Share

Capitulo Deice Ocho

Raphael Linux Yapchengco, para sa kanya perpekto lahat. Matalino siya, mayaman at higit sa lahat gwapo. Pero nagsimulang magbago ang buhay niya nang maging asawa ang si Athalia. Galit na galit siya sa lahat ng kagaguhang nagawa ng asawa niya.

Sa loob ng halos limang taon ay nagtiis siya. Iniiwasan si Athalia, dahil kapag nakikita niya ito ay naaalala niya lahat.

Pero noong may tumawag sa kanya at sinabing naaksidente ito ay hindi siya naniwala. Akala niya minor injury lang, do’n niya lang narealizd no'ng nakaratay ito at puno ng kung anong bagay na nakakabit sa maliit nitong katawan.

Nawala iyong galit niya, napalitan ng awa. Pero no’ng gumising ito at walang maalala, hindi rin siya agad naniwala hanggang sa nakita niya itong nahihirapan.

At ngayon, nasa harap niya ang asawa. Nawalan ito ng malay. Napuno ng takot ang puso ni Raphael, kahit pa ay galit siya ay ‘di maiwasan matakot.

“Athalia!” natatarantang wika ni Raphael, ilang minuto bago siya kumalma at nag-drive patungo sa ospit
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status