Share

Capitulo Katorce

“Athalia!” Raphael’s voice thundered.

Umirap si Tati at kumalas sa pagkakakapit sa asawa. Umupo siya sa couch. Mabuti na lang talaga at wala siyang kalmot at hindi rin siya nahila ng babaeng iyon.

Ngumuso siya at sumulyap sa pintuan kung saan lumabas ang babae. Nang paalisin ito ni Raphael ay agad namang sumunod ang pobreng babae. Kasi kung hindi talaga ito aalis, magsusumbong siya sa magulang mi Raphael! Aba’t may amnesia na nga siya, ipangangalandakan pa ni Raphael ang kabit nito?!

“Ano bang nakain mo at pumatol ka ro’n? Paano kung nasaktan ka? Kakalabas mulang sa ospital. Hindi ka pa fully recovered! May bali ka pa! Goddamn it!” galit na wika ni Raphael.

Nagkibit-balikat si Tati, “Pumili ka kasi ng babae mo! Hindi iyong trabahante mo!”

“That is not the point here! Paano kung nasaktan ka?! Kung hindi ako kumilos agad baka agrabyado ka pa! You are making my head hurt!”

Umismid siya, “Ikaw rin pinapasakit mo ang ulo ko!”

Bumuntong hininga si Raphael at naglakad papalapit sa kanya, “
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status