NASAAN na ba ang mokong na 'yon? Kanina pa akong nandito sa labas ng mansyon at nag-hihintay sa kaniya. Hindi talaga marunong magpahalaga sa oras ng iba ang lalaking 'yon, napaka-self-centered na tao.Pero kahit pa paano naman ay tinupad niya ang sinabing seven o'clock ay gigising na siya. Halatang excited din sa magiging lakad naming dalawa, 'yon nga lang, napakabagal niyang kumilos."Bakit kunot na kunot na naman 'yang noo mo?" bungad ni Kevyn ng makalabas siya ng mansyon. Pinagmasdan ko ang suot niya. Nakasuot siya ng short at printed na t-shirt. Kahit ganoon ang suot niya, lumitaw pa rin ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Paano naman po kasi, kanina mo pa akong pinauna dito sa labas para hintayin ka, pero ang tagal-tagal mo. Dinaig mo pa ang dalaga kung magbihis," inis kong sabi sa pasermong tono. Sino ba namang hindi kukunot ang noo kung katulad ni Kevyn ang makakasama mo araw-araw? Pakiramdam ko nga tumanda na agad ako ng limang taon simula nang makasama ko ang lalak
Naamoy ko ang mabangong hininga niya kasabay ng pabangong gamit niya na nanunuot sa ilong ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit 'di ako makagalaw. Naestatwa ako sa malapitan niyang presensiya. Parang bahagyang huminto ang pagtibok ng puso ko.Kusang pumikit ang mga mata ko nang makita ko ang dahan-dahan paglapit ng mukha niya. Kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit tila sumasang-ayon ako sa iniisip kong gagawin niya."Bakla pala, huh?" Nagmulat ako dahil sa sinabi niya. Bumungad ang nakangisi nitong mukha bago tumalikod at nag-martsa palayo.Lumitaw ang sandamakmak na hiya sa akin dahil sa nagpadala ako sa sitwasyon pero parang nadismaya rin ako na hindi iyon natuloy.Napapikit ako nang mariin, saka eksaheradang pumadyak sa lupa. Ang tanga ko dahil naging marupok ako sa simpleng aksyon ng mokong na iyon. Nakalimutan ko kung ano'ng kaya niyang gawin.Inis na tiningnan ko siya habang naglalakad siya palayo. Nginusuan ko pa siya dahil sa sobrang inis. Pinilig ko ang ulo ko par
"ARAY!" sigaw ko ng biglang may malakas na pwersang tumama sa kanang bahagi ng mukha ko. Para akong sinuntok ng sobrang lakas dahil sa lakas ng impact niyon. Bahagya pa akong napaatras. Parang naalog ang ulo ko dahil sa malakas na pagtama ng bagay na iyon sa akin.Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit ng mukha ko dahil sa tumama roon. Gusto kong maiyak dahil sa sakit. Sinapo ko iyon."Are you okay, Mara?" narinig kong tanong ni Kevyn na ikinainis ko dahil halata namang hindi talaga siya concern.Marahas kong inalis ang kamay ko sa aking mukha at inis na humarap sa kaniya. "Sa tingin mo pagkatapos kong matamaan ng bolang ligaw na 'yon, okay lang ako?" inis kong tugon. Ngumiti ang mokong na lalong nakapagpadagdag sa inis ko. "Nagagawa mo pa talagang ngumiti, natamaan na nga ako ng bola, oh!""Ano kasing iniisip mo at hindi mo nakita 'yong bola?" natatawa pa rin niyang tanong.Ikaw. Kung pwede ko lang sanang isatinig iyon, sinabi ko na sa kaniya at sinisi siya sa nangyari. "Kasalanan mo
MABILIS AKONG naglakad palayo kay Kevyn. Akala ko'y magtutuloy-tuloy na ang pagiging mabait nito sa akin pero nagkamali ako dahil sa maikling panahon, biglang bumalik ang dating Kevyn na kinaiinisan ko, na masungit at mayabang."Siya nga pala, Mara thank you for bringing me here. Gumaan ang pakiramdam ko."Sobrang natuwa na nga ako sa sinabi niyang iyon. Akala ko'y magpapatuloy na ang ganoong ugali ni Kevyn, na magiging malumanay na siya magsalita at magiging mabait sa akin, pero mukhang mali ako."Why don't you just admit it, Mara?" mayabang na habol niya sa akin. "Aminin mo na kasi. I know you stared at me secretly."Napapikit ako ng mariin at napahinto sa paglalakad. Kasalukuyan na naming tinatahak ang daan palayo sa Blue Beach. Bakit kasi lagi na lang akong napapatitig sa mukha ng mokong na ito? Iyan tuloy, nahuli na naman niya ako na nakatitig sa kaniya habang nakatingin siya sa mga bato sa dagat. Paano kasi'y nagulat ako sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko iyon inaasahan, a
"HINDI NA po kailangan, magta-tricycle na lang po ako papunta sa amin," agad kong tanggi ng alukin ako ni Donya Melissa na ipapahatid na lang raw niya ako sa anak niya na si Kevyn na ayaw kong mangyari dahil sisirain lang niya ang araw ko na dapat masaya ako."Sige na Mara, para mabilis kang makarating sa inyo.""Hindi na po–""No buts and excuses, Mara. Whether you like it or not, ihahatid ka ni Kevyn sa inyo." Saglit akong napayuko at palihim na sumimangot. Nag-angat ako ng tingin at pilit na ngumiti dahil kahit ano'ng sabihin ko, mukhang hindi naman papayag si Donya. Pero kapag naiisip ko na si Kevyn ang driver, parang mas gusto ko na lang na mag-tricycle.Hindi ko maunawaan ang lalaking iyon. Kahapon ay okay naman kami, 'tas kanina, sinusungitan na naman niya ako. Hindi ko maunawaan ang ugali niya. Para bang seasons na pabago-bago.Akala ko pa'y tuloy-tuloy na ang pagbabago niya dahil may ilang mga bagay na siyang naibahagi sa akin. Pero ewan ba kung bakit biglang tila pasan na ni
"OMG! Na-miss kita, Mara. Kumusta ka na?" bungad agad ni Maica sa akin nang makapasok siya sa bahay. Agad siyang pumunta roon nang malamang umuwi ako. Sinalubong ko siya at mahigpit niya akong niyakap."Na-miss din kita, Maica." Nagtatalon pa kaming dalawa habang magkayakap. "Okay lang naman ako, ikaw, Maica? Bukod sa lalo kang tumaba ano pang balita sa 'yo?" pagbibiro ko."Grabi ka sa akin, Mara. Kasalanan ko bang masarap kumain?"Humiwalay kami sa pagkakayap at kapwa tinitigan mula ulo hanggang paa ang bawat isa. Halatang nanabik kami sa isa't isa dahil sa mga tinginan namin na parang isang taong hindi nagkita."Kung sabagay, masarap nga namang kumain. 'Yong nga lang, ikaw hindi ka marunong mag-diet," natatawa kong sabi.Ngumuso si Maica bago umupo sa kawayang sofa. "Basta food is life, ganoon." Ginalaw-galaw pa niya ang ulo. "Pero bago ang lahat, ano'ng balita? Virgin ka pa ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay Maica. Hininaan lang niya ang huling mga salita pero rinig
NAKUSOT KO ang aking mga mata ng tumama roon ang sikat ng araw. Uminat ako at nagmulat ng tuluyan nang mapagtantong umaga na. Nanliliit pa ang mga mata ko pero kapagkuwa'y ngumiti ako ng masilayan ang sarili kong silid. Mas masarap pa rin ang naging tulog ko kahit wala ako sa malambot at malaking kama. Napagtanto kong wala nang mas hihigit pa sa himbing ng tulog ko kapag narito ako, kapag malapit ako sa pamilya ko. Nanatili ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang walang pagbabagong silid namin ni Melanie. Naroon pa rin ang ilang mga larawan, maliit na table, at dalawang cabinet. Hindi magara pero mas komportable ako sa silid na ito."Nandito na ang sundo mo." Nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi ni Mama. Napakunot noo ako. Sundo ko? Ibig bang sabihin pinasundo ako ni Donya Melissa? Mabilis akong bumaba ng katre at lumabas ng silid.Nakalimutan kong ngayong araw nga pala ang balik ko sa mansyon dahil sa masyadong pananabik ko sa bahay at sa pamilya ko."Pakisabi po, 'Ma
"SIR KEVYN," sigaw ko kasabay ng pagkatatok sa pintuan ng silid niya. Gusto ko ng gumamit ng mega mic para sakaling magising na siya sa mahimbing na pagkakatulog. Ilang beses na ba akong kumatok? Napairap na lang ako sa kawalan at napabuga ng hangin."Sir Kevyn, nandito na po 'yong breakfast niyo," muli kong sabi, umaasang sa pagkakataong iyong ay magbubukas na ang pinto ngunit hindi pa rin iyon nangyari. Napapikit ako ng mariin. "Kahit kailan talaga ang lalaking 'yon, wala–""May sinasabi ka ba, Mara?"Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang bumukas ang pinto at nagsalita si Kevyn pero hindi dahil doon kung 'di dahil sa nakikita ko ngayon sa aking harap. Naka-topless lang siya, messy hair at may butil ng mga tubig sa kaniyang katawan indikasyon na kaliligo lang nito. Kulang na lang ay maibagsak ko ang hawak kong tray dahil sa nakikita ko. Nakakatuyo ng lalamunan."Gotcha! You staring at me again, Mara," aniya. Nakahalukipkip siya habang nakatingin lang sa akin. "Akala ko ba'y walang da