Share

Blind Ashes 3

PARA AKONG ITINULOS sa aking p'westo nang makita ko ang iba't ibang reaksyon ng hitsura ng mga tao sa loob, nang banggitin ni ate Analyn ang pangalan ko. Kasalukuyan silang kumakain ngayon at saktong sakto lang talaga ang dating ko dahil nagugutom na rin ako.

Binasag ni Geraldine ang katahimikan, " maupo ka muna, Joyce. Kumain ka na ba? Mabuti naman at nakabisita ka rito. " Siya ang panganay na anak ni papa kay tita Gretchen. Mas matanda siya ng isang taon sa akin.

"Busog pa ako, Gigi." Nahihiyang tugon ko rito. Hindi ko nga alam kong saang sulok ako titingin dahil masyadong awkward ang sitwasyon.

"Naku iha, bawal dito ang tumanggi sa pagkain."Nakangiting wika ni tita Gretchen. "Analyn, pakikuha nga ng plato para kay  Joyce at Liam. "

"Sa bahay nalang po ako kakain tita, hinatid ko lamang po siya rito kasi napilayan siya dahil kay Krixie. " Magalang na tanggi ni Liam kay tita Gretchen.

"Oh siya, pero pakisabi sa mama mo na pumunta kayo rito mamayang gabi dahil may hinanda akong kaunting salo-salo para sa birthday ni Jacob. " Magalang naman itong tumango bilang tugon.

"Sus! imposibleng mawawala 'yan si Liam mamaya. Siya pa nga unang nakakaalam na darating sina JennyLyn ngayon eh!" Pang-aasar ni Gigi sa  namumulang si Liam.

Nakaramdam ako ng kunting pagkirot sa aking dibdib. Sayang taken na pala siya. Pero mabilis ko namang sinaway ang aking sarili dahil ang pinunta ko rito ay si papa at Amelia. Kaya hindi dapat ako manghinayang sa taong ngayon ko lang nakilala.

"Gigi tama na iyan, nasa harapan ka ng pagkain!" Saway ni tita Gretchen kay Geraldine..

"Si mommy talaga napaka-killjoy, " at ngumisi-ngisi pa ito habang nakayuko.

Pinandilatan lang siya ng mata ni tita Gretchen, "Jacob, pagsabihan mo nga 'yang anak mo! " At nagpakampi pa ito kay papa.

Pero imbes na kampihan ni papa si tita Gretchen ay mas sinaway pa ito ng huli, "Hayaan mo na ang mga bata. Normal lang naman sa mga kabataan ang ganyan ngayon."

Pasimpleng umirap si tita Gretchen, "kaya ang titigas ng ulo ng mga anak mo dahil sa paniniwala mong gan'yan."

Nagpatuloy pa ito sa kakatalak na agad namang inalo ito ni papa at nawala na ang galit ni tita Gretchen. Tahimik lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan silang masayang nagsalo-salo. Malayong-malayo sa naging estado nila mama dati. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni papa habang kinakausap si tita. Never ko pa itong nakita noon na ganito kasaya si papa, ngayon lamang.

Siguro, may rason talaga ang mga bagay kaya hindi nagwork out ang relasyon nila mama at papa noon.

Sabagay, thirteen years old na ako n'ong malaman ko ang buong katotohanan tungkol sa kanila papa at tita Gretchen. Naalala ko na ikinuwento ni mama sa akin isang beses na magbestfriend silang tatlo ni mama. First love ni papa si tita Gretchen pero dahil hindi ito gusto ni Lolo kaya hindi binigyang basbas ang relasyon nila. At sa kasamaang palad ipinagkasundo ni Lolo si papa kay mama.

"Joyce anak, may masakit ba sayo?" Nagulat na lang ako ng biglang tinanong ako ni papa. Nahihiya naman akong umiling. 

"May problema ba? Hindi ba masarap ang pagkain?" May pagtatakang tanong ni tita sa'akin.

"Masarap po. Kaso, ang totoo ay hindi pa po talaga ako gaanong nagugutom. " Pagsisinungaling ko pero ang totoo ay gutom na gutom talaga ako. Nahihiya lang talaga ako ngayon. Nakayukong tugon ko sa kanya.

Napanganga lang ito sa sinabi ko. Tapos biglang nagsalita si Gigi.

"My, dy! Samahan ko muna si Joyce sa taas. Baka kailangan niya sigurong magpahinga. "Paalam niya sa mga magulang. Tinanguan ko naman sila at sumunod na kay Gigi.

Nahahalata niya rin siguro ang awkwardness ko sa mga magulang niya. Hindi ko rin kasi nakikitang gano'n ka sweet sina mama at daddy sa isa't isa, kaya siguro ganito ang nararamdaman ko.

"Joyce, ayos lang ba sa'yo na tatlo tayong magkatabing matutulog dito mamaya?"

First time kong magkaroon ng katabi sa pagtulog dahil may sariling kwarto naman ang kapatid kong si Vinice sa bahay..

Masaya siguro 'yong may kasama ka sa iisang silid kaya mabilis akong tumango.

"Walang problema."

"Mabuti naman. Mamaya, darating na sina JennyLyn. Ay oo nga pala--" tumigil muna ito sa pagsasalita. "Saka na nga lang. Ipakilala kita kay JennyLyn dahil siya 'yong isa pang kasama nating matutulog dito. "

Hindi ko alam kung ano pa ang gusto niyang sabihin sa'kin dahil hindi na niya ito itinuloy. Pagkatapos ng kunting daldalan namin ay iniwanan muna niya ako para makapagpahinga.

Hanggang ngayon ay makirot pa rin ang pilay ko. Kahit na sabihing nakapaglakad na ako ng matuwid.

Kinahapunan,

Nagising ako nang marinig ko ang ingay na nagmula sa labas ng bahay. Kaya nagmamadali akong bumangon at sumilip sa may bintana. Nakita ko na may mga bagong dating. Katulad ko ay may dala-dala rin silang mga maleta.

Naagaw ang pansin ko sa isang dalagita na nakatayo sa gilid ng grotto, katabi nito sina Gigi at ang gwapong si Liam. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng masilayan ko ulit ang hitsura niya. At mas lalong lumakas ang kabog nito nang mapansin nitong nakatingin ako sa kanya. Tumingala ito sa akin. At hindi ko napaghandaan iyon. Naalarma bigla ang puso ko. 'Kalma, Vey, kumalma ka! Hindi iyan si Amelia!' Muling saway ko sa aking sarili.

Kinalabit nito si Gigi at patingalang kumaway rin ito sa akin. Nahihiyang binalikan ko rin ng  kaway ang mga ito. Sinensyasan ako ng mga ito  para  bumaba at puntahan sila. Bilang pagtugon sa pag-anyaya nito sa akin ay matipid akong ngumiti. 

Kaya nagmamadali akong pumasok ng banyo upang  maghilamos. Ewan ko ba, parang na-eexcite akong makita si Liam. 'Ano ba 'tong iniisip ko. Dapat kay Amelia lamang ako makaramdam ng ganito, hindi sa kung sino.'

Nagmamadali akong magbihis dahil gusto ko rin itanong kay Gigi kung nasaan na si Amelia ngayon at kung bakit hindi ko na siya nakita simula kanina. Gusto ko sanang itanong kay ate Analyn kanina kaso masyado itong abala para sa handaan ngayon.

Pagkababa ko ng hagdanan ay bumungad sa akin ang nakangiting stepbrother ko na si Jared. "Ate, sama ako!"

Nginitian ko rin ito pabalik, "h'wag muna karga, ha. " Sabay hawak ko sa cute niyang mga kamay. Masunuring naman itong tumango.

Pagkalabas namin ni Jared ay mabilis kong hinagilap ang kinaroroonan  nina Liam. Nakita kung nakaupo sila sa isa sa mga lamesang nakahanda para sa pagdausan ng birthday ni papa. Medyo marami rami na rin ang tao sa garden. At tiyak na mas marami pa ang darating mamaya.

Papunta na sana kami ni Jared sa mesa nila Gigi nang sinalubong ako ni Janine.

"Ate, halika rito. Ipakilala kita sa mga friends ko. " Hindi na ako nakatanggi ng inangkla na nito ang mga kamay sa braso ko.

Hindi naman nagtagal ang pakikipagkwentuhan ko sa mga kaibigan ni Janine at nagpaalam na rin akong pumunta sa pwesto nila Gigi.

Sumasakit na rin ang panga ko kakangiti sa mga bisita ni papa. Halos karamihan sa kanila ay hindi ko kilala.

Hindi pa nga ako nakalapit sa pwesto nila Gigi ay sumigaw na ang half brother kong si Jared ng makita ang babaeng nakaupo sa tabi ng gwapong si Liam. Nakaramdam ako ng kunting pagkirot sa aking dibdib ng makita ko kung gaano ito ka clingy kay Liam. Sa mga kilos nito ay mahahalata mo na talagang may something sa kanila.

"Ate Jenny! Ate Jenny!"

Lumingon agad ito ng marinig ang tawag ni Jared at ngumiti ng pagkatamis tamis habang inilahad nito ang dalawang braso para salubungin ng yakap ang half brother ko.

Halatang close na ang mga ito. Sabik na sabik kasi ang little brother ko sa babaeng ito.

Hindi ko maipagkakaila na maganda ang babaeng nagngangalang JennyLyn. May balingkinitan itong pangangatawan, matangkad lamang sa'kin ito ng isang pulgada. Sa tingin ko, nasa limang talampakan at apat na pulgada ito. Singkit ang mga mata, makapal na makipot na mga labi, maliit pero matangos na ilong at lampas balikat na tuwid at maitim na buhok.

"Joyce, ito nga pala si JennyLyn. " Agaw salita ni Gigi kaya naputol ang pagkilatis ko sa babaeng pinapakilala, "at JennyLyn, si Joyce ang step sister ko. "

Nahihiya kong kinayawan si JennyLyn.

"Finally, nagkita na rin tayo!" Masiglang wika nito at ikinapagtataka ko. Base sa tono ng pananalita nito ay parang matagal na ako nitong kilala. Mukhang nabasa naman niya agad ang iniisip ko.

"Ito kasing si Liam lagi kang binabanggit sa'kin.  Gusto ko na nga sanang magselos eh, kundi lang sinabi ni Gigi sa akin na magkababata pala kayo."

Naguluhan ako sa mga sinasabi ni JennyLyn ngayon kaya napatingin ako sa gawi ni Liam. Nanatili lang itong tahimik pero may sumilay na mga ngiti sa mga labi nito.

"Teka, ano ulit 'yong sinasabi mo? Kami ni Liam, magkababata?" Gulat na tanong ko rito.

"Oo, bakit? Hindi mo ba siya kilala?"

Nakarehistro sa pagmumukha ni JennyLyn ang labis na pagtataka.

"Ay muntik ko na palang makalimutan sis!" Palatak ni Gigi. Humingi ito ng despensa dahil nakalimutan nitongh sabihin sa akin ang isang napakaimportanteng impormasyon.

"Ang batang lagi nating kalaro dati na si Amelia ay isang Liam na ngayon!" Nakangising pagpapaliwanag ni Gigi sa'kin. "At ang pinsan kong si JennyLyn ay ang girlfriend niya!"

'Hindi ito maari! Ang Amelia ko at ang gwapong si Liam ay iisa? Kaya pala pamilyar siya sa akin. Kaya pala pamilyar sa akin ang pakiramdam. Pero bakit hindi kaagad siya nagpakilala? Eh 'di sana kanina ko pa nasabi sa kan'ya ang lahat.  At ang mas hindi ko matanggap tanggap ay ang pagkabigo ko sa kanya dahil may JennyLyn na pala siya. May iba na siyang gusto.'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status