Share

Hot Sugar Mommy (Tagalog)
Hot Sugar Mommy (Tagalog)
Author: ColaPrinsesa

Chapter 1

Sa edad na kwarenta, hindi naisipan ni Romana Lichauco na magpatali na sa kasal. Bakit pa ba? Mayaman na siya at na-e-enjoy niya ang buhay na mag-isa. At isa pa, kaya niyang makuha ang lahat ng nais gamit ang kaniyang yaman. Kaya niyang bilihin kahit ang puso ng sino mang lalaki.

"Hi! Mag-isa ka na naman, Mommy?" tanong ng lalaking half-naked na lumapit sa kaniya. Dancer ito sa bar na kaniyang kinaroroonan.

Tanging ang balot lang nito sa katawan ay ang hapit na boxer shorts. Halata na ibinabalandra nito sa lahat ang kaniyang mabato na katawan at bakat na malaking pag-aari.

She rolled her eyes. "Palagi mo na lang itinatanong 'yan sa tuwing nagkikita tayo," aniya sa lalaki.

Sa kaniyang pagkakatanda, Billy ang pangalan nito. Isang beses na niyang nakasalo ang binata sa kama at malaking tip ang kaniyang ibinigay, 'sing laki ng k*****a nito. Kaya marahil binabalik-balikan siya ng lalaki para makahuthot muli ng pera.

"Ang sungit mo naman today, Mommy. Sige ka, madadagdagan ang wrinkles mo niyan."

She smirked at the guy. "My money can fix it kaya don't mind it."

Maalaga sa sarili si Romana. Kakaunti lang ang nakakaalam na kuwarenta na siya. Maganda siya, makinis, hikit pa ang balat, maputi, at sexy kumpara sa kaniyang ka-edad.

"Kaya gusto kong dumidikit sa'yo, Mommy! Marami akong magagatas sa'yo."

Hindi na niya inintindi ang lalaki. Tinungga niya ang laman ng hawak niyang baso at saka itinuon ang mga mata sa entablado sa unahan.

Mabagal at malamyos ang musikang pumapailanlang. Isang lalaki ang lumabas mula sa entrada ng entablado na ang tanging suot ay brief at necktie.

Nakuha ng lalaki ang atensiyon ni Romana.

"What's wrong with him? He looks confused."

"Ah, si Vincent 'yan! Bago pa lang kasi kaya nahihiya pa. Nagkasakit daw ang asawa at kailangan ng malaking halaga kaya kumapit sa patalim."

Hinagod niya ng tingin ang kabuuan nito. Guwapo. Chinito.  Malalaki ang braso, tila kaya siyang buhatin at ibalibag sa kama.

Bumaba ang kaniyang tingin sa tiyan nito na may anim na pandesal na nakahilera na tila ang sarap haplusin.

Muli, bumaba ang kaniyang tingin at dumako sa pinakagitna ng lalaki. Umbok na umbok iyon at parang mapupunit na ang suot na brief sa sobrang taba ng itinatago nito.

"Ano ulit ang pangalan niya?"

"Vincent, Mommy. Gusto mong i-take out? Puwede kitang tulungan."

Kinuha niya ang kaniyang branded bag na limited edition pa from Singapore at saka humugot doon ng $100.

"Dalahin mo ang lalaking 'yon sa akin."

Agad nagningning ang mga mata ni Billy. Hinablot kaagad nito ang pera na nasa kaniyang kamay.

"Ako ang bahala, Mommy!"

Matapos ang dance number ni Vincent, agad na pinuntahan siya ni Billy sa dressing room.

"Ano ba naman 'yon, Vincent?! Para kang kawayan na inihahangin kung magsayaw ka! Hindi ka ba marunong gumiling, huh?! Hindi ba may asawa ka na?! Gawin mo sa entablado 'yong ginagawa mong paggiling sa ibabaw niya kapag nagtatalik kayo! Nakakainis ka! Ang guwapo mo nga pero daig pa ng katawan mo ang tuod sa sobrang tigas!" yamot na sermon ng bakla nilang manager kay Vincent.

Padabog itong umalis roon dahil sa nangyari.

Pabagsak na umupo sa upuan ang lalaki sapo ang noo. Hindi na malaman ang gagawin.

"Okay ka lang, Bro?" tanong ni Billy sa baguhan na dancer. Nag-angat ito ng tingin at bahagyang tumuwid sa pagkakaupo.

Nakahalukipkip na sumandal sa bukana ng pintuan si Billy. "Ganiyan talaga kapag first time. Don't worry, masasanay ka rin."

Bahagya na pagtango lang ang itinugon ni Vincent sa kausap. Mas iniisip niya kung saan kukuha ng malaking pera pampaopera sa kaniyang misis. May butas ang puso nito at kailangang-kailangan ng magamot.

"Gusto mo ba ng one time big time na raket?"

"Pass sa drug pusher. Ayaw ko ng problema," mabilis niyang sagot.

Iyon ang madalas na i-offer sa kaniya ng mga kakilala niya na hindi naman niya pinag-interesan na pasukin.

Nangangamba siya na sa halip na matulungan ang asawa niyang si Laila ay baka maging problema pa kapag siya ay nakulong.

Tumawa nang malakas si Billy. "Tanga, hindi! Titi lang ang puhunan. Ano, game?!"

Napapayag siya ni Billy sa raket na tinutukoy nito. Bihis na siya nang isama ni Billy sa table ng isang maganda at mukhang mayaman na babae.

"Bakit ngayon ka lang?" malamig na tanong ng babae kay Billy.

Kumamot sa ulo si Billy bago siya hinila patungo sa harapan nito.

"Sorry, Mommy. Pinagalitan pa kasi itong si Pogi ni Manager kaya hindi ko siya agad nakausap. Sige, maiwan ko na kayo."

Mabibilis ang hakbang na lumakad paalis si Billy. Tinangka ni Vincent na pigilan ito ngunit sumenyas ang kapwa niya dancer na kausapin ang babae.

"Ayaw mo bang maupo?"

Umangat ang tingin nito at nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Ang mga mata ng kaniyang kaharap ay parang bituin na walang kinang. Walang kahit na anong emosyon na mababasa sa maganda nitong mukha. Hinila niya ang upuan sa tapat nito at duon umupo.

"I-Ipinatawag mo raw ako?" tanong niya.

Sa itsura nito ay hindi ito mukhang isang babae na pumapatol sa kung sino-sino lang. Sopistikada at mukhang mataas ang pinag-aralan.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Vincent. I want to spend the night with you. I can pay you kahit na magkano," direkta at walang liko-likong sabi ni Romana.

"H-Hindi ba ako papatayin ng asawa mo kung sakali na mahuli niya tayo?" may pag-aalinlangan sa himig ni Vincent.

The emotionless woman laughed sarcastically.

"Sa tingin mo ba ay kailangan ko ng asawa? What for? For sex? Kaya ko naman makipagsex using my money! For child? I can also have it if I would like to have one!"

"For love, Miss. Kailangan mo ng lalaking magmamahal sa'yo, mag-aalaga sa'yo, will stay by your side no matter what the situation is, at lalaking magpaparamdam na walang kulang sa'yo."

Natigilan si Romana sa mga sinabi ni Vincent but nang makabawi ay nagpakawala siya nang balagbag na tawa.

"Love my ass. How about you? Why are you here? Hindi ba may asawa ka? Kaya bang pagalingin ng pagmamahal mo ang karamdaman ng asawa mo?"

Sa pagkakataon na iyon, si Vincent naman ang walang maitugon.

"Without money, you are nothing, Baby Boy. So . . . Would you like to spend the night with your sugar mommy or not?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status