Share

Kabanata 91

“T-Tiara a-ano’ng... bakit ka— ano’ng nangyari sa’yo?” Ni-lock agad ni Tiara ang gate ng bahay at kinuha ang kamay ni Hazel bago ito kinaladkad papasok ng bahay.

“Kailangan n’yong umalis ngayon din, Hazel!” tarantang aniya ni Tiara. Tumingin siya sa likod at mas binilisan ang paglalakad sa loob sabay lock ng pinto ng bahay.

“Teka! Ano’ng nangyari sa’yo? Bakit gan’yan ang hitsura mo?” Pigil ni Hazel sa dalaga. Hindi siya makapaniwala na may gagawa nito sa dalaga. “Ang amo mo ba ang gumawa nito? Kailangan natin tunawag ng pulis!”

“Hindi!” Pigil ni Tiara rito na nanlalaki ang mata. Nang ma-realize kung gaano siya nag-react ay napakagat siya sa ibabang labi. “Hazel, kailangan na nating umalis dito! Hindi kayo safe pati na ang mga anak ni Rousanne!” nagpa-panic na saad nito habang tumitingin-tingin sa labas ng bahay.

Kumunto ang noo ni Hazel. “Ano bang pinagsasabi mo? Tapos na ang laban. Iyong Emil ay nasa kustodyo na ng mga pulis pati na rin ang mga alagad nito kaya huwag kang mabahala,”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status