Share

Kabanata 2

“Take the girl. Kill them if they block the way.”

Gino chuckled at pinakita na walang laman ang baril. Sinundan niya muli ang kasamahan at kinaladkad ang dalaga habang nagmamatigas.

Tatlong Mercedes Gelandewagen ang sasakyang bumungad kay Rousanne. Nagsusumigaw ito sa kamahalan at kitang-kita ni Rousanne ang reflection niya sa malinis at makintab nitong balat. Napatingin siya kay Demetrius na sa kakaibang sasakyan ito pumasok. Isang Mercedes Benz S Class. Ito ang kauna-unahang beses na makakita ng ganito si Rousanne. Nakita niya lang kasi ito sa pictures. Gaano kaya kayaman si Mr. Romanov. Ang ganitong klaseng sasakyan ay tumataginting sa milyon.

Ilang sandali pa ay humina ang takbo ng kanilang sinasakyan. Tanaw na tanaw ni Rousanne ang itim na metal gate ng bahay na papasukan nila. Sa gilid nito ay may outpost na nagbabantay ang dalawang lalaki. The gate automatically opened, and they went inside. Napahanga siya sa laki at ganda ng bahay. Sa gilid kung saan may mini pool ay may gazebo kung saan nakita niya ang ilang lalaki na nag-uusap doon.

Ilang sandali pa ay pumarada ang sasakyan sa tapat ng bahay. Bumaba si Rousanne at tiningnan ang kabuuan nito. Ang pula ng ilong at mata niya dahil sa kaiiyak.

Napakarangya. Ito ang unang salita na pumasok sa isipan ni Rousanne nang makita ng malapitan ang bahay. It was painted in white and gray with dim lights inside, adding to the luxury and elegance of the house. The style is characterized by windows flanking the front door, dormer windows on the roof, and cedar shingles. Akala niya nga ay sa isang masukal na gubat naninirahan ang mga ito para magtago. Well, as if naman wanted ang mga ito kaya magtatago.

Hinawakan siya ni Gino sa braso at kinaladkad papasok ng bahay. Hindi niya alam na natulala siya sa pag-appreciate ng bahay. Dinala siya nito sa isang hallway pababa at binuksan ang isang pinto.

“Dito ka matutulog. Magiging isa ka sa mga kasambahay bilang kabayaran sa utang ng tatay mo,” wika nito at binitawan siya. Napatunganga si Rousanne sa binata. What? Hindi siya nito papatayin kagaya ng ini-expect niya?

Gino snickered. “Bakit? Ano’ng akala mo didispatyahin ka namin? Hindi naman kami gano’n kasama.” Pagkatapos ay iniwan siya nito doon. Hindi niya alam kung makakahinga ba siya ng maluwag o kakabahan. Feeling niya kasi ay may tsyansang patayin nga siya ng mga ito. Pero kahit naman hindi alam n’yang hindi na magiging maganda ang buhay niya dito. Hindi niya aasahan iyon. Isa lamang s’yang pambayad utang.

Bumukas muli ang pinto at napaangat siya ng mukha. Isang matandang babae ang pumasok. Gray na ang buhok nito, matalim ang kurba ng kilay nito, naka-straight line ang labi at nakatingin sa kanya ng malamig. Kahit sa katandaan nito ay makikita na maganda ito noong dalaga. Nakasuot ito ng itim na mahabang damit na lampas tuhod. May kwelyo iyon at apron na kulay puti.  Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Na-conscious naman si Rousanne sa sarili. Inaalagaan naman niya ang katawan kaya masasabing maganda ang pagdadalaga niya.

Ilang segundo ay napatango ang matanda.

“Ako si Mary, ang mayordoma ng bahay na ito. Ano’ng pangalan mo?”

“Ako po si Rousanne,” sagot niya at napalunok. Ganito ba ang mga tao dito? Parang ang lalamig ng pakikitungo.

“Hmm. Baguhan. Matagal na rin bago magkaroon ng bagong kasambahay ang bahay na ito. Akala ko ay hindi na kukuha muli, pero mukhang sinwerte ka,” wika nito.

Sinwerte? Swerte dahil napunta siya sa sitwasyon na ito na kailan man ay hindi niya lubusang inisip? Siguro nga dahil hindi kamatayan ang naging katapusan niya. Paano na ang mga pangarap niya? Paano ang pamilya niya? Kailangan n’yang masabi sa mga ito na okay siya.

Mapang-uyam na napa ‘tsk’ si Mary. “Magbihis ka na d’yan at tumulong ka sa kusina. Hindi ka prinsesa dito at dapat ma-adapt mo agad ang bago mong buhay.”

Napahinga na lang ng malalim si Rousanne at pumunta sa cabinet kung saan naroon ang maid uniform. Teka! Wala s’yang ibang damit. Sa puntong iyon ay muling bumukas ang pinto at pumasok si Gino dala ang isang bag.

“May mga damit dito. Huwag kang mag-alala hindi pa ‘yan gamit.”

Tiningnan niya isa-isa ito at may sampung t-shirts at shorts na may tatlong pajamas. Napaka-plain ng mga t-shirt. Dalawa lang ata ang may design buti na lang at may kulay ang iba.

---

“That girl sure will have a lot to learn,” sambit ni Gino nang pumasok siya sa isang kwarto kung saan naroon din si Van at dalawa pa nilang kasamahan na sina Benedict at Alex. Their boss was busy flipping a book, minding his own world.

“Nakita ko siya kanina. She’s young,” komento ni Alex. “Shoot!” He smiled at Benedict when he hit the bullseye on the dartboard.

“Siya nga pala. Akala ko ba hindi na kukuha ng maid?” Tumingin si Benedict kay Gino na nagkibit-balikat lang. Nginuso nito si Demetrius sa unahan.

“Adding one doesn’t cost a fortune. This is her fate now,” malamyos na wika nito. Napakaaya-aya ng boses nito na tipong mala-prince charming, pero hindi. He’s a beast with honeyed voice. A dangerous combination of seduction.

Nagkatinginan ang mga ito at maya maya’y naglaro at umalis sa loob ng silid.

Demetrius closed the book and stared at the door.

It’s up to that girl if she wants to survive. He spared his father and she should be grateful that this is just the outcome of his debt.

He moved his eyes on the book and opened it again.

---

Sa bahay ng mga Cabrero. Hindi maayos ang sala ng mga ito dahil sinipa ito ni Ymir. Hindi niya inaasahan na ta-target-in ng mga lalaking iyon ang kapatid niya. Ayaw n’yang mag-isip ng kahit ano, pero galit siya sa sarili dahil wala s’yang nagawa!

“T-Tumawag kaya tayo ng pulis? Sigurado akong tutulungan nila t-tayo...” Tiningnan ni Beth ang asawa na kanina pa tahimik at nakaupo. Siguro naman ay makukuha nila ulit ang anak nila. Hindi pwede ang ginawa nila. Forced kidnapping na iyon!

“Hindi. Talo tayo, Beth,” mahinang wika ni Roman. Tila ba tumanda siya ng limang taon dahil sa nangyari. Hinang-hina siya at nalulungkot. Ang dalaga niya... kinuha nila ang anak niya. Ano’ng magiging buhay nito?

“Pa, paano kung... paano kung masama ang gawin nila kay R-Rousanne?”

Umiling si Roman. He doubts it. Hindi gano’n kawalang moral si Mr. Romanov lalo na ang pagpatay at paggalaw sa babae. Pero hindi niya alam kung ano ang gagawin nila.

“Susubukan kong makausap ulit siya. Susubukan kong kunin si Rousanne.” Napayuko siya at kinuyom ang kamo ng mahigpit. Ang mga mata niya ay nagsisisi.

“Patawad. Hindi sana mangyayari ito kung hindi dahil sa akin.”

Nilapitan siya ng asawa at niyakap habang si Ymir naman ay umiwas ng tingin. Napasuntok siya sa pader at nagtagis ang bagang.

He needs to see his sister. He needs to get her back.

But why does that man seem familiar to him?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status