Share

Her Dreams
Her Dreams
Author: Faded Name

Prologue

"What do you want for your birthday, Abie?" mom asked smiling. Dahan-dahan akong tumayo bago lumapit sa kaniya sa sala.

"Kailangan pa ba 'yan, mom? Is being healthy and blessed with happy family not okay?" pabiro kong sagot sa kaniya. I saw how instead na mapangiti ay naging seryuso ang mukha niya.

"Of course, you must experience what other debutants experienced during their debut. Minsan lang ito, dapat ma-experience mo na," she replied. Nakita ko kung paanong pilit siyang ngumiti sa akin. Dahan-dahan niya akong niyakap bago bumulong sa taenga ko. "If your dad will only be  here, for sure mararanasan mo ang dapat na naranasan ko noon."

Bahagya akong kumalas sa pagkakayap niya, bago siya tiningnan. "Mom naman, ayos lang, hindi ko kailangan ng bonggang birthday, or whatever others have experienced. I'm fine that I'm with you and Ally."

"No." Tuluyan na siyang bumitaw sa pagkakayap sa 'kin at hinawakan nalang ang kamay ko. "Una palang, Abie, pinangarap ko nang iparanas sa inyo ang marangyang buhay, that's why I married your dad. Ayukong ang hindi ko naranasan noon ay hindi niyo rin maranasan ngayon. Ayuko, so please don't get mad of me if magpupumilit ako."

Matapos magsalita ay agad niya akong niyakap, dahilan para matulala nalang ako at hindi makasagot sa kaniya.

"Even how hard it is, Abie, para sa inyong dalawa ni Ally, pipilitin ko. Ayukong maranasan niyo ang naranasan ko noon, gaya ng lagi kong sinasabi. I'll do my best for you," she whispered, at kahit nabigla ako, hindi ko na rin nagawang magmaktol pa. I understand where she's coming from, specially na mag-isa nalang siyang nagtataguyod sa 'ming dalawa ni Ally.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status