Share

Kabanata 4

BAHAGYANG napaawang ang bibig ko nang sa wakas ay narating din ng tricycle na sinasakyan ko ang mansyon na pagtatrabahuhan ko simula sa araw na ito. Kinakabahan man ako pero kailangan ko itong gawin.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa napakagandang bahay sa harap ko. Mataas ang gate ng mansyon na may pakurabang mga disenyo. Kulay itim iyon at sa loob ay kitang-kita ang mataas at malaking mansyon. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganoon kaganda at kalaking bahay.

Bumaba ako ng tricycle habang ang aking mga mata ay napako na sa magandang bahay na nasa harap ko. Tinulungan ako ni Manong tricycle driver na ibaba ang bag na dala ko. Malaki iyon na puno ng mga gamit ko na parang doon na talaga ako titira.

Bumaling ako sa driver. "Salamat po, manong." Sabay nginitian ko siya.

Tumango siya. Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa magarbong bahay na pagtatrabahuhan ko. Nasa labas pa lang ako pero sobrang namangha na ako sa mala-palasyong hitsura ng bahay. Nakapagpaganda pa sa tan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status