Share

Capitulo Tres

Halos maningkit ang mata ni Tati sa inis, nang makalabas siya mula sa banyo ay nasa higaan si Raphael. Nakahiga at hubad ang pang-itaas na damit pero nakasuot pa rin ito ng pantalon at medyas kaya napairap siya sa inis.

“Raphael!” gigil na wika niya at sinamaan ng tingin ang asawa.

“What?” matabang na usal ni Raphael.

Umirap siya. “‘You know that I hate it when you do that!” tukoy niya sa hindi pagtanggal ng medyas.

“Whatever. And please, stop calling me Raphael.”

Kunot ang noo ni Tati, “So? Anong masama do’n pangalan mo naman ‘yon. Anyway, maligo ka na nga!”

Sa apat na taon na pagsasama, mabibilang lang sa daliri ni Tati kung ilang beses silang nagsama sa isang silid, kadalasan pa ay nagkapikunan silang dalawa at nilalayasan siya ng asawa.

Pumasok sa banyo si Raphael, sinuot niya ang lingerie na regalo ng mother-in-law niya. Napangiwi pa siya nang makita ang sariling repleksyon, mukha siyang malandi. Naglagay siya ng kung anu-anong skin care products sa mukha at katawan. Bumukas ang pinto at napalingon siya, lumabas si Raphael sa banyo. Natatakpan ang ibabang bahagi ng katawan niya ng puting tuwalya.

“What?” walang ganang wika ni Raphael.

Napalunok siya, mag-asawa sila pero naiilang siya na makitang ganun lang ang saplot sa katawan. Nag-init tuloy ang buong mukha niya kaya nag-iwas siya ng tingin.

“Magbihis ka muna. Mag-uusap tayo after,” nanginginig siyang umupo.

Sarkastikong tumawa si Raphael, “So what kung mag-usap tayo ng ganito ang suot? Hindi nga ako nagreklamo sa suot mong mukhang basahan.”

“Fuck off! Mahal ‘to no! Regalo to ni Mommy,” nakasimangot na wika niya saka inirapan ang asawa.

“Cheap,” pasaring nito na mas lalong nagpainit sa ulo ni Tati.

“Mas cheap ang mga babae mo!”

Humalakhak si Raphael, “I don’t think so.” Tinignan ni Raphael si Tati mula ulo hanggang paa. “Mas maganda sila–”

“So what! Kabit mo naman sila! Saka pwede ba mag-usap tayo ng maayos. Huwag mo akong pikunin ngayon araw Raphael. Kailangan kitang makausap ng matino.”

“Alam naman natin kung ano ang gusto mo, Athalia.”

“Raphael–”

“Huwag mo na akong daanin sa ganyan. Alam ko kung ano ang gusto mo,” pinasadahan ulit ni Raphael ng tingin si Tati. “You want me to impregnate you right?”

Hindi sumagot si Tati, iyon naman kasi talaga ang puno’t dulo ng paglapit niya ulit sa asawa. Kailangan niyang mabuntis, kailangan ay mabigyan na niya ng apo ang mga magulang ni Raphael. Sa apat na taong pagsasama ay araw-araw iyon pinapaalala sa kanya. Parang sirang plaka, paulit-ulit.

“Guess what, Athalia. Hindi ako papayag sa gusto mo,” diring-diri na wika ni Raphael.

Bumuntong hininga si Tati, “Then bigyan mo ako ng–” tumikhim siya. “Sperm mo, if ayaw mong gawin natin iyon ng natural. Maraming paraan. I–I just want a child who looks like you.”

“No. Kailan ba tatatak sa utak mo na ayaw ko sa ‘yo,” naglakad papalapit ang asawa niya sa kanya. Bigla nitong hinawakan ang baba niya. “Kahit ikaw na lang ang natitirang babae sa mundo, Athalia. Hinding-hindi kita gagalawin. Pwede ba tantanan mo na ako? Hindi ka pa ba napapagod?!”

Nanginginig niyang hinawakan ang pulso ni Raphael, “Rafa. . .”

“Tigilan mo na ang pag-iilusyon,” saka marahas siyang tinulak kaya napaupo siya sa sahig.

“Bakit ka ba ganyan?!” hindi mapigilang utas niya habang tinatanaw ang asawa niyang nagbibihis na. “Ang kailangan ko lang ay kooperasyon mo! Pagkatapos noon ay hindi na kita guguluhin pa. S-sana naman Raphael maintindihan mo–”

“Shut the fuck up! Tantanan mo ako, Athalia! Oo, asawa kita pero sa papel lang!”

Napapikit na lang siya nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto, nanginginig ang buong katawan niya sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya. Pero isa lang ang tumatak sa isipan niya. Hanggang kailan ba niya ibababa ang sarili niya?

Kinabukasan ay maagang nagising si Tati at ang unang bumungad sa kanya ay ang text ng mother-in-law niya. Kinakamusta siya at kung maayos na ba silang dalawa ni Raphael. Nagreply naman siya at sinabi ang totoo. Nang siniguradong maayos at presentable ang sarili ay nag-drive siya papunta sa condo ng asawa. Nagtungo siya sa condo ng asawa– may bago itong condo at kanina lang niya nalaman. Well, her mother-in-law texted her the details again.

Nag-park siya ng sasakyan nang makita ang pamilyar na kotse, sasakyan ni Raphael. At sa loob noon ay si Raphael at Clarise. They were kissing torridly, nakapikit pa si Clarise at ninanamnam ang mga halik ni Raphael.

Likod pa lang ni Raphael ay alam na alam na ni Tati, nanginginig ang kamay niya. Gusto niyang bumaba at hilahin ang buhok ni Clarise pero nanginginig ang kalamnan niya. Kinuyom niya ang kamao niya at pilit na hinahabol ang sariling hininga.

Siya ang legal na asawa, sa mata ng pamilya nito at batas. Pero pakiramdam niya ay siya ang ibang babae, dahil kailangan niya pang magmakaawa at humingi ng katiting na atensyon sa asawa niya. Ni hindi nga siya nirerespeto ni Raphael, kahit gusto niyang kausapin ito sa maayos na paraan parati lang silang nauuwi sa pagtatalo. Bastos ang pakikitungo sa kanya ni Raphael. . .

Bumuntong hininga si Tati, kailangan niyang magtiis. Hindi siya papatalo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status