Share

KABANATA 5

"Ms. Feliz naman ih pati ba naman ikaw?" Nahihiyang sabi ko.

"Madaling makita pag kinikilig ka. Alam mo ba yon?" Tukso niya sakin.

"Paano po?" Inosenteng tanong ko.

"Namumula ka na parang kamatis." Tawa pa siya ng tawa ako naman di natawa at hiyang hiya na.

"Pumasok na muna kayo, Ms. Feliz." Pag aaya ko sa kanya.

"Okay hija." Ngumiti naman siya.

"Magkwento ka pa."

"Tungkol saan po?" Tanong ko.

"Nung madaling araw na nagkausap kayo. Sinakal ka niya diba at may binulong siya sa'yo? Ano iyo'n? Sinaktan ka ba niya kaya ka may sakit ngayon?"

"Okay lang ako Ms feliz." Paniniguradong wika ko sa kanya.

"Promise?"

"Promise po." Nakangiting sabi ko. Nagulat ako na bigla niya kong niyakap.

"Di na ko nagkaroon pa ng anak o pagkakataong maging ina. Hanggang kaya ko na protektahan ka sa kahit na sino gagawin ko.Para na kitang anak ella.”

Nagulat ako sa tagpong ito. Di parin ako makapagsalita ngunit napaka saya ng puso ko.

"He is truly a jerk ella. And i know, you know that now."

"Baka hindi naman ms. Feliz." Tugon ko. Napasapo nalang siya sa kanyang noo sa tinuran ko.

"Isa ka ata sa babae na naniniwala ang mga lalaking red flag ay kayang magbago." Salaysay niya napailing nalang ako.

"Di naman siguro ganun yun Ms. Feliz. Lalo ata akong lalagnatin sa'yo ih."

"Biro lang oh siyaaaa.... Papakita ko sa'yo tong mga damit ko na tingin ko ma babagay sa'yo. Dalaga ka ihja kaya dapat enjoy mo ang youthfulness mo." Masiglang wika niya habang binubuklat ang sang katirbang damit sa eco bag na dala niya at dalawang eco bag ito.

"Andami po baka di na magkasya dito yan Ms. Feliz." Pag-aalala ko baka mapuno ng damit ang damitan ko.

"Silly, just enjoy seeing this! Lahat sayo yan bagay. Ganda mong bata ih." Pinakita niya na sakin ang mga dress. Ang sexy ng mga style nito at hanggang hita lang ang iba naman ay hanggang tuhod. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil di ako sanay sa mga gantong pananamit.

"Wala ang atensyon mo sa mga dinala ko. Oorder na muna ako sa grab."

"Okay po Ms. Feliz." Iniabot niya sakin ang prutas na dala niya.

"Hija, di ka na muna siguro magtitinda Ngayon diba?" Tanong niya habang nakatingin sa kanyang telepono.

"Opo di rin po kasi ako nagising ng maaga di po ko nakapagluto ng balot at penoy. Mahabang oras at proseso po kasi ang ginugugol sa pagluluto."

"Okay." Tipid niyang sabi.

"Wear this hija." Iniabot niya sakin ang silk burgundy red sleeve's less na pantaas at may ternong silk pajama.

"Okay na po ko dito sa suot ko " pagdadahilan ko.

"Dali na simula ngayon ito na ang pantulog mo ah at iba ko pang binili para sa'yo." Tumango-tango na lang ako. Dali-dali ko din namang sinuot ang binigay na pantulog sakin. Nakakatuwa dahil napaka sarap sa pakirandam. Lumabas na ko sa kwarto ko upang maipakita ki ms. Feliz ang damit na binigay niya sakin. Natuwa naman siya dahil bagay na bagay nga daw saakin lalong lalo na sa morena kong kulay. Pinagsuot niya muna ako mg ternong cardigan kasama sa set ng pantulog. Inilahad niya na meron pang dress na pantulog at may slit sa gilid.

Tunay nga na napaka ganda niyang pumili kahit pa 50's na siya pero di ito halata sa kanya. Magaling parin siya pumostura ngunit sobra nga lang para sa edad niya. Ngunit bagay din naman sa kanya. Kaya pala ako napagkamalan na nag tratrabaho sa bar ni Ms. Avee dahil binanggit ni Ms. Feliz ang bar ni Sir Draymond.

Maya-maya ay may kumatok na sa pinto at tumayo si Ms. Feliz upang kunin ang kanyang na order sa app. Tumambad saakin ang mga pagkain hindi healthy.

"You look unhappy what i bought for you?" Tanong niya.

"Di po. Nahihiya nga ako ih masasarap at di ko laging nakikita o natitikman ang gantong klaseng mga pagkain." Manghang sabi ko. Napangiti lamang siya.

"Wag ka mag-alala lagi ka nang makakatikim ng mga ganyang pagkain. Pag kasama mo ako hija."

"Salamat po."

"Kumain kang mabuti hija. Para lumakas ka agad."

"Opo." Tipid kong sagot ngunit nanghihina parin.

Biglang may kumatok sa pinto ng apartment ko baka si ms. Avee na ito. Pagkabukas ko ng pinto ai ms. Avee nga.

Tiningnan niya ang mga na order na pagkain ni ms. Feliz.

"Hindi healthy naku!!!!" Masungit niyang sabi. Inirapan lang nila amg isa't isa.

"Ito ang kainin mo para mawala agad yang lagnat mo. Di tulad ng ganyan fastfood anong mapapala mo sa ganyan lalo kang magkakasakit." Pangaral na wika niya sakin.

"Huy! Naririnig kita pwede ba? Antayin mo naman sana na makaalis ako bagoka magparinig." Inis na sabi ni ms. Feliz.

Bago pa man sila mag away inawat ko na agad. Pumagitna lamang ako dahil parehas lang naman silang matampuhin. Napasapo nalang ako sa aking noo dahil mas lalagnatin ako sa mga ito.

"Awat na kayo......" Bulaslas ko. Tumigil naman sila sa kaduduro sa isa't isa. Buti at naawat ko agad. Iniabot na sakin ni ms. Avee ang sinabawang bola-bola na may suntanghon at may gulay na upo. Natuwa naman ako dahil isa ito sa mga paboritong ulam ko lalo na pag siya ang nagluluto. at agad naman umalis si ms. avee dahil sobrang asar na asar siya ki ms. feliz.

Di ko maiwasang matuwa sa dami ng pagkain na nasa harapan ko. aminin ko man di ako nakakain sa tamang oras dahil sa wala na kong halos oras para sa sarili. Dahil sa hanapbuhay at kailangan ko iyo'n para sa pamilya na tinataguyod ko. Di ko namalayan na naiiyak na ko dahil namimiss ko ang mga kapatid ko at simpleng buhay sa probinsya na iniwan ko.

"Hey, hija what's wrong? pasensya ka na ah wala akong panapat sa sinong matanda na yon dahil di naman ako marunong magluto." sabi ni ms. feliz .

"Naiiyak lang po ko sobra akong nagpapasalamat sa pagkain na binigay niyo. para sakin first time ko pong naranasan ang gantong bagay ansaya pala ng gan'to" naiiyak na sabi ko.

"kain ka mg mabuti hija. Paano mo sila masusuportahan kung nanghihina ka. mas titibayan pa ah! okay ba yon?" punong dedikasyon niyang sabi sakin upang lumakas ang loob ko.

"Lagi ko pong tatandaan yan. promise po."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status