Tiningnan ni Rousanne ang sarili sa salamin matapos maligo at magbihis. Nakangiti siya. Iyon agad ang napansin niya sa repleksyon. Sino ba naman ang hindi? She just graduated from college with a bachelor’s degree in nursing. Sa katunayan ay excited siya sa bagong journey ng buhay niya. Ang sabi sa kanya ng ama ay mahirap daw ang buhay kapag nakatuntong ka na sa labas ng eskwelahan. Bihira na lang ang second chance and consideration kaya naman hinanda niya ang sarili na harapin ang kinabukasan.
Lumabas siya ng kwarto para bumaba sa kusina nang sumalubong sa kanya si Ymir, ang kanyang kuya na hinilamos ang kamay sa mukha niya. She made a face and glared at him who just laughed.
“Mama, si kuya, oh!” sumbong ni Rousanne pababa. She twitched her lips and made way to the kitchen. “Wow! Ang sasarap naman nito,” komento ni niya nang maupo. Nandoon ang mga paborito n’yang Cordon Bleu Chicken Roll.
“Ano pa ang hinihintay niyo? Maupo ka na, Ymir. Kakain na tayo. Ito na rin ang panggabihan natin mamaya,” wika ni Beth. Alas kwatro palang ng hapon. Ngayon kasi nila ise-celebrate ang graduation ni Rousanne na natapos kahapon since sumama ang anak sa mga kaklase nito para mag-aliw.
Nagsimula silang magdasal at pagkatapos ay kumain. Hindi mawala ang ngiti ni Rousanne sa mukha habang kumakain kasama ang pamilya. Hindi naman marami ang handa nil ngunit sakto lang para sa kanilang apat.
“Cheers sa ating bunso! Congratulations! Proud na proud kami sa’yo,” nakangiting bati ni Roman sa anak. Hindi niya maiwasang maging emosyonal dahil nakapagtapos ang dalawang anak niya. His eyes became teary and he immediately blinked.
Napailing si Rousanne. Soft na soft sa kanila ang ama. Kahapon lang ay habang tumataas sila sa stage ng papa niya ay hindi nito maiwasan umiyak. “Salamat po, Papa. Kung hindi dahil sa inyo hindi po ako makakapagtapos. Hayaan niyo po at susuklian ko ang mga ginawa ninyo,” pangako ni Rousanne sa magulang at sarili.
Masayang nag-kwentuhan ang pamilya, hindi alintana ang mga lalaking nasa labas ngayon ng bahay at nakatitig lamang. Hindi alintana ang pilegrong mangyayari sa buhay nila. Napaka-creepy kung titingnan. Kadalasan itong nakikita sa mga movies na tila mga sindikato at kagaya sa telebisyon ay masamang bagay ang idudulot nito.
“Open it,” utos ng lalaki na nasa loob ng kotse habang nakababa ang bintana at may hawak na sigarilyo. Tumango naman ang lalaking inutusan nito at sumunod sa kanya ang iba pa.
Limang lalaki ang naroon lahat. Kakaiba ang mga aura nito at sumisigaw ng panganib. Their aura was something that many won’t dare to go near them. May mga kapit-bahay pang nakasilip sa mga bintana para alamin ang nangyayari. Hindi nila magawang lumabas dahil may mga armas ito at ayaw nilang madamay.
“Tapos na ba magsaya?” nakangising sambit ni Gino, isa sa mga lalaking pumasok ng bahay. May piercing ito sa tenga at prenteng umupo sa silya na kinuha nito. Dumagdag sa nakaka-intimidate na aura nito ang peklat sa may kilay papuntang noo.
Natigil ang pamilyang Cabrero sa kwentuhan at gulat na napatingin sa pinagmulan ng boses. Napatayo si Roman nang makilala ang mga ito. Gino smirked at him and his body trembled in fear. Napalunok siya dahil alam niya kung ano ang pinunta ng mga ito dito.
“Sino kayo?! Bakit kayo pumasok nang walang paalam? Trespassing ang ginagawa niyo!” singhal ni Ymar at tumayo bago pumunta sa unahan para protektahan ang kapatid at ina. He sternly narrowed his eyes on them.
“Tanungin mo ‘yang magaling n’yong ama kung bakit kami naririto.” Tumingin si Gino kay Roman na maputla ang mukha.
Sabay-sabay na bumaling ang paningin ng tatlo sa ama ng pamilya. Nagtataka at nagtatanong ang kanilang mukha. Naguguluhan sila sa gustong ipahiwatig ng mga lalaking ito.
“Pa, ano’ng ibig sabihin nila?” tawag pansin ni Rousanne nang makita na tulala ang ama at bakas ang takot sa katandaan nitong mukha. Napalunok siya at parang bumigat ang paghinga habang naghihintay ng kasagutan. Her eyes were seeking answers.
Someone sneered. “May utang ang tatay niyo sa boss namin na hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran. Sa tingin niya ba ay makakalimutan iyon ni boss? Binigyan siya ng palugit pero wala. Walang Roman ang dumating,” paliwanag ni Van, isa sa mga lalaki na may mahabang buhok at nakatali.
Napanganga na lamang si Rousanne at tumitig muli sa ama. Ymir looked at his father with confusion. Hindi nabayaran?
“Ano’ng ibig mong sabihin? Ilan ang utang ng asawa ko?” Sinubukang ngumiti ni Beth sa grupo ng mga kalalakihan, peros a loob-loob niya ay nag-aalala siya. Roman on the other hand gripped the back of the chair.
“Ilan? Ilan ang inutang ni Papa?” tanong ni Rousanne. Bakit pakiramdam niya ay napakalaki niyon?
“Ilan nga ba, Roman? Bakit hindi ka makapagsalita d’yan? Hindi mo ba inaasahan na tutubusin ka namin pagkatapos ng pag-utang mo ng napakalaki?”
“Papa, please! Sabihin niyo na po sa amin!” pagpilit ni Rousanne.
“Roman, ano ‘to? Ipaliwanag mo sa amin? Utang? Kailan?” segunda naman ni Beth na nag-aalalang tumingin sa asawa. Kahit siya ay worried na rin sa mga nangyayari. Hindi maganda ang kutob niya sa mga kalalakihang ‘to.
“Sampu…” mahinang sagot ni Roman. He looked at his family with sorry on his face.
“Sampung milyon. Sampung milyon ang inutang ng ama niyo sa boss namin na hindi nabayaran,” sagot ni Gino. Gustong-gusto niya makita ang mukha nitong bakas ang takot at pangamba. Sa tingin ba nito ay malulutasan nito ang boss nila dahil lang sa matagal iyong hindi tinubos?
“Ano?!”
“Jusko!”
Nanghihinang napakapit sa upuan si Beth habang nakatitig sa asawa. Nanghina ang tuhod niya at tila matutumba siya kung hindi lang naagapan ni Ymir ang pag-alalay dito.
“A-Ano? Sampung milyon? Bakit naman mangungutang ng sampung milyon si papa?” hindi makapaniwalang tanong ni Rousanne. Tila ba pinagbagsakan siya ng lupa. Saan sila kukuha ng gano’ng halaga?!
“Pa, totoo ba?” Ymir gritted his teeth.
Nanghihinang napatango si Ymir. Hindi niya kayang tingnan ang mga anak sa mata.
“Sa tingin niyo bakit kayo makakapagtapos? Bakit kayo namumuhay ng maganda? Kakarampot lang naman ang kinikita niya sa trabaho, eh.”
“Pero sampung milyon?! Napakamalaking halaga na niyon!” katwiran ni Rousanne.
“Aba, itanong mo sa ama mo kung saan niya pa ginamit ang pera.” Nagkibit-balikat si Van at pinanood ang drama ng pamilya. Napahikab naman si Gino at ilan naman ay bored na nakatitig lamang sa nagaganap. Hindi na ito bago sa kanila. Ilang beses na bang may mga taong walang utang na loob at kinalimutan na lang ang inutang? Tss.
Napayuko si Roman. Umutang siya para pag-aralin ang mga anak at makapag-ayos ng bahay. Ito talaga ang pinakarason niya. Ginamit niya naman ang natitirang pera para magtayo ng negosyo pero nalugi naman ito. At oo, ang iba naman ay ginamit niya sa pagsusugal. Akala niya noon madadagdagan ang pera dahil may mga pagkakataon na nananalo siya, pero naubos din. Hindi dapat siya nagpatukso sa sugal
“Patawad…” mahinang bulong nito. Lumapit si Roman sa mga lalaki at lumuhod. Na-estatwa si Rousanne at hindi makagalaw. Hindi niya kayang makita ang ama na ganito. Umagos ang kanyang luha na kanina pang nagbabadyang lumabas sa mata niya. Napakagat siya sa labi.
“P’wede niyo ba kaming bigyan ng pagkakataon? Palugit na bayaran ang utang ni Papa? Pangako, hindi kami tatakas,” she tried to negotiate with them.
Napailing si Van at tumingin sa dalaga.
“Ito na ang huling palugit, young lady. Kaya sa ayaw at sa gusto niyo kailangan n’yong bayaran iyon.”
Sa gilid naman ay mariing nakakuyom ang kamao ni Ymir. Hindi sapat ang pera niya— nila kaya saan sila kukuha?
Tumayo si Gino at kinuha ang baril na nakatago sa likod bago tinutok kay Roman. Napasigaw ang mga ito sa takot. Hindi nila inaasahan ang sumunod na sinabi nito.
“Tama na ang drama. Magbabayad kayo ngayon o ibang kabayaran ang kukunin namin?” nakangising tanong nito. His eyes glinted with wickedness. One shot and he’s dead.
Napapikit ng mariin si Roman nang lumapat sa kanya ang dulo ng baril. Malamig na malamig ang pawis niya sa likod. Nanginginig ang kanyang buong sistema at hindi maiwasang lumuha siya sa takot.“Papa!”“Roman!” sigaw ng pamilya nito.Hindi makagalaw si Rousanne. Hirap din s’yang huminga. Ang papa niya… hindi… hindi p’wedeng mawala ang papa niya.“B-Bigyan niyo pa ako ng ilang buwan at isasauli ko rin ang sampung milyon. Nakikiusap ako.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay muling nakita ni Beth ang pagluhod ng asawa. Unang lumuhod ito ay dahil sa kanya, dahil gusto nitong kunin ang kamay niya at yayain magpakasal, pero iba ngayon. Ang sakit makita na ang lalaking sinasandalan nila ay nagmamakaawa para sa kanila. Nasasaktan siya. Para bang pinipilipit ang puso niya na makita ang ganitong Roman. He’s the bravest person she met. The most caring man that any woman will wish for.
“Take the girl. Kill them if they block the way.”Gino chuckled at pinakita na walang laman ang baril. Sinundan niya muli ang kasamahan at kinaladkad ang dalaga habang nagmamatigas.Tatlong Mercedes Gelandewagen ang sasakyang bumungad kay Rousanne. Nagsusumigaw ito sa kamahalan at kitang-kita ni Rousanne ang reflection niya sa malinis at makintab nitong balat. Napatingin siya kay Demetrius na sa kakaibang sasakyan ito pumasok. Isang Mercedes Benz S Class. Ito ang kauna-unahang beses na makakita ng ganito si Rousanne. Nakita niya lang kasi ito sa pictures. Gaano kaya kayaman si Mr. Romanov. Ang ganitong klaseng sasakyan ay tumataginting sa milyon.Ilang sandali pa ay humina ang takbo ng kanilang sinasakyan. Tanaw na tanaw ni Rousanne ang itim na metal gate ng bahay na papasukan nila. Sa gilid nito ay may outpost na nagbabantay ang dalawang lalaki. The gate automatically opened, and they went inside. Napahanga siya sa laki a
Pinunasan ni Rousanne ang pawis sa noo habang panay kuskos sa sahig ng banyo. Ito ang pangalawang araw na nandito siya sa at magsimulang magtrabaho. Okay naman kahit mahirap. Hindi rin sila tipid sa pagkain. Sa room na pinag-i-stay-an niya ay may kasama siya, si Hazel. Kasing edad din niya. Friendly si Hazel at madaling kausap hindi tulad ng iba na tila walang nakikita sa paligid. “Hindi ka pa ba tapos d’yan? Ako na. Kailangan ka roon sa kusina,” aniya ni Hazel na kadarating lang. Tumayo si Rousanne at naghugas ng kamay. “Ayos lang ba?” Siya kasi ang naka-assign ngayon na mag-serve sa dining table. “Oo. Bilisan mo na at baka mapagalitan ka ng mayordoma!” bulong ni Hazel at kinuha ang mga gamit nito panglinis at tinulak siya palabas. Ngumiti ito at nag-thumbs up kay Rousanne upang sabihin na ayos lang. Napahinga ng malalim si Rousanne at inayos ang buhok bago pumunta sa kusina. Kinuha niya ang isang pitsel at pumunta sa dining room. Naroon na ang ilang
Napainom na lang si Senior Hidalgo at naalala ang nangyari. Hindi magiging ganito ang binata kung hindi nangyari ang trahedyang iyon. Maging siya ay nasaktan sa nangyari. Nakita niya kung paano naghinagpis sa sakit ang mga mata ng binatang si Demetrius. Nakita niya kung paano nawala ang liwanag nito sa mata. Tila malaking parte ang nawala sa buhay nito. “Matutuwa kaya siya sa mga ginagawa mo? Ano’ng mararamdaman niya kapag nakita kang ganito? Ang laki ng pinagbago mo, Demetrius, pero hindi kita masisisi,” wika niya. Alam na ni Demetrius kung sino ang tinutukoy niya. Hindi nagsalita ang binata at tumitig lamang sa kawalan. He’s doing this for her. --- Pagkauwi sa bahay ay hindi muna dumiretso si Demetrius sa silid. He went to the kitchen while the others went to their rooms. Halos mag-a-alas onse na ng gabi kaya patay na ang ilang ilaw sa loob. Kumuha siya ng beer sa loob at binuksan ito sabay inom. Malakas n’yang ibinaba ang can sa mesa at sumingki
Agad siniko sa likod ni Rousanne ang mapangahas na lalaking tumakip sa bibig niya, ngunit bago pa man niya magawa iyon ay nasalag na ito ng kung sino at bumitaw rin sa kanyang bibig. Agad s’yang tumalikod para malaman kung sino at laking gulat niya nang makita ang isa sa mga miyembro na si Alex.“Damn. Ang lakas ng siko mo, ah,” komento nito. Ramdam niya kasi ang pwersa nito lalo na at masakit talaga kapag natamaan.“Bakit mo ba kasi ginawa iyon? At ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Rousanne. Humalukipkip ang binata at tinaasan siya ng kilay.“Ako dapat ang magtanong sa’yo n’yan. Ano’ng ginagawa mo dito sa ganitong oras ng gabi at sino ang tatawagan mo? Alam mo bang mapaparusahan ka kapag nalaman ito ng Boss?”Umiwas ng tingin si Rousanne at nilaro ang kamay dahil sa nerbyos.“Gusto ko lang tawagan ang kuya ko para sabihin na huwag silang mag-alala. P’wede mo ba akong tulungan? Please? Huwag mo lang ipagsasabi." Rousanne was hoping that he will agree kahit na ma
Napasilip sa kanan at kaliwa si Rousanne. Pasado alas nwebe na ng gabi at tulog na rin ang lahat. Wala pa sina Demetrius at mga tauhan nito. She tiptoed walking towards the backdoor. Napayuko siya nang maaninag ang isang pigura na nagmumula sa pinto. Blurred kasi ang pinto sa itaas na parte nito. Narinig niya ang pagbukas nito kasabay ng paghawak niya sa bibig para pigilan ang ingay kung sakali. Napaatras siya nang marinig ang hakbang nito papalapit sa kanya. Umikot siya sa kabila ng walang ingay. Namamawis ang kanyang noo dahil sa kaba. Baka kasi isang maling galaw lang ay makita siya. Hindi p’wede. Kailangan n’yang makaalis ngayong may pagkakataon siya. Sumilip siya sa gilid ng kitchen counter. It was one of the guards. Umiinom ito ng tubig. ‘Bilis! Alis na!’ Napakuyom ng kamao si Rousanne sa pag-asam na umalis agad ito. Napahinga siya nang maluwag nang makitang naglakad na palabas ang guard. Napasandal pa siya sa kitchen counter para ikalma ang saril
The crowd went silent and some people parted their lips at the amount. Who is the person who will spend fifteen million for a woman to be a slave or a plaything? But who wouldn’t? This woman is young and fresh and a virgin. Men tend to be attracted to women who haven’t been touched.“Wow! Fifteen million! A highest bid for our women item tonight and I might say for history!” the host said with glee. Of course, mas malaki, malaki rin ang makukuha nilang porsyento kung matutuwa si mamang. Well, mukhang happy nga ito kaya mas lumawak ang ngiti ng host.“Going once! Going twice…! Item number five, sold!” Ibinagsak ng host ang tila isang hammer sa isang bilog tanda na na-sold na ang partikular na item.Bumagsak ang balikat ni Rousanne kasabay ng pamumula ng kanyang mata. Wala na
Two days later. Buong akala ni Rousanne ay maglilinis lang siya sa loob ng kwarto ni Demetrius bagkus ay isang beses lang siya nito pinakain sa isang araw at inilagay siya sa basement para doon matulog. He was so cruel and she should’ve expected that. Napahawak siya sa tiyan nang tumunog ito. Ito ang pangatlong araw na kakain siya ulit ng pang-isang araw na kainan matapos s’yang maglaba kaya kailangan n’yang busugin ang sarili para hindi siya makaramdam ng gutom sa susunod na oras kung marami ang nadala sa kanyanh pagkain kaso hindi, eh. Minsan pa’y tubig na lang ang iniinom niya pampawala ng gutom. Hindi niya na talaga uulitin ang nangyari.“Rousanne, heto oh. Kumain ka. Dinalhan talaga kita ng marami para mamaya kung magutom ka man.” Si Hazel ang nagdadala sa kanya ng kakainin niya. Naaawa ito sa dalaga dahil mukhang hindi pa naman sanay sa mga ganitong trabaho. Nagnakaw pa siya ng tatlong tinapay kahit nakita iyon ni Alex ay wala itong sinabi at umiwas na lang ng tingin. “Hazel, s