Share

Kabanata 4

Napainom na lang si Senior Hidalgo at naalala ang nangyari. Hindi magiging ganito ang binata kung hindi nangyari ang trahedyang iyon. Maging siya ay nasaktan sa nangyari. Nakita niya kung paano naghinagpis sa sakit ang mga mata ng binatang si Demetrius. Nakita niya kung paano nawala ang liwanag nito sa mata. Tila malaking parte ang nawala sa buhay nito.

“Matutuwa kaya siya sa mga ginagawa mo? Ano’ng mararamdaman niya kapag nakita kang ganito? Ang laki ng pinagbago mo, Demetrius, pero hindi kita masisisi,” wika niya. Alam na ni Demetrius kung sino ang tinutukoy niya.

Hindi nagsalita ang binata at tumitig lamang sa kawalan.

He’s doing this for her.

---

Pagkauwi sa bahay ay hindi muna dumiretso si Demetrius sa silid. He went to the kitchen while the others went to their rooms. Halos mag-a-alas onse na ng gabi kaya patay na ang ilang ilaw sa loob. Kumuha siya ng beer sa loob at binuksan ito sabay inom.

Malakas n’yang ibinaba ang can sa mesa at sumingkit ang mga mata.

“Show up yourself,” utos niya gamit ang malamig na boses. Did this person think that he didn’t notice her presence even in the dark?

Nangangatog na lumabas si Rousanne mula sa dilim. Kukuha lang naman siya ng mansanas sa kusina dahil kulang ang kinain niya, pero hindi niya ini-expect na nandito rin ang amo.

“Why are you still up?”

“A-Ah, kukuha lang rin po sana ng maiinom,” pagsisinungaling ni Rousanne. Tumingin siya sa mesa. Bakit ba kasi ngayong oras pa siya lumabas?

Napatingin si Demetrius sa mukha nito. She has fair skin, fit body even when her maid uniform is slightly loose. Matangos rin ang ilong nito, plump ang lips at makinang ang mata kagaya ng isang bituin sa langit. He saw many beautiful women and this girl didn’t even reach the level of those.

“Then, what are you waiting for? Move and get back to your chamber, maid,” he coldly spat and turned to his beer.

Napakagat sa labi si Rousanne at namula ang kanyang mata.

Maid. This is who she is now. Kung hindi lang sana nangyari iyon siguro’y naghahanap na siya ng trabaho. Siguro’y nagsisimula na siya. Why?

Nagmamadali s’yang uminom ng tubig at bumalik sa kwarto ng nakayuko. Mabilis din ang kanyang paglalakad. Kahit nagugutom pa ay itutulog niya na lang.

Demetrius closed his eyes.

---

Kinabukasan ay kasama ni Rousanne si Hazel sa paglalaba. Habang nag-uusap sila ay dumating si Van na may dalang hamper ng damit.

“Ito pa,” wika nito at binaba ang hamper na puno. Hindi lang kasi damit niya ang naroon pati na rin ang damit ng kasamahan niya. Halata kay Rousanne ang pagod at puyat. Hindi kasi siya makatulog kagabi dahil naiisip niya kung ano ang mangyayari kung hindi siya nandito. Nami-miss niya na ang magulang at kapatid. Tinanong niya si Hazel kung may phone ito, pero wala. Telepono lamang ang mayroon na nasa sala.

Tumayo siya at hinabol si Van na papaalis na.

“Teka! May itatanong sana ako.”

Humarap si Van at tinaasan ito ng kilay. “Ano ‘yon?”

“P’wede ba akong gumamit ng telepono? Gusto ko lang makausap ang mga magulang ko at sabihin na ayos lang ako.” Nagbabakasali lang siya na baka payagan.

“P’wede naman…” Lumiwanag ang mukha ni Rousanne sa narinig. “Basta ba magpaalam ka kay boss,” dagdag nito at ngumisi bago umalis.

Bumagsak ang balikat niya sa sunod na sinabi nito. Mababa ang chance na payagan siya ni Demetrius gamitin ang telepono. Ramdam niya ng disgusto sa mga mata nito nang tiningnan siya.

Tumalikod siya para bumalik nang mapatigil siya at magkaroon ng ideya.

---

Pumasok sa isang silid si Van na nakangisi. Nagtataka naman na napatingin sa kanya ang mga kasamahan.

“Oh? Ano nginingiti mo?”

“Nothing. The young lady wants to use the phone,” kwento niya at sumalampak ng upo sa mahabang sofa.

“And? She can use it. Don’t tell me may sinabi kang iba?” Alex lifted his brow and the man thumbs up.

“Tss. Anyway, pinapatawag ka ni boss.” Agad na napabangon si Van at tumitig kay Alex.

“Para saan daw?”

Alex shrugged. “May ipapagawa ata sa’yo.” Agad na tumayo si Van at patakbong lumabas ng silid. Naiwan naman doon si Alex at Gino na busy sa phone nito.

“Gino,” tawag pansin ni Alex sa lalaki.

“Hmm?” tanong nito na hindi inaalis ang paningin sa phone.

“Gaano mo na katagal nakasama si boss?”

The man frowned and quickly glanced at him.

“Well, ten years, I guess?” Gano’n na silang katagal magkakilala ni Dememtrius, pero napaka-misteryoso pa rin nito.

Lumapit si Alex sa binata at tiningnan ang nilalaro nito.

“Then, may nakasama ba s’yang babae?” Alex was just curious. He just saw a picture on the shelf in the library, but the girl’s face had a mark, it’s like someone intentionally did it.

Tiningnan siya ni Gino na parang nababaliw.

“Ayaw niyon nahahawakan ng babae kaya imposible,” sagot nito at bumalik sa ginagawa. Ni minsan ay wala s’yang nakita na babaeng kasama ng boss maging ang aprents nito ay hindi.

Alex nodded and leaned his back on the sofa while thinking.

Mukhang walang alam si Gino. It perks his curiosity. Demetrius is full of secrets, and he is itching to unveil it. Curious talaga siya. Marami silang hindi alam kay Demetrius maging sa magulang nito except kay Senior Hidalgo na siguradong wala ring sasabihin.

Pero gusto niya malaman kung bakit. Bakit nag-iba ito? What was the reason? Yes. He accidentally eavesdrops at Demetrius and Senior Hidalgo, pero hanggang doon lang ang narinig niya.

He sighed and fetched his phone.

---

Dahan-dahang binuksan ni Rousanne ang pinto ng kanyang kwarto at tumaas. Tumingin siya sa kaliwa at kanan upang masiguro na walang tao na umaaligid ngayong dis oras ng gabi. Ito ang ideyang pumasok sa isip niya. Kahit wala s’yang kasiguraduhan na masasagot ay umaasa siya. Ito muna ang naiisip n’yang paraan para ma-contact ang pamilya.

She tiptoed and alertly looked side by side. Siguro naman ay tulog na ang lahat ng tao dito sa bahay. She sighed silently and strodes towards the living room. Nakita niya ang telepono sa gilid kaya mabilis at walang ingay s’yang pumunta doon.

“Okay, relax, Rousanne. Memorize mo naman ang number ng kuya kaya sana sagutin,” kausap niya sa sarili at lumunok. She dialed his number, added it with the area code and waited for the other person to pick it up. Malakas ang kabog ng dibdib niya.

Inulit niya pa at sa pangatlong pagkakataon ay may sumagot na.

[Hello?] Rinig niya ang bagong gising na sagot ni Ymir. Gumuhit sa kanyang mukha ang isang ngiti at sasagot na sana nang nagtayuan ang buhok niya sa batok ang isang kamay ang tumakip sa bibig niya.

“Hmm!!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status