Share

Chapter 2

"No," mariin niyang pagtanggi.

Pakiramdam ni Vincent ay naapakan ang kaniyang ego sa sinabi ng babae. Parang nais iparating ng kaniyang kausap na walang kuwenta ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang asawa at ang lahat ay nabibili ng pera.

"Oh, come on! $20,000! Take it or leave it?"

Parang biglang nanuyo ang lalamunan ni Vincent sa offer ng babae.Malaking halaga na iyon at making karagdagan para sa pampaopera ni Laila ngunit nanaig pa rin ang kaniyang pride. Tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"I already gave you my answer. It's a no. Kung wala ka ng ibang sasabihin, hayaan mo na akong makaalis."

"Wait."

Tumayo rin si Romana at kinuha ang kaniyang leather long wallet sa loob ng kaniyang bag. Binuksan iyon at hinugot ang isang calling card.

"Take it. I know na kakailanganin mo ito someday." Nakasulat sa kapirasong bagay na 'yon ang mga detalye ni Romana kung saan siya nagtatrabaho at kung ano ang kaniyang numero.

Tinignan lang 'yon ni Vincent. Wala siyang balak na kuhain iyon at isa pa, hindi niya kayang pagtaksilan ang kaniyang asawa. Balak niyang galingan na lang ang pagsayaw sa susunod.

"Ang taas naman ng pride mo, Vincent. Gipit ka na nga ay pakipot ka pa. Paano ka makakaipon ng pera niyan kung ang kagaya kong maganda, malinis, at mayaman ay tinatanggihan mo pa? Just take it, okay?"

Lumapit sa kaniya si Romana at isinilid sa bulsa ng kaniyang maong jeans ang calling card nito. Napaigtad siya nang pasimpleng haplusin nito ang kaniyang pagkalalaki.

Inilapit nito ang bibig sa puno ng kaniyang taynga at saka bumulong, "Huwag kang mag-alala, magaling ako. Sigurado ako na makakalimutan mo na ay asawa ka kapag pumayag ka," sabay ang paglandas ng mainit na dila nito sa kaniyang leeg.

Kumibot ang kaniyang maselang parte dahil sa ginawa ng babae. Bago pa siya maka-react ay nakaalis na ito. Nang mawala na ito sa kaniyang paningin ay dali-daling nilapitan siya ni Billy.

"Ano, Bro?! Bakit hindi ka pa sumama?!"

"Hindi ko ibinebenta ang katawan ko," aniya sa pantay na tinig.

"Baliw ka ba?! Ano ka, santo? Bro, lalaki ka! Walang mawawala sayo!" giit ni Billy.

Hinarap niya ang lalaki. "Hindi ko kayang pagtaksilan ang asawa ko. Huwag mo nang ipilit ang gusto mo!"

"Pera na naging bato pa! Alam mo puwede mo nang isalba ang misis mo sa perang ibibigay niya sa'yo! Bro, etits lang 'yan! Puwede mong hugasan pagkatapos mong ipasok sa ibang kuweba!"

Naisip niya na tama si Billy ngunit hindi niya kayang dagdagan ang hinanakit ni Laila. Baka kapag nalaman pa nito ang kaniyang mga kalokohan ay mas lumala pa ang kalagayan nito.

Matapos ang magdamag na trabaho, umuwi na siya sa munti nilang bahay. Nakatanaw ang maputlang asawa niya mula sa bintanang kawayan, marahil ay hinihintay ang kaniyang pagdating. Sumilay ang tipid na ngiti nito pagkakita sa kaniya. Dali-daling tumayo at saka lumabas sa bahay.

"Vincent!"

Ngumiti pabalik ang lalaki. Ginawaran niya ng halik sa labi ang asawa at saka niyakap nang mahigpit. Sinilip niya ang mukha ng asawa at napansin agad ang nangingitim na ilalim ng mga nito.

"Teka, hindi ka ba nakatulog nang maayos? Ang laki ng eye bags mo, Asawa!"

"Kasi hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko kapag natutulog. Namimiss kita," ungot nito.

"Sus! Ako ba talaga ang miss mo o ito!" Inginuso niya ang kaniyang harapan.

Humagikhik si Laila sabay hampas sa kaniyang malaking braso.

"Ang pilyo mo talaga, Asawa!"

"Halika na nga sa loob! Mag-almusal na tayo!" Inakbayan niya si Laila at saka inalalayan na makapasok sa loob ng bahay.

Isang kulay itim na kotse ang naroon sa tapat ng kanilang bahay. Ibinaba ng lulan nito na si Romana ang tinted na bintanang salamin. Sa panonood niya sa mag-asawa, hindi niya mapigilan ang mainggit.

"Napakasuwerte naman ng babaeng 'yon. Handang gawin ng kaniyang asawa ang lahat para madugtungan ang buhay niya. May tao kayang handang gawin iyon para sa akin?"

Gumuhit ang mapait na ngiti sa kaniyang labi pagkatapos niyang maisara ang bintana.

Lumaki siya sa isang broken family. Her father left them at sumama sa ibang babae. Isang babae na mayaman at maraming koneksyon. Her mother was came from ordinary family kaya ano naman ang laban nito sa babaeng ipinalit ng kaniyang ama?

After that day, she suffered together with her mother. Naging motivation niya ang ginawa ng kaniyang ama para magsumikap na yumaman and she made it until she realized that she's not young anymore.

Hindi niya ninais magkaasawa because of the trauma that her father caused. Akala niya ay okay lang kahit walang kasama sa buhay basta may pera until nakilala niya itong Vincent na 'to na isinampal sa kaniya ang katotohanan na malungkot siya dahil mag-isa siya at walang nagmamahal sa kaniya.

"Nakakatawa. Kailangan ko pang umabot sa ganitong edad para macurious about the feeling of being loved and to be loved."

Pinaharurot niya ang kotseng sinasakyan. Takang napasilip naman sa bintana si Vincent nang marinig ang galit na tunog ng makina ng kotseng umalis.

"Asawa, sinong may-ari ng kotseng 'yon?" tanong niya kay Laila na kasalukuyang kumakain ng pansit na binili niya sa kanto.

"Hindi ko alam, Asawa. Hindi ko naman napansin kasi wala naman 'yon kanina bago ka dumating."

Medyo tago kasi ang lugar na kanilang tinitirahan ni Laila at malalaki ang pagitan ng mga bahay. Bibihira rin ang napapadpad na kotse kaya naman napatanong siya.

"Sigurado ka, Asawa? Baka may pinapatulog ka na rito sa bahay kapag wala ako, huh?!" pagbibiro niya.

Ngumiwi naman si Laila bilang reaksyon sa kaniyang sinabi. "Sa kalagayan ko bang ito ay magloloko pa ako?! Ang swerte ko na kaya sa'yo, Asawa. Bukod sa guwapo na ay masipag pa."

"At?" dugtong naman niya.

"At mabait."

"At?" muling tanong niya sa patudyomg tono.

"At malaki ang etits!"

"'Yon! Nadali mo, Asawa!"

Humalakhak naman si Laila. "Ikaw talaga! Gusto mo palaging pinupuri 'yang hotdog mo!"

"Bakit? Totoo namang malaki ito ah! Umiiyak ka nga kapag inaangkin kita."

Pinandilatan siya ng mga mata ni Laila.

"Tumigil ka na, Asawa," may pagbabanta sa himig nito.

He chuckled and continue to eat his food. Wala talagang kapantay ang saya niya sa tuwing kasama niya si Laila. Si Laila ay tila isang bahagi na ng katawan niya na ayaw niyang mawala kaya naman ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang kahit na ano madugtungan lang ang buhay nito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jovelyn Dubria
ang ganda po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status