Share

Kabanata 11

Napatingin na lamang si Rousanne sa papalayong bulto ng Don. Sa hindi niya maipaliwanag na paraan ay para bang may dumaang galit sa mata nito habang nakatitig sa kanya. Ang galit ba na ‘yon ay para sa kanya? Pero bakit? Dahil ba sa hindi nila nagawang bayaran ang sampung milyon na inutang ng ama?

Napahinga siya ng malalim at tumuloy sa taas. Naalala niya pala na siya ang inatasan na maglinis ng kwarto ng Don na muntik niya nang makalimutan dahil sa kaba.

Lingid sa kaalaman ni Rousanne ay higit pa doon ang nararamdaman ni Demetrius. Napaiwas na lamang ng tingin ang mga kasambahay at ilang miyembro ng mafia dahil sa nilalabas na awra ng kanilang amo.

“Kailan kaya lalambot ang Don? Palagi nalang madilim ang buhay, eh,” komento ni Hazel nang makalagpas sa kanila ang naturan at dumiretso sa living room. Agad naman s’yang siniko ng kasamahan at nilakihan ng mata.

“Ano ka ba? Baka marinig ka, pero sabagay gusto ko rin makita iyon. Alam mo namang may ayaw iyon sa babae.”

“Pihikan. Dinaig pa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status