Share

Blind Ashes 12

SINALUBONG agad ako ni Gigi matapos naming mag-usap sa mobile phone. Pagkarating namin ay bumungad sa akin ang tahimik ng buong kabahayan. Napasulyap agad ako sa de-pulsong relo ko, mag-alas 9 pa pala ng umaga. Sobrang liwanag na kasi sa labas, akala ko tuloy ay magtatanghali na.

"Mag-almusal muna tayo ng kape at pandesal sis, habang nasa palengke pa si ate Analyn." Anyaya ni Gigi sa akin na agad ko namang pinaunlakan.

"Kumusta kayo rito, sis?" Basag ko sa panandaliang katahimikan.

"Mabuti naman, sis. Ikaw, kumusta ka na?"

Pino ko siyang nginitian bago sagutin ang tanong niya, " okay lang ako, mabuti naman kahit papaano."

"Ang tagal mong bumalik dito. Sinubukan kitang hanapin sa social media pero hindi ko mahanap ang pangalan mo. Kinukulit kasi ako ni mommy na kamustahin ka kaso hindi kita mahanap."

Napailing ako sa sinabi ni Gigi. Sinadya ko pa naman na hindi ipaalam sa kanila sa dahilang gusto kung putulin lahat ng koneksyon namin ni Amelia dati. Kahit na kapatid ko pa si Gigi sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status