Share

Capitulo Cinco

Nanlaki ang mga mata ni Tati sa gulat, hindi siya makagalaw. Marahas ang halik ni Raphael, napapikit siya at dinama ang halik ng asawa. Pakiramdam niya ay namamaga ang labi niya dahil sa ginawa ni Raphael.

Humiwalay si Raphael sa asawa, “Ito ang gusto mo ‘di ba?!”

Hinila siya ni Raphael at tinulak papahiga sa hospital bed saka mariin ulit siyang hinalikan nito. Sa pagkakataong ‘to ay humalik siya pabalik sa asawa. Marahas na hinubad ni Raphael ang suot na damit ni Tati. Bigla nitong hinawakan ang kaliwang dibdib ni Athalia at pinisil iyon, napaungol si Tati. Bumaba ang halik ni Raphael sa dibdib ng asawa, nilihis nito ang bra na suot ni Tati. Inilapit ni Raphael ang labi sa dibdib ng asawa at ipinasok sa bibig niya. Habang ang isang kamay nito ay dumapo sa ibabaw ng manipis niyang cotton short.

“Raphael,” ungol ni Tati habang dinidiinan ni Raphael ang kamay nito sa ibabaw ng manipis na short nito. “No…”

Raphael pulled away, “Stop complaining. Ito ang gusto mo hindi ba? You want me to fuck you?! Then I am giving you what you want.”

Then he lowered his head again, at inangkin muli ang dibdib ni Tati. Sa bawat haplos ni Raphael sa katawan niya ay hindi niya mapigilang mapapikit at namnamin ang haplos nito.

She moaned as she felt Raphael's hand slid inside her shorts. Mas diniinan ni Raphael ang pagkagat sa dibdib niya kaya napahawak siya sa buhok nito.

“Raphael no… this is wrong–”

As if on cue, may malakas na katok kaya naghiwalay silang dalawa at dali-daling sinuot ni Tati ang tshirt niya. Pumasok ang nurse at tinitignan sila na para bang may alam ito sa pinaggagawa nilang dalawa. Namula tuloy ang buong mukha ni Tati, si Raphael naman ay may malapad na ngisi sa labi na gustong-gustong sampalin ni Tati dahil sa hiya. Pero hindi niya ipagkakaila, masarap humalik si Raphael. Ilang labi na ang natikman ni Tati pero hindi niya makalimutan ang labi ng asawa.

Inabala naman kunwari ni Tati ang sarili sa pagbabasa ng librong dala niya, habang si Raphael ay pinanunuod ang bawat kilos niya.

“Dating kabang cctv sa past life mo, Raphael?” wika niya habang ang mga mata ay nanatili sa librong binabasa.

“Hanggang saan pa ba aabot ang gagawin mo, Athalia?”

Nag-angat ng tingin si Tati at sinalubong ang malamig na mata ng asawa. Hindi siya sumagot, wala siyang maisagot. Kailangan niyang gawin ang lahat, kahit pa isugal niya ang kaluluwa sa impyerno.

***

Naging mahalaga kay Raphael noon si Athalia, naging magkaibigan sila. Kaya hindi niya lubos mapagtanto kung bakit ganun na lamang kalaki ang pagbabago na nangyari sa asawa.

Sa apat na taong pagsasama ay puro lamang sila sakitan, kahit kailan ay hindi naging maayos ang pagiging mag-asawa nila. Sa tuwing nagkikita sila ay puro maaanghang na salita ang palitan nila, mag-asawa sila pero estranghero sila sa isa’t-isa.

Dalawang buwan na ang nakalipas at hindi na nagkita pang muli ang mag-asawa, bumalik sila sa pagiging estranghero sa isa’t-isa. Ni anino ni Tati ay hindi nakita ni Raphael, ni hindi na siya nito kinukulit sa text.

“Ayos ka lang ba, Raphael?” si Dexter, kaibigan niya.

Napabuga ng hangin si Raphael, “Maayos ako.”

Nagtatakang tumingin si Dexter sa kanya, “Bakit parang biyernes santo ang mukha mo?”

“Manahimik ka nga!” asik niya. “Asa’n na ba yung pinapipirmahan mo?”

“Seryoso ako sa tanong ko, Raphael. Ilang linggo na kitang nakikitang ganyan. May problema ba?”

“Nothing, don’t mind me.”

Nagkibit-balikat si Dexter, “Ikaw ang bahala. Basta I am always up sa inuman.”

Humalakhak pa ang kaibigan niya. Inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng mga papeles na nasa harap niya at dinadaldal naman siya ng kaibigan niya. Panakanaka siyang tumingin sa cellphone niya, tila may inaasahang mensahe.

“Raphael, alam mo bang nakita ko si Tati noong nakaraan?”

Nag-angat siya ng tingin, “So?” kunwari ay hindi siya interesado.

“Wala, sinasabi ko lang. I saw her at the hospital, I guess she’s back on track. She looked cool, lalo na noong suot niya ang coat niya. Para siyang si wonder woman.”

“I don’t care and I don’t give a fuck. Mas maayos ang buhay ko kapag mawala siya ng tuluyan,” malamig na sagot niya. At itinaas ang kamay sa kaibigan sabay pakita ng kanyang gitnang daliri.

***

Abala si Tati sa pagbabasa ng chart ng pasyente, makalipas ang dalawang buwan ay mas pinagtuunan niya ng pansin ang kanyang propesyon. Kaliwa’t kanan ang pangungulit sa kanya ng mga Yapchengco, puro kasinungalingan na lang ang dinadahilan niya. Kasi alam naman niyang ipepressure lang siya ng mga ito.

“Ay. Kaganda mo ‘doc!” bati ng pasyente mula sa kabilang higaan.

Nginitian niya ang matanda, “Sus. Nambola pa kayo.”

“Siguro ay may asawa ka na,” wika naman ng isa pang matanda.

Napakagat siya sa labi niya, hindi niya alam kung ano ang isasagot. May asawa siya. . . sa papel nga lang.

“Kung wala ay may irereto ako sa ‘yo Doc!” natatawang wika pa nung matanda.

Humalakhak siya, “Naku. Nakakahiya po!”

“Ay magandang lalaki iyon, Hija. Panigurado ‘pag nagkaanak kayo nun maganda ang lahi niyo!”

“Huwag na ‘ho, nakakahiya po. Baka ‘di rin po ako magustuhan dahil m*****a raw ‘ho ako,” pabirong wika ni Tati.

“Ay swerte nga ‘ho ng mapapangasawa mo ‘Doc. Maganda at matalino! Kaya mas maganda kapag magmamana sa ‘yo ang magiging anak mo!”

Tumawa lang siya bilang sagot sa matanda, kung magkakaanak sana siya. Sana ang ama ay si Raphael, kaso mukhang malabo. Kaunting panahon na lang ang meron siya para mabuntis pero hanggang ngayon ay walang nangyayari.

Nag-excuse siya sa mga pasyente ng tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng coat niya at pinindot upang sagutin ang tawag.

“Bakit ‘ho, Manang Susan?” tanong niya sa kasambahay niya. Iyon lang naman ang tumatawag sa kanya ngayon.

“Umuwi ka na, Tati!” masiglang wika ni Manang Susan mula sa kabilang linya.

Kunot ang noo niya sa pagtataka, “Bakit po? May problema ba sa bahay?”

Tinignan niya muli ang chart na hawak niya habang ang kamay na may hawak ng cellphone niya ay nakadikit sa tenga niya.

“Walang problema ‘nak. Pero—” biglang impit na tumili ang matanda kaya napangiwi siya at inilayo saglit ang cellphone. Ilang segundo lang ay ibinalik niya sa tenga niya.

“Manang!” saway niya sa matanda.

“Ay sya! Umuwi ka na nga! Nandini ang asawa mo!” mapanuksong wika ng matanda.

“Asawa?” nagugulumihanang tanong niya.

“Ay may iba ka pa bang asawa? Malamang sa malamang si Raphael, Anak!”

Nabitawan ni Tati ang hawak na chart at natulala. Umuwi ang siraulo niyang asawa? Nang hindi niya pinipilit at inaaway?

Pinatay niya ang tawag at nakatanggap siya ng text mula sa asawa, “Let’s get an annulment.”

At gumuho ang buong mundo ni Tati. . .

Mabilis siyang nag paalam sa kasamahang doctor na may emergency, halos paliparin na niya ang kotse para maabutan ang asawa niya sa bahay. Nagsikap siya para maayos ang pagsasama nilang mag-asawa pero sana naman ay mas bigyan pa siya ng pagkakataon.

Her hands were shaking as she gripped the steering wheel— a loud screeching of the car as she tried to manipulate the steering wheel. But it was too late, tumama ang sasakyan niya sa isang malaking truck. The last thing Tati knew was that there was blood everywhere. And darkness took her consciousness away.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status