardin.Napakamot ako sa noo. Lahat kasi silang tatlo, laging tinatanong sa akin si Kevyn sa tuwing bumababa ako. "Nand'on po sa taas, nagkakape."Ako na lang ang dumidistansiya sa kaniya. Pakiramdam ko kasi kapag magkalapit kami parang nagbabanta ang world war III."Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo rito?" "Hindi naman po. Sanay na rin naman po kasi ako sa mga gawaing bahay.""E, sanay ka rin bang mag-alaga ng isang katulad ni Sir
KATULAD ng inaasahan ko, hindi naging madali ang mga araw sa loob ng mansyon. Tila ba ang oras ay bahagya lamang gumagalaw o baka dahil sadyang naiinip lang ako. Sa pananatili ko dito, naging magaan naman ang lahat, maliban kay Kevyn na halos oras-oras akong inaasar at sinusungitan. Hobby na nga ata niya iyon"Are you ready?"Kunot nooo akong lumingon kay Kevyn na kasalukuyang nagkakape sa terrace habang ako ay naglilinis doon."Ready saan, Sir?""Remember weekend tomorrow. Bring me anywhere. Anywhere you want. Bahala ka."Napaisip ako at doon lumitaw ang naging pag-uusap naming dalawa sa hardin. Gusto niyang ipasyal ko siya sa Poblacion."Bakit akong bahala, Sir? Malay ko ba kung saan niyo gustong pumunta," masungit kong sabi."Malay ko ba sa mga lugar dito. Remember, I'm not living here."Napanguso ako. Kung sa bagay, hindi nga pala niya kabisado ang lugar na ito."Kung diyan ko na lang kaya kayo dalhin sa hardin, Sir malapit pa," suhestiyon ko. Ngumiti pa ako na tila nakaisip ng ma