Share

Chapter 5

"Miss Lichauco? Miss Lichauco?" tawag ni Vivianne sa kaniya.

Nasa kalagitnaan sila ng share holders meeting ngunit lumilipad ang kaniyang isip. Hindi maalis sa kaniyang isipan ang mukha ni Vincent. Bumalik lang siya sa kasalukuyan nang kalabitin siya ni Vivianne sa kaniyang balikat.

"Miss Lichauco, are you okay? Kanina ka pa namin napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo," puna ni Shara, isa sa mga may pinakamalaking share sa company niya.

"O-Oh, I'm sorry. Wala lang akong enough sleep last night kaya wala ako sa focus ngayon. Can we reschedule the meeting? Masakit ang ulo ko ngayon," pagdadahilan niya.

"B-But Miss Lichauco..."

May pagtutol sa himig ni Shara ngunit wala ng nagawa nang tumayo na siya dala ang kaniyang mga gamit at umalis. Kahit anong pilit niya na intindihin ang pinag-uusapan ng mga share holders ay wala siyang maintindihan. Pilit nagsumiksik sa isip niya ang nangyari sa pagitan nila ni Vincent. Isang pangyayari na kataka-taka na nais niyang masundan.

Madalas kapag nagamit na niya ang isang lalaki ay nawawalan na siya ng pakialam dito ngunit iba ang naging epekto sa kaniya ni Vincent. He is like a drug stronger than ecstasy.

She decided to visit her mother in Lichauco's hospital. Pag-aari niya rin ang kilalang ospital na 'yon. Aside from good services nito ay magagaling din ang mga doktor.

"Good morning, Miss Lichauco!" pagbati sa kaniya ng mga nakakasalubong niyang nurses at doctors. Panay tango lang naman ang ginawa niya.

Sumakay siya sa elevator at bumaba sa ikatlong palapag. Unexpectedly, she saw the man she wanted to see. Vincent Buencamino is currently sitting on the floor in front of ICU. Nilapitan niya ito at tumahan siya sa harapan ng lalaki.

"What are you doing here?" pantay ang boses niyang tanong.

A pair of red stiletto is the first thing he see after Vincent raised his face. Tumingala siya nang marahan at ang seryoso na mukha ni Romana ang bumati sa kaniya. Nanlilisik ang mga matang tumayo siya mula sa kinauupuan at hinarap ang babae.

"Ganoon ba talaga ka-rami ang oras mo para sundan ako, huh?!" gigil niyang tanong.

Lumalabas ang litid niya sa leeg dahil sa labis na galit na nararamdaman. Dahil sa babae, muntik na niyang hindi maabutan ng buhay ang asawa.

Umangat ang isang kilay ni Romana. "As long as I remembered, pag-aari ko ang ospital na ito kaya I have the all rights to visit here. Second, don't assume, Baby Boy. Dito rin nakaconfine ang mother ko at bibisitahin ko siya kaya ako narito."

"At sa tingin mo kakagatin ko ang kasinungalingan mo? Ganiyan kayong mga mayayaman! Wala kayong pakialam kahit na makaapak kayo ng ibang tao! Inatake sa puso ang asawa ko at muntik na siyang mamatay habang ako nandoon sa condo mo! Alam mo ba kung gaano ako ka-galit sa sarili ko?!"

She looked at the boy up and down. Suot pa rin nito ang suot na damit kanina, gulo-gulo ang buhok, at namamaga ang mga mata. Vincent was obviously depressed.

"Believe me or not, narito ako not because of you. My mother is in that room suffering a colon cancer." Itinuro niya ang pintuan ng silid ng kaniyang ina.

Hindi nakapagsalita si Vincent at ginamit 'yong way ni Romana para magpaalam.

"If you need anything, just call me. You have my number." Tinalikuran niya ito at saka pinuntahan ang ina niyang nakaratay sa hospital bed. Isang taon na rin na nakikipagsapalaran ang nanay niya sa karamdaman nito.

Matapos bisitahin ang nanay, umuwi na rin siya. Hindi na niya nakita muli si Vincent sa tapat ng ICU. Naisip niya na baka inilipat na ang asawa nito sa isang maayos na silid.

Mag-isa sa napakalaki niyang condo si Romana. Malungkot at nakakainip lalo na kapag ganitong oras. Hinubad niya ang kaniyang lahat na saplot at dumiretso sa banyo para maligo. Nagbabad muna siya sa maligamgam na tubig ng bathtub para i-relax ang kaniyang katawan at isip.

Samantala, kalilipat lang sa normal na silid ng asawa ni Vincent na si Laila ngunit ilang oras pa lang silang naroroon ay muli itong inatake ng sakit sa puso.

"Dok! Iligtas niyo ang asawa ko, nagmamakaawa ako! Dok!" paulit-ulit na sambit ni Vincent. Muli, inilipat si Laila sa ICU.

Gulong-gulo na siya kung ano ang gagawin. Kahit maligo at magpalit ng damit ay hindi na niya nagawa para lang mabantayan nang husto ang kaniyang asawa. Ilang oras nanatili sa loob ng ICU ang doktor na tumitingin kay Laila bago ito lumabas.

"Kumusta siya, Dok?" agad niyang tanong.

Seryoso ang mukha ng Doktor. "Ayaw ko ng magpaliko-liko pa tayo, Mister Buencamino. Maaaring ikamatay ng asawa mo kapag hindi pa siya naoperahan. Ano mang oras ay lilisanin niya ang mundo kung hindi tayo makagagawa ng paraan."

"M-Magkano ang kailangan, Dok?"

"You need at least $10,000 or higher."

"$10,000?! Saang kamay ng Diyos ako kukuha ng ganoon kalaki na halaga?!"

Biglang sumagi sa isip niya ang offer ni Romana. Desperado na siyang tanggapin ang alok nito gumaling lang si Laila.

"Operahan niyo siya, Doc! Magbabayad ako!"

Tumakbo siya palabas ng ospital para tunguhin ang condo ni Romana. Agad niyang pinindot ang doorbell sa pintuan nito nang makarating sa lugar. Bumukas naman agad ito at tumambad sa kaniya ang napakagandang katawan ni Romana. Transparent lingerie lang ang suot nito kaya kitang kita ang maseselan nitong parte. Napalunok siya sa magandang tanawin sa kaniyang harapan.

"Vincent? Bakit ka narito?"

"M-Maaari ba akong pumasok?"

Nagbigay ng daan si Romana para sa kaniya. Nang makapasok na ng tuluyan ay sinaraduhan nitong muli ang pinto. Napabaling ang tingin ni Vincent sa malaking screen ng TV kung saan may dalawang taong nagtatalik. Hindi makapaniwala na ganitong uri ng palabas ang pinapanood ng babae.

"Maupo ka," utos nito.

Kaagad naman siyang umupo. Naiilang tumingin dahil sa suot nito tapos porn pa ang palabas sa TV.

"May gusto ka bang inumin o kainin?" she asked.

Mabilis siyang umiling.

"N-Narito ako dahil gusto kong ibenta ang katawan ko sayo. N-Nakikiusap ako, kailangan ko ng malaking halaga."

Romana sat down next to him.

"Walang problema. Ngunit kailangan gumawa tayo ng kontrata. Babayaran kita sa halagang gusto mo but promise me na dadating ka kapag kailangan kita."

Sa kagustuhan na mailigtas si Laila, pumayag si Vincent sa gusto ni Romana. Pumirma siya sa papel na ibinigay nito na may sulat kamay nilang pareho na nangangakong tutuparin ang kanilang mga pinag-usapan.

"First, take a shower. Hindi ko gusto ang mabahong ka-sex. Naroon ang banyo. Sabunin mong mabuti ang katawan mo."

Itinuro nito ang isang malaking pintuan. Para siyang robot na sumusunod sa mga gusto ng babae.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status