Share

His cruel ways her ambition's
His cruel ways her ambition's
Author: Hilarityfierce

KABANATA 1

Draymond jazz Perkins isa sa mga sikat at successful business tycoon ng bansa. Isa sa kanyang mga negosyo ang oil companies. ang pamilya naman niya ay nagmamay-ari ng multi billionaire 5 star hotel's. Isa ang kompanya niya sa mga nangunguna, Hindi lang sa pilipinas kundi kahit saang dako pa ng bansa. Kilalang kilala din siya bilang isang henyo at tuso sa larangan ng pag-nenegosyo kahit siya'y bata pa ay pinamalas niya ang galing sa larangan sa kanyang mga negosyo. Ngunit sa kanyang maamong muka ay may nakatagong isang mabagsik at walang awang Mr. Perkin's.

Daniella Monet Guzman....

Abala sa kanyang araw-araw na gawain tulad ng pagtitinda ng balot at penoy mayroon ding mga candy at sigarilyo. Inilatag ni Daniella ang kanyang maliit na lamesa na paglalagyan ng kanyang mga paninda. Larawan ng isang matatag na babae sa murang edad ay nag sakripisyo siya na maghanap buhay para sa pamilya. Nangangarap parin siya na matutupad ang ambisyon. Makapag-aral muli at mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilyang nagbibigay lakas ng loob sa kanya.

Mas mangarap para sa mismong sarili. Pagod man naiibsan ito ng galak sa kanyang puso dahil ang mga naipapadala niyang tulong na pinansyal ay napupunta sa tama. Hapon ay naka pwesto siya sa malapit na elite bar sa timog. Di lang ito ang kanyang hanap buhay sa araw araw. Sa umaga naman ay nagbebenta siya ng almusal. Sa tanghali naman ay nag aangkat siya nang mailalakong ulam. Di niya na kakayanin na siya mismo ang magluto pa ng ulam sa tanghalian dahil umaga palang ay pagod na.

Magpapahinga saglit at kakayod nanaman. ang kanyang munting negosyo ay t'wing hapon hanggang madaling araw ay ang pwesto niya na ito. Nakangiti niyang pinagmasdan ang paninda. Nagbigay siya ng satispaksyon na ngiti sa kanyang nagawa.

"Looks perfect all the time." Aniyang wika niya sa sarili. Wala naman siyang pakealam sa paligid. dahil Hapon pa iyo'n at wala pa masyadong tao sa elite bar dahil nasa gilid naman siya. Pinagbawalan din siya ngunit matigas ang kanyang ulo. Nakiusap siya sa manager ng bar. Nahabag ang ginang na sa kanya dahil nakikita niya na isang masipag at mabait na anak si Daniella. Kaya lubos na nagpapasalamat si ella sa manager na hinayaan siya sa gilid nang bar na ito. Di naman sobrang lapit ni Daniella na pinag pwepwestuhan ngunit madali siyang makita dahil ang bar na ito ay corner lot. Marami siyang parokyanong bumibili lalo na't pagabi na. Isa sa mga rason kung bakit di niya mabitawan ang pwestong ito dahil ki Mr. Perkins. Labis ang pag hanga niya sa binata ngunit sikat sa buong pilipinas sa larangan ng negosyo. Sa angking talino at yaman ay sigurado siya na swerte ang mapapangasawa nito.

Sunod-sunod na ang mga bumibili sa kanyang nga paninda. Sa kalayuan naman na kung saan siya naparoroon ay nahagilap ng kanyang mata ang kotse ni Mr. perkins. Oo, kabisado niya ang sasakyan ni Draymond jazz Perkins dahil crush niya ito. Para na siyang halos stalker nito masaya na siya sa malayo ay nakikita niya ang iniidolo.

Kalayuan ay ang pababa sa kanyang sasakyan na mistulang hari na si Draymond. Sa isang direksyon lamang siya nakatingin yun ang elite bar na isa din sa mga mga pagmamay-ari niya. Di na siya nag bigay nang tingin sa mga taong nakatingin sa kanya. He knows if he entertained them it will be burden to him. Lalo na't kabilaan ang mga picture's captured ng kanyang mga stolen shot's. Sa mga paparazzi.

Naiwang nakangiti at tulala naman sa kalayuan si Daniella. Dahil nakita niya muli ang kanyang iniidolo.

"Miss? Magkano ito at ito pa." Hawak hawak ng babae ang paninda niya. Ngunit sinawalang bahala niya muna ito at sinundan ng kanyang mga mata ang papasok na sa bar na si Mr.perkins.

"Ayun naman pala!" Masungit na wika ng kanyang costumer.

"Ano nga po uli ang tinatanong niyo." Pagdadahilang tugon ni ella.

Inirapan muna siya nito bago nagsalita.

"Pinagpapantasyahan mo ba ang boss namin?" Isa sa kanyang customer na nasa harapan ay waitress ng elite bar ni Mr. Perkins.

"HINDI NOH!" inirapan niya din ito pabalik. Kapwa na silang asar sa isa't isa ngayon.

"Alam kong di okay na sungitan kita miss dahil customer kita. Pero grabe ka sa pinagpapantasyahan." Salaysay niya. Bumuntong hininga na lamang ang customer sa kulit ni ella.

"Napaka defensive mo te! Kitang-kita yang mga mata mo kulang nalang hinuhubaran mo na si boss Perkins sa isipan mo." Natatawang ani nang babae sa kanya. Naging sanhi pa ito ng pagkapula ng kanyang pesnge.

"Tingnan mo, Blushing yern." Napatango na lamang siya sa kahihiyan. Is she looking stupid a while ago?

"Just a piece of advice, Ang mayaman ay nababagay sa kapwa mayaman ang mahirap naman ay para sa kapwang mahirap lang." Binigyan niya lang ito ng mapait na ngiti. Di ba pwedeng maging masaya sa bagay na iyo'n? Tanong ni ella sa sarili. Tumango-tango na lamang siya.

"Oo na miss bili ka na nitong paninda ko." panimula niya. agaran naman kinuha ng babae ang paninda na napili niya ki Daniella.

"Isang kahang mighty black. at nito penoy apat na piraso at paki plastic naman ang suka at asin. dali dali namang ginawa mi daniella ang mga request ng kanyang customer. nagulat siya na bigla itong lumapit sa kanya. bumulong ito at may hinahanap sa kanyang paninda kung meron siyang binebentang bagay na iyo'n.

"May condom ka ba na binebenta rito?" nanlaki ang mga mata ni daniella sa kanyang customer.

"I guess, you don't haven't that yet? mabenta yon girl you should buy it."

"Meron namang malapit na 7/11 edi dun sila bumili. pati ba naman yon ibebenta ko pa?"

"Ayaw mo nun? dagdag paninda, dagdag kita. if you have that, i will recommended you to my other co-workers." napanguso naman si daniella at halatang pinag iispan niya ito.

"Wag mo nang pag isipan pa, Besides it's business you know?" tunay nga naman negosyo lang di naman ata illegal ang pagbebenta ng condom?

Daniella agrees with the customer request. she ask also what flavors that she will buy. napapalak pak naman ang customer sa kanya.

"by the way. I'm czarina." naglahad ng kamay ang babae upang makipag kamay sa kanya. tinanggap niya naman ito at nakipag kamay.

"Ako naman si daniella you can call me ella."

"Nice to meet you ella." ngumiti ito sa kanya at ngumiti rin siya pabalik.

"mauuna na ko ah, may show pa kasi ako waitress at dancer ako sa bar ni boss Perkin's."

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Febe Dumacyon
Ganda umpisanpalang
goodnovel comment avatar
Hilarityfierce
Again, marami pong typo sa kabanata na ito kung hanap mo ay perpekto wag ng basahin. Salamat sa mga nagbabasa pwede niyo ko i follow di ako nangangagat. charrr.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status