Share

Blind Ashes 6

4 years after..

Mataman kung tinititigan ang repleksyon ko sa harap ng salamin. At naninilay ang magandang ngiti sa aking mga labi. Simple lang ang suot ko na low rise faded jeans, graphic tee, at comfy sneakers.

Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin ay nakarinig ako ng malakas na pagkatok mula sa labas ng pintuan ng aking silid. Pero inignora ko lamang ito at maingat na naglagay ng light make-up sa aking mukha.

"Perfect!"

Nakangiting tumingin ulit ako sa harap ng salamin pagkatapos kung magpahid ng peach liptint sa aking mga labi.

" Ate Vera! Hindi ka pa rin ba tapos?" Base na lamang sa paraan nang pagkatok nito sa pinto ay naiinis na ito. Tinawanan ko lamang ito.

"Palabas na nga," maiksing sagot ko sa kan'ya. Dinampot ko ang aking satchel bag at sinuot, saka ako nagpaikot-ikot ulit sa harap ng salamin bago lumabas ng aking silid.

Bumungad sa akin ang nakasimangot na hitsura ng kapatid kong babae na si Vinice. Sasama kasi siya sa'kin ngayon dahil nag-aaya ang bestfri
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status