Share

CHAPTER 1

CHAPTER 1

   

   Year 2003

   I walked slowly while staring at the back of a guy sitting in the modern gazebo while reading a newspaper, a gazebo surrounded with fresh and beautiful flowers, I grinned.

   'Ano na kaya itsura nito ni Kumag,' bulong ko sa sirili, dahan-dahan kong tinahak ang wooden bridge at bigla siyang ginulat.

   Napatalon siya ng marahan, ''Babe―'' nakangiting aniya ngunit bigla itong napalitan ng gulat ng makita ako, nanlaki ang mata niya at mabilis na tumayo at mahigpit akong inakap. Sinong babe?

   Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya marahan ko siyang tinulak. ''Hey! hey. Let me go.'' Hindi makahingang sambit ko dahil sa sobrang higpit ng yakap niya. ''You're ruining my cloth.'' At kunwaring nagpagpag, bumitiw siya sa pagkakayakap at ngumisi.

   ''You know I can buy you a new one.'' Pagmamayabang nito, yabang mo!

   Umirap ako. ''DON'T!'' mariin kong anas, ''Remember when you buy me a dress? Sobrang luwag sa'kin at ang panget ng kulay.'' Pareho kaming natawa sa sinabi ko.

   Iminuwestra niya ang kamay sa upuan at umupo kami.

   ''Kailan ka pa dumating?'' He asked.

   ''Kanina lang, How was school?'' ani ko at sumimsim ng chocolate na kabibigay lang ni Ate Lida ngunit agad ko rin itong inilapag ng malasahang kape ito, isinara niya ang diyaryo at kinuha ang slice of cake pagkatapos ay tyaka sumagot.

   ''As usual it's all about business,'' parang nauumay na aniya, ''Halos lahat ata ng history ng business ay naituro na sa'kin.''

   I was about to talk when I saw icing on his cheek, I laughed.

   Nakakunot naman ang noo niyang tumingin sa'kin. "What?!"

   Umiling ako. "Alam mo, you're still the kid I met 18 years ago."

   Napatawa siya at tumingin sa'kin. ''Yeah, When you first came here to the Philippines.'' kumain ulit siya ng cake at nagsalita, ''I will never forget that.''

FLASHBACK

   "Baby, say hi to Tito Ian and Tita Gail when we get there, ok?" Kapag-kuwa'y ani Mom na tumingin sa'kin at hinaplos-haplos ang buhok ko.

   Tumango lang ako at nilaro-laro ang teddy bear na bigay nila sa'kin last week.

   Sa bawat madaanan namin ay namamangha kong sinusundan ng tingin ang bawat gusali. So this is the Philippines...

   Nakarating din kami pagkaraan ng ilang minutong byahe. Inalalayan ako ni Mommy bumaba habang bitbit ko ang aking teddy bear. Sinenyasan naman ni Mommy ang driver namin na ilabas na ang mga regalo niya na nasa trunk.

   Tumayo ako sa harap ng bahay at namamangha na namang inilibot ang paningin sa napakalaking bahay na nasa harap ko ngayon.

   "This is shush(huge)," bulol kong sambit. Pagkatapos ay inakay na ako ni Mom papasok, nakita ko na agad ang dalawang taong nakangiti na naghihintay sa'min papalapit at ang mga hlper nila na nasa gilid.

   "Hi, Dr. Roti! I missed you, amiga." Sosyalang bati ng babae kay Mommy at nagbeso sila. Bumati din ang lalaki na asawa nito. Agad namang kinuha ng limang maids ang napakaraming regalo.

   Nakatingin ako sa paligid at ino-obserbahan ang bawat gilid nang biglang may kumurot ng madiin sa aking pisngi. Aray.

   Napasimangot ako at tiningnan kung sino ito.

   "Hi baby Shy, I'm Tito Ian." Nakangiting bati sa'kin ni Tito Ian. "You look adorable." At kinurot ulit ang pisngi ko. Aray. Malakas ko ng hinampas ang pisngi ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na sakit, para bang pati laman ay ang sakit. Nagtawanan sila ng makita na nakasimangot na ako.

   Nahihirapan kong inabot ang kamay ng mag-asawa at nagmano. "Hi tito and tita, I'm Shy."

   Pumasok na kami sa loob at namimilog ang labi ko ng makita kung gaano kaganda ang mansyong ito, ang laki ng chandelier sa gitna ng sala, malawak ang paligid at napupuno ito ng marble tiles sa sahig.

   Inanyayahan nila kaming umupo ng makarating sa living room. "What do you want, Roti?" tanong ni Tita Gail kay Mommy.

   "You know exactly what I want, Gail. Silly!"

   Ngumiti si Tita Gail at bumaling sa'kin na walang hiya-hiyang pasalampak na nakaupo sa couch nila. Itinaas ko ang maliit kong hintuturo.

   "Cho(Do) you have a Shosholeyt(Chocolate), tita?" Nakanguso kong tanong, natawa sila. Tumango sa'kin si Tita Gail at iniutos sa helper ang drinks.

   I was busy sipping my second glass of chocolate when I feel a sudden boredom, ilang minuto na kong nakaupo lang at hindi na mapalagay ang pwet ko dito.

   Tumayo ako at dahan-dahang naglakad, habang abala silang tatlo sa pagke-kwentuhan, pumanhik ako sa backyard nila tito habang bitbit pa din ang teddy bear ko, iginala ko ang mga mata at natutuwang naglakad patungo sa gazebo ngunit isang gate ang nakahagip ng aking atensyon na nasa dulo ng backyard, dahan-dahan akong lumapit dito at marahan itong binuksan dahil hindi naman naka-lock.

  Nakanguso akong lumabas kahit na mataas na mga puno lang ang nakikita ko. Nagtuloy ako sa paglalakad dahil hindi naman ako matatakutin.

   Hindi ko na namalayang malayo na pala ako sa bahay, bigla akong kinabahan at ilibot ko ang mga mata ko at hindi ko na maaninag ang bahay na nilabasan ko.

   Naiiyak akong tumungo sa aking tuhod dahil sa takot, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot.

   Malakas akong umiyak dahil kahit anong tingin ko ay hindi ko na talaga makita ang bahay, tumungo ako ulit at mahigpit na inakap ang teddy bear ko.

   Nang mag-angat ng ulo ay isang pigura ang dahan-dahang lumapit sa'kin. Doon lang nawala ang kaba ko ng makakita ng isang batang lalaki sa gaanong klaseng lugar.

   Madumi ang damit niya pati mukha. Madungis. At parang bao ang style ng buhok.

   Patakbo itong lumapit sa'kin at nangingiti habang pinupunasan ang tulo ng sipon. "Ahe," tawa niya, "Hi!" And he extended his arm towards me.

   Nag-crossed arms ako. "I don't wanna tash(touch) that," maarte kong tugon, tumaas ang kilay niya, nagtaka. Umirap ako ng hindi niya talaga nakuha kung bakit ayaw ko hawakan ang kamay niya. "You used it to wiped your lunny (runny) nose, duh."

  Umirap din siya at kunwaring ginaya ang mga sinabi ko sa mas maarteng paraan. I laughed

   "What's your name?" I asked, at nakapamaywang.

   Sininghot niya ang sipon. "Hi, my name is Pierce Isaiah Romero." Parang aso siyang ngumiti, "What about you?"

   "I am Shy Elizabeth Garcìa-Del Mundo," may pagmamalaking tugon ko at ngumiti rin.

   Nagtaka ako ng makita na para siyang matatawa. "Why?!"

   Umiling siya ngunit patuloy pa din sa pagpigil ng tawa habang tinatakpan-takpan ang bibig. Nainis ako ngunit ng maalala kung bakit ako nandito ay tinanong ko siya.

   "Do you know where's the way to Tito Ian's house?" I asked, hoping that he knows.

   Nabunutan ako ng tinik nang malaki ang ngiti na tumango siya. Sinabi niyang sundan ko lang siya. Halos liparin ko ang bahay ng makita si Mommy sa entrada ng gate na may nag-aalalang mukha.

   Umiyak ako ulit.

   "O my god, Shy!" Tili nito nang makita ako, mabilis ko siyang yinakap. "Where have you been?" hindi mapalagay na tanong niya, hinaplos-haplos ang mukha ko at iniikot ang katawan ko, tinitingnan kung may sugat ba ako.

   Pumasok kami sa loob at doon ko ikinwento ang nangyari at nagpasalamat ako sa batang nakilala ko na nag-iisang anak pala ni Tito at Tita Gail.

   Inaya ako ng anak nila Tito Ian na kumain kami ng cake kaya pumunta kami sa kanilang kusina at hinainan kami ng yaya ni Pierce ng cake.

   Nahalata ko agad ang pagkagusto nito sa cake at kung gaano ito kakalat kumain. Pareho kaming natawa ng makita ang isa't-isa na puno ng cake ang mukha.

END OF FLASHBACK

   "Do you know why I laughed at you that time?" His voice gets me back to my reverie, napangiti ako.

   ''Why?''

   ''Ang daming chocolate ng ngipin mo,'' tatawa-tawa niyang tugon. I wry.

   Bigla kaming tumahimik, parehong may malalim na iniisip. Isang minuto ang lumipas bago niya binasag ang katahimikan.

   ''Ngayong tapos na ang internship mo,'' Nag-aalangan pa siya sa sasabihin, hindi siya makatingin sa'kin. ''Anong plano mo ngayon?''

   Ngumiwi ako. ''I'll apply abroad,'' I simply said, ''Meron na ding hospital ang nag-aabang sa'kin and to tell you, I tried talking to Dad but he won't agree na dito ko na i-master ang pagiging doctor.''

   Naramdaman ko ang pagkalungkot niya kaya nagbiro ako. ''Why will you miss me?''

   He frowned. ''What do you think?! You spent eighteen years studying abroad...'' tumaas ang tono ng pananalita niya, ngunit dahan-dahan din itong humina, ''and now you're going to spend another decade abroad.'' He looked devastated within, but my decision is final.

   Lumapit na lang ako sa kan'ya at hinaplos-haplos ang balikat niya. ''That's why I'm going to stay here for one year.'' Nakangiti ko siyang tiningnan biglang umaliwalas ang mukha niya.

''For real?!'' hindi makapaniwalang aniya at hinalikan ang kamay ko na nasa balikat niya.

   Tumango ako. ''I need to rest my brain, duh.'' Hinampas ko siya at bumalik na sa upuan. ''And you're going to tour me to your future office.''

   Lumawak ang ngiti niya, mas malawak pa sa MOA.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status