“Demetrius, bakit hindi ka muna umuwi sa bahay? Hindi ka pa bumabalik ng limang araw. Kailangan mo rin magpahinga.” Naaawa si Beth sa binata na ‘di umuwi at tanging nakabantay lamang sa tabi ni Rousanne. “Okay lang ako, Ma. Baka ‘pag nawala ako may mangyari na naman.” Umiwas ng tingin si Ymar. Dahil sa kapabayaan niya ay napahamak ang kapatid sinisisi niya ang sarili doon. Nalaman na rin ng magulang niya ang nangyari sa kan’ya— hagulgol ang inabot niya sa ina at mangiyakngiyak naman ang kan’yang ama. “Tapos na ‘di ba? Wala nang balak gawin iyon. Nandito rin naman ang mga tauhan mo. Demetrius, umuwi ka na muna alam kong gusto mong nasa tabi ng anak ko pero kailangan ka rin ng mga anak mo.” “Tama ang mother-in-law mo, hijo. Nandito naman kami sige na.” Humigpit ang kapit ni Demetrius sa kamay ng asawa. The twins, of course the twins need him. Wala ngayon ang ina at siguradong hahanap-hanapin ng mga ito ang kalinga niya. He stood up and kissed the head of his wife. “I’ll be back,” h
“T-Tiara a-ano’ng... bakit ka— ano’ng nangyari sa’yo?” Ni-lock agad ni Tiara ang gate ng bahay at kinuha ang kamay ni Hazel bago ito kinaladkad papasok ng bahay.“Kailangan n’yong umalis ngayon din, Hazel!” tarantang aniya ni Tiara. Tumingin siya sa likod at mas binilisan ang paglalakad sa loob sabay lock ng pinto ng bahay.“Teka! Ano’ng nangyari sa’yo? Bakit gan’yan ang hitsura mo?” Pigil ni Hazel sa dalaga. Hindi siya makapaniwala na may gagawa nito sa dalaga. “Ang amo mo ba ang gumawa nito? Kailangan natin tunawag ng pulis!”“Hindi!” Pigil ni Tiara rito na nanlalaki ang mata. Nang ma-realize kung gaano siya nag-react ay napakagat siya sa ibabang labi. “Hazel, kailangan na nating umalis dito! Hindi kayo safe pati na ang mga anak ni Rousanne!” nagpa-panic na saad nito habang tumitingin-tingin sa labas ng bahay. Kumunto ang noo ni Hazel. “Ano bang pinagsasabi mo? Tapos na ang laban. Iyong Emil ay nasa kustodyo na ng mga pulis pati na rin ang mga alagad nito kaya huwag kang mabahala,”
Nagising si Rousanne na puno ang pawis ang noo. Hinihingal pa siya at balisa ang mukha, tanda na kung ano man ang napanaginipan nito ay hindi maganda. “Gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Beth sa anak. Bakas sa mukha ng ginang na hindi maayos ang tulog nito, ngunit makikitaan din na parang pagod na pagod ito at may malalim na inaalala. “Ma,” mahinang tawag ni Rousanne habang nagsasalin ng tubig sa baso ang naturan. “Nasaan si Demetrius?” “Umuwi muna siya. Dalawang araw kang tulog. Wala ka bang ibang nararamdaman? Teka lang at hintayin mo ang papa mo. Bumili lang ng pagkain.” Umiling si Rousanne. “Dalawang araw akong tulog? Ang mga anak ko, ma? Naaalagan ba silabng maayos? Gusto ko sanang makausap si Hazel.” “Anak, mamaya na okay? Pagkatapos mo na lang kumain.” Hindi talaga mapakali si Rousanne lalo pa’t pakiramdam niya ay may tinatago ang ina. “Ma, may nangyari ba? Please, ‘wag niyo naman itago sa’king kung ano ‘yan. Kailangan ko rim malaman lalo na kung tungkol s
A knock interrupted Hazel and Tiara’s rest. Nagkatinginan ang dalawa at bakas sa kanilang mukha ang pagtataka kung sino ang nasa labas. Wala kasi ang mag-asawa ngayon dahil may pinuntahan ito sa labas kaya sila lang nag naiwan sa bahay. “Sino sa tingin mo ang nasa labas? Nasundan kaya tayo ni Jackson?” tanong ni Tiara na binalot ng kaba ang katawan. A-ang bilis naman nito at agad silang natunton. Umiling si Hazel habang matalim ang matang nakatitig sa pinto. “Hindi ko alam. Paano kung kakilala nila? Huwag na lang natin sagutin—” Natigil ang pagsasalita ng dalaga nang marinig ang pamilyar na pagkataok na tanging sila lang ang gumagawa. Ginagawa iyon para malaman na miyembro nga ng organisasyon ang nasa labas. Napatayo siya at lumiwanag ang mukha. “Ano’ng gagawin mo? Baka si Jackson ‘yan!” pigil ni Tiara sa dalaga nang bubuksan nito ang pinto. “Kung talagang kakilala ‘yan ng mag-asawa dapat una pa lang ay tinawag na nila ang pangalan ng isa sa dalawa.” “Trust me, kilala ko ang
Tiningnan ni Rousanne ang sarili sa salamin matapos maligo at magbihis. Nakangiti siya. Iyon agad ang napansin niya sa repleksyon. Sino ba naman ang hindi? She just graduated from college with a bachelor’s degree in nursing. Sa katunayan ay excited siya sa bagong journey ng buhay niya. Ang sabi sa kanya ng ama ay mahirap daw ang buhay kapag nakatuntong ka na sa labas ng eskwelahan. Bihira na lang ang second chance and consideration kaya naman hinanda niya ang sarili na harapin ang kinabukasan. Lumabas siya ng kwarto para bumaba sa kusina nang sumalubong sa kanya si Ymir, ang kanyang kuya na hinilamos ang kamay sa mukha niya. She made a face and glared at him who just laughed. “Mama, si kuya, oh!” sumbong ni Rousanne pababa. She twitched her lips and made way to the kitchen. “Wow! Ang sasarap naman nito,” komento ni niya nang maupo. Nandoon ang mga paborito n’yang Cordon Bleu Chicken Roll. “Ano pa ang hinihintay niyo? Maupo ka na, Ymir. Kakain na tayo. Ito na
Napapikit ng mariin si Roman nang lumapat sa kanya ang dulo ng baril. Malamig na malamig ang pawis niya sa likod. Nanginginig ang kanyang buong sistema at hindi maiwasang lumuha siya sa takot.“Papa!”“Roman!” sigaw ng pamilya nito.Hindi makagalaw si Rousanne. Hirap din s’yang huminga. Ang papa niya… hindi… hindi p’wedeng mawala ang papa niya.“B-Bigyan niyo pa ako ng ilang buwan at isasauli ko rin ang sampung milyon. Nakikiusap ako.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay muling nakita ni Beth ang pagluhod ng asawa. Unang lumuhod ito ay dahil sa kanya, dahil gusto nitong kunin ang kamay niya at yayain magpakasal, pero iba ngayon. Ang sakit makita na ang lalaking sinasandalan nila ay nagmamakaawa para sa kanila. Nasasaktan siya. Para bang pinipilipit ang puso niya na makita ang ganitong Roman. He’s the bravest person she met. The most caring man that any woman will wish for.
“Take the girl. Kill them if they block the way.”Gino chuckled at pinakita na walang laman ang baril. Sinundan niya muli ang kasamahan at kinaladkad ang dalaga habang nagmamatigas.Tatlong Mercedes Gelandewagen ang sasakyang bumungad kay Rousanne. Nagsusumigaw ito sa kamahalan at kitang-kita ni Rousanne ang reflection niya sa malinis at makintab nitong balat. Napatingin siya kay Demetrius na sa kakaibang sasakyan ito pumasok. Isang Mercedes Benz S Class. Ito ang kauna-unahang beses na makakita ng ganito si Rousanne. Nakita niya lang kasi ito sa pictures. Gaano kaya kayaman si Mr. Romanov. Ang ganitong klaseng sasakyan ay tumataginting sa milyon.Ilang sandali pa ay humina ang takbo ng kanilang sinasakyan. Tanaw na tanaw ni Rousanne ang itim na metal gate ng bahay na papasukan nila. Sa gilid nito ay may outpost na nagbabantay ang dalawang lalaki. The gate automatically opened, and they went inside. Napahanga siya sa laki a
Pinunasan ni Rousanne ang pawis sa noo habang panay kuskos sa sahig ng banyo. Ito ang pangalawang araw na nandito siya sa at magsimulang magtrabaho. Okay naman kahit mahirap. Hindi rin sila tipid sa pagkain. Sa room na pinag-i-stay-an niya ay may kasama siya, si Hazel. Kasing edad din niya. Friendly si Hazel at madaling kausap hindi tulad ng iba na tila walang nakikita sa paligid. “Hindi ka pa ba tapos d’yan? Ako na. Kailangan ka roon sa kusina,” aniya ni Hazel na kadarating lang. Tumayo si Rousanne at naghugas ng kamay. “Ayos lang ba?” Siya kasi ang naka-assign ngayon na mag-serve sa dining table. “Oo. Bilisan mo na at baka mapagalitan ka ng mayordoma!” bulong ni Hazel at kinuha ang mga gamit nito panglinis at tinulak siya palabas. Ngumiti ito at nag-thumbs up kay Rousanne upang sabihin na ayos lang. Napahinga ng malalim si Rousanne at inayos ang buhok bago pumunta sa kusina. Kinuha niya ang isang pitsel at pumunta sa dining room. Naroon na ang ilang