Share

Blind Ashes 4

"Ayos ka lang ba, Joyce?" Untag sa akin ni Gigi.

"O-okay lang ako," medyo nauutal kong wika sa kaniya.

Hindi ko alam kung ilang minuto  na akong nakatulala. Talagang hindi ako makapaniwala. Nang mapagawi ang mga mata ko kay Liam ay parang wala lang  ito sa kanya ang nangyari. Deserve ko ang paliwanag niya pero wala man lang siyang ginawa, ni hindi man lang siya humingi nangg paumanhin sa akin. 'Na like, hello? Bestfriend here.  Kaso wala. Kailangan ko pa ba na manghula? '   Karapatan ko iyon bilang kababata niya. 

Kailangan ko siyang makausap ng sarilinan, because I really deserve an explanation from her. Kung hindi nabanggit nitong isa, hindi ko pa malalaman. 

"Nasabi na ba sayo ni Liam na ikaw ang ultimate crush niya?" Nakangiting humarap si JennyLyn sa akin.

'Wait, What? Tama ba ang narinig ko? '

"Ha?" Gulat na tumingin ako sa kan'ya. 'Sandali lang naman. Ang dami namang pasabog nito. Hindi ako prepared.'

"Seryoso ka ba na ako? Crush ni Liam?" 

Muli kong tanong sa kan'ya.  Labas pa sa ilong na wika ko. Kanina pa ako hindi komportable rito pero nahihiya rin naman akong umalis baka masamain pa ni JennyLyn.

"Ay!" Natutop ni JennyLyn ang bibig niya. Habang napakamot naman ng ulo si Liam. Tawang tawa naman si Gigi habang pinapakinggan ang mga kwento ni JennyLyn.

Hindi ko maiwasang ikompara ang sarili ko sa kan'ya. Masyadong finesse ito kung kumilos samantalang ako ay magaslaw. Dito lang naman ako walang imik dahil wala ako sa teritoryo ko. Maputla ang pagkaputi nito kompara sa akin na morena. Tuwid na tuwid ang maitim na buhok nito habang sa akin naman ay kulay chestnut naman ang kulot kong buhok. Sobrang layo ng personal na katangian namin.

"Sorry babe!" Yakap agad nito kay Liam. Bigla akong nakaramdam ng pagkairita. 'PDA naman ng mga 'to!'

"Hayaan mo na. Matagal na rin naman 'yon, eh. " Pangisi- ngising katwiran ni Liam.

Nababagot ako sa sitwasyon ko ngayon. Nakikita ko kasi  kay JennyLyn ang bestfriend ko na si Sheena. Parehong nakakarindi ang paraan nang pagkukwento nila tungkol sa lovelife. Pero mukhang mas malaki ang lamang ng bestfriend ko kay JennyLyn. Well, dahil bestfriend ko iyon. Ngayon ko lang naman nameet itong si JennyLyn.

"Talaga bang ayos ka lang, Joyce?" Puna ulit sa'kin ni Gigi. Mukha nababasa ata nito na hindi ako komportable sa dalawa.

"Oo naman!" Masiglang tugon ko pa rito pero ang totoo ay kung saan saan na lumilipad ang isipan ko.

Tumango tango naman ito bilang pagsang-ayon.. Hindi na ako nito kinulit pa.  Ang iisipin ko ay kung papaano ako makaalis sa harapan ng dalawang 'to. Pakiramdam ko ngayon ay ang sikip sikip ng paligid. 

"Punta lang ako saglit sa banyo, ah."

 Sa wakas ay nakahanap  na ako ng dahilan para makahinga sa dalawang babaeng 'to.

"Pakisundo na rin si Liam, sis!" Pakiusap ni JennyLyn sa akin. Ngayon ko lang din napansin na wala na pala ito. 'May sa maligno ata itong si Amelia ko. Basta -basta nalang naglalaho.'

"Sure," matipid kong sagot.

Pagkatapos kong magpaalam sa kanilang dalawa ay nakahinga rin ako. Ewan ko ba pero ang awkward kasi ng pakiramdam ko kanina. Feeling close pa masyado itong  si JennyLyn sa akin. Kung tutuusin ay ngayon ko lang naman siya nakilala. At hindi ko feel ang awra niya. Parang peke ang pinapakita niya sa'min. Kaya rin siguro lalo akong hindi mapakali. 

Eksaktong papasok na sana ako ng palikuran ay may nakabangga akong tao. Sa lakas ng impact animo'y matatanggal na ata ang balikat ko.

"Aray ko!"

Napahiyaw ako sa sobrang gulat at sakit habang hinahagod ang balikat ko. Nakayuko lang kasi ang gagong bumangga sa'kin habang pinupulot ang nakakalat na dala sa sahig.

"Sorry, miss! " Hingi nito ng paumanhin habang nakayuko pa rin.

"Mag-ingat ka naman! At pwede ba,  tumingin ka naman sa dinadaanan mo! " Hagod ko pa rin sa kumirot kong balikat. Napakamalas ko naman ng araw na 'to. Kanina napilayan ang paa ko ngayon naman ang balikat ko. Natakot ako sa iisipin na baka pag-uwi ko sa bahay ay naka- crutches na ako. Hindi maari iyon! 

"Pasensya na talaga. Hindi ko sinasadya!" Hingi ulit nito nang paumanhin sa akin. Nabigla  pa ako nang humarap  na ito sa'kin dahil si Amelia na naman ang nakita ko.

"Nanadya ka ba? " Ano, lagi nalang nagkataon na siya ang dahilan kaya napilayan ako. Parang balak pa ata nito akong balian ng katawan.  Nakakaramdam ako ng sobrang inis. Halos hindi na maipinta ang hitsura ko sa sobrang inis pero nakuha pa ako nitong tawanan lang.

"Look! Hindi ko talaga sinasadya. Bigla bigla ka na lang kasing sumulpot sa harapan ko. "

"Wow, so kasalanan ko na bumangga ako sayo? Gan'on ba 'yon?" Nagsimula akong makaramdam ng matinding pagkainis. Hindi ko rin mapigilan ang pagtaasan ito ng boses.

"Hindi naman sa gan'on, " biglang bawi nito sa malumanay na boses.

"Oh, ano lang? " Nakataas na ang kilay ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman. 'Sinusubukan ata ako ng babaeng 'to!'

"Pasensya na talaga, Joyce. Tumawag kasi si JennyLyn kaya hindi ko rin napansin na makakasalubong kita." Paulit ulit na paghingi nito ng paumanhin.

"Idadahilan mo pa 'yang girlfriend mo!" Inis na irap ko sa kan'ya.

Pero nakangiting tumingin lang ito sa akin. Kaya mas naiinis pa ako lalo sa inasta nito. 'Naku, Amelia! Hindi mo ako madadaan sa gan'yan!'

"May nakakatawa ba, Amelia?" Nagpang-abot na ang dalawang kilay ko sa sobrang inis na naramdaman.

"Wala naman. Hanggang ngayon kasi ay wala ka pa ring pinagbago." Umiiling pa ring wika nito na hindi pa rin inaalis ang mga ngiti sa mga labi. 

"Hindi ko naman kailangang magbago, Amelia!" May diing wika ko sa kanya. "Ikaw lang naman ang nagbago sa ating dalawa!"

Pagkawika ko ay tinalikuran ko kaagad ito at dumiretsong pumasok sa bakanteng cubicle. Pabagsak kong isinara ang pinto, sumandal ako sa dingding  at paimpit na umiyak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko ay sobrang sama ng loob ko.

Akala ko kasi, na pagbalik ko rito ay masosolo ko na si papa. Pero hindi ko inakala na ang Gigi na kalaro ko dati ay stepsister ko pala. Ako lang pala ang laging huli sa balita samantalang sila ay matagal na nilang alam. Tapos si Amelia, sobrang naiinis ako sa kanya. Bakit hindi niya ako hinintay? Bakit ang bilis niyang makalimot? Balewala lang ba sa kan'ya ang pinag-usapan namin dati? Halos maubos na ata ang luha ko ngayon sa kakaiyak dahil sa sobrang inis na nararamdaman.

Pero pagkatapos kong punasan ang huling patak ng luha ko ngayon ay matamlay kong binuksan ang pintuan. Dumiretso ako sa harap ng salamin at naghugas ng kamay sa lababo.

Napatingin ako sa harap ng salamin. Napatitig ako sa sarili kong repleksyon. Hindi naman ako panget. Kung tutuusin ay mas maganda pa ako sa JennyLyn na 'yon!

"Nakakainis ka, Amelia! Naiinis ako sayo dahil hindi mo ako hinintay!"

Wala sa sariling naihampas ko ang kamay ko sa lababo at napaigik sa sakit. Kapag minamalas ka nga naman. Masakit na nga ang buo kong katawan pati ba naman ang puso ko.

"Ehem."

Napalingon agad ako sa direksyon ng taong tumikhim. Medyo nagulat pa ako  ng makita ko na nakasandal si Amelia sa bukana ng pintuan nitong comfort room. Akala ko ay nakaalis na ito pero hanggang ngayon ay nandito pa rin pala siya.

Nagpakawala muna ito ng malalim na bumuntunghininga  bago ito  lumapit sa akin.

"Alam mo bang hinintay kita noon? Pero malamang ay hindi. "

Malungkot ang mga mata nitong nakatitig sa repleksyon ko sa salamin habang nagsasalita.

"Lagi kong tinanong si Tiya noon kung kailan ka babalik pero ang laging sagot nito sa akin ay kibit balikat lamang. " Lumunok muna ito ng laway bago nagpatuloy sa pagkukwento.

"Nangako ako sa sarili ko noon na paglaki ko ay susundan kita. Hahanapin kita. Liligawan. Kasi naniniwala ako noon na totoo ang pangakong binitawan mo sa'kin. Na babalikan mo ako. " Nilingon muna ako nito bago ulit magsalita.

"Kaso, biglang dumating sa buhay ko si JennyLyn. Siya ang naging sandalan ko nang mga panahon na namimiss kita. Siya ang laging nand'yan sa tabi ko tuwing kailangan ko ng karamay . Siya ang nakakasama ko magcelebrate sa mga masasayang nangyari sa aking buhay. "

Parang bumigat pa lalo ang pakiramdam ko. Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mga mata. Pero pilit kong pinipigilan ang likidong nais na kumawala mula dito.

"Noon pa kita gusto, Joyce. Kaso, nag-aalangan ako na baka hindi tayo parehas ng nararamdaman." Puno ng pait ang boses nito. Nnagungusap din ang mga mata nitong nakatingin sa mga mata ko sa repleksyon sa salamin. 

Dahil sa narinig ay hindi ko na talaga napigilan ang pagpatak ng mainit na likido sa aking pisngi. Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

"Kaya, ibinaling ko ang atensyon ko kay JennyLyn-- " 

Kaagad kong tinakpan ng hintuturo ko ang mga labi ni Amelia.

"Nangako ako sayo 'diba? Bakit hindi mo pinanghawakan ang pangakong iyon?" Nagtatanong ang mga mata kong nakatitig sa malungkot niyang mukha.

"Ang tagal mo kayang hindi nagparamdam. Six years mahigit akong nag-antay sayo, Joyce!" Puno ng pait ang boses nito.

"Pero, pitong taong kitang ginusto, Amelia! Pitong taon kong pinaghahandaan ang muling pagkikita natin! " Mariing wika ko sa kan'ya sa  garagal na  boses ko habang nagsasalita.

"Sana naman nag-antay ka pa! Sana naman hinintay mo ako!"

Dahil sa huling sinabi ko ay  bigla nalang  niya akong kinabig at hindi ko na napigilang humahagulhol sa dibdib niya.

"Tahan na, Joyce. Hindi na natin p'wedeng baguhin ang anong meron ngayon.  Ang kailangan nalang  nating gawin ay ang pareho nating tanggapin ang kapalaran natin ngayon."

Pampakalmang hagod niya sa likuran ko.

"Paano naman ako? Paano tayo?" Alam kong malabo ang mga katanungan ko pero nagbakasakali pa rin ako na baka magbago ang isip niya.

Dahan-dahan ako nitong inilayo at laylay ang mga balikat na napayuko habang binibigkas ang mga katagang nagpabagsak sa mundo ko.

"Wala ng magiging tayo, Joyce. Nangako na ako kay JennyLyn na siya na ang mamahalin ko habang buhay. At pinanghahawakan ko ang pangakong iyon."

At tuluyan na akong  tinalikuran  nito. Para akong binuhusan nang malamig na tubig habang hinahabol ko ng tingin ito palabas ng comfort room.

"Magiging akin ka rin, Amelia! Sa susunod na magkukrus ang mga landas natin. Sisiguraduhin ko na  sa akin ka pa rin babagsak! Aagawin kita sa magiging partner mo sa hinaharap!" Kuyom ang mga palad ko habang nagtatangis ang bagang.

vivaciouswitch

This is a girl to girl story. I hope you'll like it.

| 1

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status