Share

Kabanata 10

Naghintay si Hazel ng sasabihin ng kaibigan. Nahahalata niya na ito noon pa, pero ngayon niya lang tinanong. Ang sabi naman ni Rousanne ay hindi naman nito kilala ang Don, pero bakit malaya itong nasasabi ang pangalan ng amo?

“H-Hindi ko rin alam.” Umiwas ng tingin si Rousanne mula sa nagtatakang mukha ni Hazel. Kahit naman kasi siya ay hindi alam na hindi pala iyon p’wede.

“Gano’n ba? Huwag mo na lang ulit gawin iyon para hindi ka mapagalitan ng Don. Siguro’y hindi niya narinig kaya ligtas ka,” paalala nalang ni Hazel sa kaibigan at huminga ng malalim.

“Hmm. Salamat,” mahinang wika ng dalaga at napakuyom ng kamao.

Napapatanong tuloy siya sa sarili kung talagang pinapalagpas lang siya ni Demetrius— Don sa mga pagtawag niya sa pangalan nito.

---

“Wala talagang ginawa ang Emil na ‘yon?” tanong muli ni Alex kay Gio at Van.

“Wala,” sabay na sagot ng dalawa at binigyan ng matalim na tingin ang kasamahan dahil apat na beses na itong paulit-ulit na nagtanong.

“Ano naman kaya ang inii
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status