Share

Blind Ashes 2

'Arf!'

Nagising ang diwa ko sa pagkahol ng tuta. Oo nga pala. Hindi ko maintindihan kong bakit bigla na lamang akong nawala sa aking sarili.

"Ayos ka lang ba, miss?" Ang boses niya ay parang sumasayaw sa aking pandinig. Ano bang nangyayari sa'kin? Mukhang naengkanto pa ata ako. Jusko, kaya ba may pag-aalala sa mukha ni kuyang guard kanina dahil may kakaiba sa lugar na ito. 'Oh no!'

Pero mas hindi ko napaghandaan ang susunod na nangyari.

Napahiyaw na lamang ako sa sakit nang mapangahas na hinawakan ng gwapong estranghero ang paa ko. Parang nagising ako sa pagkatulog. Naalala ko, na natapilok pala ako kanina dahil sa pasaway nitong tuta.

"Kasalanan ng tuta mo kung bakit hindi ako makatayo ngayon. Bigla kasi siyang sumulpot sa dinadaanan ko kanina. " May himig paninisi ko sa cute na tuta na patuloy pa ring kumakawag ang buntot sa harapan ko.

"Pasensya na po, bago ka lang ba rito? Ngayon pa lang kita nakita. " Paglalahad nito ng kamay sa harapan ko. Hindi na ako nag-atubiling hawakan ito dahil kailangan kong makarating agad sa bahay namin-- sa bahay ng bagong pamilya ni papa.

"Inimbita kasi ako sa isang birthday party," pagsisinungaling ko ngunit napangiwi ako dahil sa sakit na nararamdaman habang nakakapit ako sa braso ng gwapong samaritan para makatayo. Mukhang magalang naman ang isang 'to kaya kampante lang ako sa ginagawa ko.

"Saan kita ihahatid?" Tanong nito habang nanatiling nakatitig ang mga mata nito sa daan. Napakaamo ng hitsura nito at ang lambot ng balat nito. Matangkad lang ata ito sa'kin ng tatlong pulgada. Naka clean cut na gupit. At nanunuot pa sa kasaluksulukan ng ilong ko ang pabango nito.

"Kaninong bahay kita ihahatid, miss?" Nagtatakang nakatitig ito sakin.

Ano bang meron sa taong ito at lagi na lamang akong napatulala.

"Ah, eh. Sa bahay ni Jacob Gallego mo  ako hinatid, please. " Pagkatapos kong sabihin ay hindi na ulit ito nagsalita pa. Parang nahiya rin akong magbukas ng panibagong  paksa dahil kanina pa niya ako nahuhuling nakatitig sa kan'ya. Ewan ko ba. Nagmukha pa tuloy akong katawa-tawa sa harap ng taong ito.

'Arf!'

Nagising ulit ang diwa ko ng kumahol na naman ang cute na tuta. Tumigil kami sa kulay dilaw na gate at dalawang palapag na lumang bahay.

"Nandito na po tayo, " aniya habang maingat na pinindot nito ang  doorbell.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon habang nag-aantay na may magbukas ng gate. Kahit na sabihing hindi naging maganda ang huling pagkikita namin ni papa pero hindi pa rin ma-i-aalis sa akin na papa ko pa rin siya, na may mga magandang ala-ala pa rin naman kaming nabuo at mahirap kalimutan iyon.

Ngayon ang ika- 54 na birthday niya at 16 years old na rin ako noong nakaraang linggo. Magkasunod lamang kami ng birthday. Ito ang birthday wish ko kay mama na sapilitan pa ang pagpayag. Mabuti nalang at binack-upan ako ng step father ko.

Naputol ulit ang pagmuni-muni ko ng marinig ko ang pagbukas ng gate. Sumilip mula rito ang isang chubby na batang lalaki. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa'kin pero nang mapagawi ang mga tingin nito sa kasama ko ay biglang lumiwanag ang expression ng pagmumukha nito.

"Kute Liam!" Binuksan nito ng malaki ang gate at tumakbong yumakap sa gwapong samaritan na nagngangalang Liam.

"Nasaan ang daddy mo? Pakisabi na may naghahanap sa kanya dito sa labas. " Aniya ni Liam sa cute na bata.

"Sino po sila? Bakit niyo po hinahanap si daddy?" Agaw salita ng dalagitang babae na biglang na lamang na  sumulpot. Sa hinuha ko ay mas matanda lang ito ng isang taon sa kapatid kong si Vinice. At hindi maipagkakailang anak din siya ni papa, na kapatid ko rin siya.

Imbes na sagutin ko ang tanong niya sa'kin ay sinagot ko rin siya ng isang tanong, " nand'yan ba s'ya ngayon? Inimbita niya kasi ako na pumunta ngayon. " Pagsisinungaling ko. Dahil hindi naman alam ni papa na uuwi ako ngayon.

Tinanguan lamang ako nito pagkatapos ay gumilid ito para bigyan ako ng espasyo para pumasok. "Pasok po kayo."

Akmang papasok na ako ng harangan ako ng batang lalaki. Pagkatapos, hinihila niya ang laylayan ng suot kong damit, " ate karga!" Sabay lahad ng dalawang braso nito habang nakatingala sa'kin. Medyo alanganin pa akong tumingin kay Liam. Baka matumba kami pareho kapag binuhat ko siya dahil napilayan ako kanina.

"Jared, h'wag kang pasaway. Nakakahiya sa bisita. " Saway ng dalagita sa batang lalaki.

"Ayaw! Gusto ko karga, " at humarap ulit ito sa'kin.

"I-piggy ride nalang kita, ha,  dahil si ate mo ay may pilay. " Pang-aalo ni Liam sa batang si Jared. Talaga namang may pilay ako.

Parang napilitan pa itong sumampa sa likuran ni Liam. At pumasok na kami. Nangunguna sa pagpasok ang tutang si Krixie..

Pinagmasdan ko ang dati naming bahay. Sobrang luma na nito dahil minana pa ni papa ito kay lolo. May mga bermuda grass pa rin sa garden kong saan kami naglalaro ng kababata kong si Amelia. Kumusta na kaya siya ngayon.

"Daddy, may bisita po kayo! " Tumatakbong pasigaw ng dalagita papasok sa loob ng dati kong bahay.

Bigla akong nakaramdam ng kaba, hindi ko kasi inaasahan na mangilan ngilan ang tao ngayon. Pinagtitinginan pa ako ng mga naghahanda sa garden. Dati hindi mahilig si papa sa selebrasyon kaso dati pa 'yon. Mukhang kasamang binago ng panahon ang anti socialite kong ama.

"Bakit ang aga naman nilang dumating? "Malakas na wika ng isang babae. May inaasahan pa pala silang ibang bisitang darating.

"Bata pa nga po, eh. Tsaka maganda po ang naghahanap kay daddy. Siguro mga kaedaran lang ni ate Jenny Lyn 'yon!" Matabil na pahayag ng dalagitang nakausap ko kanina.

"Aba, may hindi ka ba sinasabi sa'kin, Jacob?" Mas malakas na salita ng asawa ni papa. Base sa reaksyon ng boses nito at reaksyon ay malamang siya ang bagong asawa ni papa.

"'tsaka may bitbit po siyang maleta, my!" Dagdag na wika ng dalagita na humarap sa'kin kanina.

"Analyn! Silipin mo nga kung sino 'yong bisita na sinasabi nitong si Janine!"

"Sige po,"

Kabado na ako habang naghihintay rito sa labas. Napasubo pa ata ako. Gusto ko lang naman makita si papa.

Mula sa awang na pintuan ay lumabas ang isang babae na pamilyar na pamilyar sa'kin. Medyo nagmatured lang ito ng kunti. Pero hanggang ngayon ay simple pa rin ito, katulad pa rin ng dati.

Napakuno't pa ang noo nito habang tinititigan ako nito mula ulo hanggang paa. Sobrang na-excite ako sa muli naming pagkikita kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti. Base sa reaksyon nito ay hindi na ata ako nito natatandaan. Siyam na taong gulang pa lang naman ako noong huli kaming magkita.

"Ate Analyn!" Patakbo ko itong niyakap. Nakarehistro pa rin sa hitsura nito ang pagkalito, " sobrang namiss po kita! Kayong dalawa ni papa!"

Lahat nang naghahanda kanina ay napalingon sa p'westo namin.

Dahan dahan akong hinawakan ni ate Analyn sa balikat at hinarap sa akin. Gulat naman ang nakikita ko sa hitsura niya.

"Joyce?" Hindi mapakapaniwalang bulalas ni ate Analyn. Mangiyak ngiyak naman akong tumango para bigyan ng kompirmasyon ang tanong nito..

"Halos hindi na kita makilala! Ang laki ng pinagbago mo! " Malapad itong ngumiti sa akin. Makikita sa mga mata na puno ito nang kasabikan. 

"Halika, pasok ka!" Akay nito sa'kin papasok.

Kunti lang ang binago sa labas pero sa loob ng dating bahay namin ay malaki na ang pagbabago.

"Pa, si Joyce pala ang dumating!" Masiglang balita nito kay papa.

Biglang tumahimik ang mga taong nagsasalita sa loob ng bahay. At seryosong ibinaling  sa akin ang mga tingin nila, hindi naman ako halos mapakali sa pagkakatayo sa harapan nila.

It's nice to be back! Nakita ko ulit ang lalaking unang minahal ni mama at ang babaeng naging dahilan kaya sila nagkahiwalay ni mama--si tita Gretchen.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status