Share

Kabanata 9 (Part 1)

NASAAN na ba ang mokong na 'yon? Kanina pa akong nandito sa labas ng mansyon at nag-hihintay sa kaniya. Hindi talaga marunong magpahalaga sa oras ng iba ang lalaking 'yon, napaka-self-centered na tao.

Pero kahit pa paano naman ay tinupad niya ang sinabing seven o'clock ay gigising na siya. Halatang excited din sa magiging lakad naming dalawa, 'yon nga lang, napakabagal niyang kumilos.

"Bakit kunot na kunot na naman 'yang noo mo?" bungad ni Kevyn ng makalabas siya ng mansyon.

Pinagmasdan ko ang suot niya. Nakasuot siya ng short at printed na t-shirt. Kahit ganoon ang suot niya, lumitaw pa rin ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan.

"Paano naman po kasi, kanina mo pa akong pinauna dito sa labas para hintayin ka, pero ang tagal-tagal mo. Dinaig mo pa ang dalaga kung magbihis," inis kong sabi sa pasermong tono.

Sino ba namang hindi kukunot ang noo kung katulad ni Kevyn ang makakasama mo araw-araw? Pakiramdam ko nga tumanda na agad ako ng limang taon simula nang makasama ko ang lalak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status