Share

First Shade of Freedom: Blind Ashes
First Shade of Freedom: Blind Ashes
Author: vivaciouswitch

Blind Ashes: Prologue

MAGANDA ang gising ko ngayon dahil maski sa panaginip ay kasama ko pa rin siya. May ngiti pa rin sa mga labi ko pagmulat ko ng mata. Finally, akin na siya. Malaya ko na siyang mamahalin nang hindi kinakailangan na magtago pa.

Matagal ko na siyang pinapangarap na makuha. Matagal ko na siyang pinagdadasal na mapasa'kin siya. Siguro, hindi ko na mabilang ang mga pagkakataong nasaktan ako para lang makamit siya.

I can't even imagined na magtitino na ako, na siya ang makapagpatuwid sa baluktot kung mundo.

Isang mundong nababalot nang puro kasinungalingan. Isang pagkataong nag-aasam nang tunay na pagmamahal. Isang masalimuot na kahapon at isang matagumpay na ngayon.

Naramdaman ko na  siyang gumalaw, nagpapahiwatig na gising na rin siya. Kaya excited akong tumagilid nang higa para ang kariktan ko naman ang una niyang masisilayan.

Kaso, nagtataka ako dahil nahihirapan akong kumilos. Parehong nakatali ang magkabilaang kamay ko. Nakaangat ito na nakatali sa ulunan ng higaan. Imbes na makaramdam ako ng  galit ay mas nangibabaw ang naramdaman kung excitement dahil sa iisiping gusto niya ng kakaibang laro sa ibabaw ng kama.

Kaya hindi nalang ako nagreklamo, bagkus, naghintay lang ako na magkusa siya. Ito na ata ang pinakamasayang araw ko. Excited akong naghintay.

Naramdaman ko ulit ang paggalaw niya kaya hindi na ako makapaghintay, at nakangiti kung ginalaw ang ulo ko para lingunin siya.

Pero, nanlaki ang mga mata ko ng ang bumungad sa akin ay hindi siya, kundi ang pagmumukha ng nakangisi kung kaibigan. Napalunok ako ng wala sa oras. Nagtatanong ang mga mata ko. . Naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung papaano siya napunta rito? Kung bakit imbes na ang taong mahal ko ang nandito at katabi ko sana  ngayon sa higaan, ay ibang mukha pa  ang bumungad sa'kin.

"Kumusta mahal kung kaibigan? " Tumawa siya ng pagak pagkatapos bigkasin ang mga katagang iyon. "Nagulat ba kita?"

Tama nga siya dahil hindi ko talaga inaasahan ang presensya niya. Nalilito rin ako dahil hindi ko alam kung bakit siya nandito. Kung kanino niya nalaman na narito kami. Sa pagkakatanda ko ay ang taong mahal ko lang ang bukod tanging nakakaalam sa pinuntahan namin. Hindi kaya? Pero imposible..

"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko sa kanya. Napakunot ang noo ko. Ang lakas naman ng trip niya na bungad para sa'kin. Bumangon siya sa pagkakahiga sa higaan ko at tumawa ng mahina.

"Alam mo ba ang salitang surprisa?" Nakangising pinameywangan niya ako. Naiinis ako. Hindi nakakatawa ang pa surprisa niyang inihanda para sa akin. 'Tsaka may okasyon ba para isurprisa niya ako.

"Ito ang surprisa ko sayo, mahal kung kaibigan!" Inabot niya ang mga kamay niya sa'kin para tulungan akong bumangon pero papaano ako babangon kung nakatali ang dalawa kung mga  kamay. Nagpapatawa ba 'to?

"Ay oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan!" Hagikhik pa nito at mabilis na  binawi ang mga kamay. Dahan dahan itong  lumapit sa'kin. Umupo ito  sa gilid ng kama. At hinawi ang iilang hibla ng aking  buhok na nakaharang sa mukha ko. Tiningnan ko siya ng masama. Nginitian naman niya ako ng pagka tamis  tamis..

"Hindi mo ba ako namimiss?" Nakangiting tanong niya sa akin habang nakasandal sa ulunan ng higaan. May kumudlit sa puso ko. Pero hindi ko ito dapat maramdaman.

Pero sinagot ko rin siya ng isa pang tanong, "ako ba ang namiss mo? O siya?" Napaismid kung wika.

Tumawa lang ito ng pagak habang diretsong nakatingin sa dingding. Tagos ang paraan ng mga titig nito.

"Medyo, "at seryoso na ang mukha niyang lumingon sa'kin.

Nanatili lamang itong nakatingin sa'kin. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan nito. Hanggang sa, huminga na  ito ng sobrang lalim.

"Hindi ko lubos maisip na magagawa mo sa'kin 'to," malamlam na ang mga mata nitong nakatitig sa'kin. Hindi ako makapagsalita. Parang naumid ko ang aking dila.

"Nasasaktan ako, alam mo ba iyon?" Walang ekspresyon na anas nito sa'kin. "Dahil ang dalawang tao na  mahalaga sa'kin ang parehong nawala.

Hindi ako makapagsalita. Walang mga katagang nais kumawala sa aking lalamunan. Nanatili lamang akong tahimik. Habang hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. Ngunit, hindi na ito muling nagsalita pa.

Siguro, mahigit bente minutos na kami sa ganitong posisyon. Nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Hanggang sa, bumukas ang pintuan at iniluwa mula rito ang taong pinakamamahal ko.

Humarap ito sa kanya at nagsasalita.

"Nakahanda na ang sasakyan," halos pabulong na nitong saad, ni hindi man lang ako nito matapunan ng tingin habang naglalakad ito papalapit sa kanya. Huminto ito at maingat na hinawakan nito ang mga kamay niya, hinila para tumayo,  at inakay papalayo sa'akin.

"Amelia! May sumpaan tayo! Nangako ka sa akin!" Pagpupumiglas kung sigaw pero parang bingi lamang ito at hindi man lang ako nito narinig.

Pilit kung kumawala sa pagkatali pero hindi ko kaya, "Hindi ninyo ako p'wedeng iwanan nalang ng ganito!"

Unti-unti kung nararamdaman ang maliliit na aspiling tumutusok sa puso ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa na umalis at hindi man lang ako magawang lingunin.

Wala kayong mga puso. Pagtatangis ko. Bakit gan'on? Akala ko ay wala ng hahadlang sa pagmamahalan naming dalawa. Pero nagkamali pala ako.

---

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status