Share

CHAPTER 4

CHAPTER 4

I lay down on the bed after taking a bath and checked my phone, hoping someone's message or missed call, but it's empty. It's been a week since we last met or talk.

The supposed to be a one-week get-away from everything instantly disappeared. I sigh.

Tinititigan ko na lang ang pangalan niya na nasa contact ko, I tried to call him after that day but he didn't pick up, and his reason is they began the internship.

Kung sino pa may kasalanan siya pa galit. Awit.

Pabagsak kong hinagis sa gilid ang phone ko habang parehong nakakunot ang noo, nagtuyo na lang ako ng buhok. Is it my fault? No. He shouted at me, what does he expect me to react? Smile? Tsk.

Tinawagan ko na lang si Mommy at ilang ring lang ay sinagot na niya ito. ''Hello, Shy?'' marahang sambit niya.

Napangiti ako ng marinig ang boses niya. ''What are you doing?''

''We just finished our meeting about the vaccine that'll be produced in 2005, How 'bout you?''

I sighed and force a smile before speaking. ''I'm in the house.''

Hindi ko man makita ang reaksyon niya alam kong nagtaka siya. ''Didn't you say you're on vacation with Isaiah for a week?''

I gulped. ''Sadly, their internship started after we arrived at Tagaytay, Mom.'' I lied, I really don't know if their internship already started or he just say it as an excuse.

''I see, by the way, say hi to Gail for me. I'll hang up now.''

''Wait, Mo―'' Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Bumuntong-hininga ako at lugmok ang itsurang ibinaba ang phone. Why do I feel this way? It's as if I made a big mistake. Argh! I just rolled my eyes and try not thinking 'bout him. Buyset na 'yon.

Hihiga na lang sana ako ng biglang may kumatok, dali-dali akong tumalon mula sa kama at binuksan ang pinto sa paga-akala na si Pierce ito. Ngunit bumagsak ang balikat ko nang si Ate Nora ang bumungad sa'kin.

''Uy, may hinihintay,'' sambit ni Ate Nora habang napapangiti, nagkunwari akong hindi ito narinig.

''Ano kailangan mo te?'' I asked.

''Ala una na, Shy. Hindi ka pa ba kakain?''

Biglang kumulo ang tiyan ko nang marinig 'yon. Tumingin ako sa kaniya at sinabi na hintayin lang ako saglit. Nakakalimutan ko na kumain kakaisip sa lokong 'yon.

Kinuha ko ang phone ko at bumaba na kami ni Ate habang gulo ang buhok ko, nanguna naman si Ate Nora habang ngingiti-ngiti, napatigil ako sa pagbaba nang mula sa hagdan ay makita ko ang isang lalaking nakaupo sa sala habang may dalang bouquet of roses. I composed myself before walking. Tumaas ang isang kilay ko.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kaniya na sa sahig nakatingin at hindi matigil ang paa sa kaku-kuyakoy. Bigla naman nawala si Ate Nora ng lumingon ako sa likod ko.

Tumigil ako ilang dipa ang layo namin sa isa't-isa, nag-crossed arms at lumunok bago magsalita. ''What are you doing here?'' Mataray kong sambit habang nakataas ang isang kilay at matalim na tumingin sa kaniya.

Bigla siyang tumayo at umayos ng tindig. Nakokonsensiyang tumungin sa'kin, parang asong nakagawa ng kasalanan, walang salita niyang iniabot ang bulaklak sa harap ko ngunit hindi ko iyon tinanggap at umiwas ng tingin.

''I'm sorry I shouted.'' Pahina ng pahinang saad niya habang nakayuko.

Tumingin ako sa kaniya at natawa pagkatapos ay hinablot agad ang bulaklak sa kaniya. ''It's fine.'' Nakangiti kong sabi, nag-angat siya ng tingin na umaliwalas ang mukha. ''Kahit na isang linggo muna pinalipas mo para mag-sorry, tsk,'' I snorted.

Napangiti siya at bigla akong yinakap. Naramdaman ko na naman ang pamumula ng pisngi ko at ang mabilis na kabog ng dibdib ko, tila nagkakarerahan sa bilis. Bigla akong nanigas.

''I'm sorry. Nag-start na kasi internship namin.'' Pagkatapos ay hinalik-halikan niya ang ulo ko at biglang sumandal sa balikat ko.

Nanlaki ang mata ko at mabilis siyang naitulak dahilan para mapaupo siya sa sofa.

''Aray...''

Mas lumala ang bilis ng kabog ng dibdib ko, baka marinig niya kung gaano kabilis tibok nito. I should get outta here.

Nanlilisik ang mata niyang tumingin sa'kin. ''Galit ka pa rin?!''

Umiwas ako ng tingin. ''H-hindi na, t-tara kumain tayo,'' I stuttered and hurriedly left him there. ''Yaya Meli, b-breakfast po,'' sigaw ko mula sa dining area. Umupo na ako habang balisa.

Maya-maya ay sumulpot na siya sa dining area, tiningnan ko siya ngunit pinanlisikan niya lang ako ng mata habang nakanguso.

Nang matapos kami kumain ay naglagi kami sa parking lot dahil bilang lang ang oras na mayroon siya.

''I just ask for forty minutes to Dad's business partner where I'm interning now,'' he paused, ''so I don't have enough time but tell me, are you still angry?'' He hoarsely said and hold my hand. Naga-alala niya kong tiningnan habang nakalagay ang kamay ko sa pisngi niya.

Anak ka ng― hindi na nga magkanda kalma dibdib ko, titiradahin mo pa ng mga ganiyang galaw?!

Naiilang akong ngumiti sa kaniya. ''Hindi na nga ako galit, sige na lumakad ka na.''

He beamed and kissed my hand before going into his car. In no time I saw him depart.

Napasinghap ako ng hangin at nanghihinang sinapo ang dibdib nang makaalis siya, o my gosh!

''Mababaliw na ata ako,'' mahinang sabi ko sa sarili.

''Mababaliw sa kaniya?'' tumingala ako at nakita ang isang bata na nakasilip pala sa'min kanina pa.

My eyebrow met. ''Who are you?''

Lumabas ang batang lalaki na nasa edad walo at ngumiti kahit kulang ang ngipin sa harap. Nakasuot ito ng hindi kagandahang damit ngunit malinis, isang lilo and stitch design pants, at white shoes na may kalumaan na rin.

''Hi po, ahe,'' aniya.

Lalapit na sana ako ngunit biglang sumulpot si Yaya Meli. ''Chiklit, si Lorenzo. Apo ko,'' anang matanda, ngumiti ako at lumapit kay Lorenzo pagkatapos ay pinisil ng marahan ang pisngi niya. ''Pasensiya ka na, Chiklit ah. Wala kasing magbabantay sa kaniya sa bahay ngayon.''

Umiling ako kay Yaya Meli at naisipang ipasyal ang bata sa mall. Pumalakpak ang bata habang nangingiti at ipinahid ang sipon sa damit niya. He reminds me of someone.

''Yehey! Mangkaka-shopping na ako,'' aniya.

''Bakit hindi ka pa ba nakakapag-shopping?'' tanong ko, umiling siya at bahagyang nalungkot.

Nakaramdam ako ng awa sa kaniya ngunit bahagya akong ngumiti at nagpaalam sa kanila na magbibihis lang, pumili lang ako ng plain blue shirt at jeans pagkatapos ay itinali ang buhok, nang ok na bumaba na ako dala ang chanel shoulder bag ko. Hindi naman magkandamayaw sa tuwa si Lorenzo na nasa sala at nangingiting tumingin sa'kin na katabi si Ate Nora at hawak ang kanang kamay niya.

''Ate, bili mo ako toys huh,'' aniya, tinapik siya ni Ate Nora.

''Magtigil ka nga, anak.'' Pagkatapos ay nahihiyang bumaling sa'kin. ''Chiklit, hindi mo naman kailangan gawin 'to, w-wala din kaming pera pambayad,'' mahinang sambit niya, nakita kong bumagsak ang balikat ni Lorenzo.

''Ano ka ba 'te! Hindi naman ako magpapabayad.'' Pagkatapos ay mahina ko siyang hinampas sa balikat at kukuhain ko na sana ang kamay ni Lorenzo ngunit nagtago siya sa likod ng nanay niya.

''Wag na lang po, ate. Wala kaming pera,'' aniya at ngumuso.

Umupo ako upang magkapantay kami at matamis na ngumiti sa kaniya. ''Wag ka mag-alala, ok? Hindi ako magpapabayad kahit malaking pera pa magastos ko.''

Ilang minuto ko ring pinilit si Ate Nora bago siya napapayag. Sa byahe ay hindi matigil ang kuda ni Lorenzo at panay ngiti paglumilingon sa'kin. This kid is special, his personality is givin' me a bright vibe and his smile tells a million reason to be happy.

Nang makapasok namamangha niyang inilibot ang paningin sa mall at hindi matigil sa pagkaway sa mga taong dinaraanan namin.

''Kilala mo ba sila?'' tanong ko ng may pagtataka. Tiningala niya ako.

''Sino po?''

''Yong mga kinakawayan mo.''

He smiled. ''Hindi po, pero dapat kahit hindi mo kilala babatiin mo,'' aniya, ''Ahe.''

''Paano kung hindi ka pinansin?'' tanong ko ng nasa escalator na kami.

''Edi ok lang po, atleast hindi mo naman sila sinungitan. Masaya lang po ako, first time ko po kasi makapasok rito,'' aniya pagkatapos ay ngumisi.

Nang makarating sa taas doon na nagsimula ang kaliwa't kanan naming pagpasok sa mga departments na may mga laruan o damit, hinihila niya ako pag may nakikitang magandang mga kotseng laruan, tila ba wala kaming kapaguran at hindi na namin namamalayan ang oras. Huli kaming pumunta sa arcade, na ilang minuto rin naming nilibot.

Nang makaramdam ng pagod lumabas na kami sa department at umupo sa bench na nasa labas lang habang parehong maraming bitbit sa kamay.

''Ano gusto mo pa?'' Hingal na hingal kong sambit, ngumiti siya sa'kin at umiling habang habol ang hininga at itinaas ang dalawang kamay niya napuno ng mga bags.

Saglit lang kaming naupo at nahihirapang naglakad papunta sa isang fast food restaurant dahil dalawang oras din pala kaming nalibang sa pamimili.

Nagkekwentuhan kaming dalawa habang naglalakad patungo sa restaurant ng biglang isang babae ang makabunggo ko dahilan para matapon ang hawak niyang drink sa mukha't damit ko.

Nagugulat akong tiningnan ang damit ko na sobrang basa at namilog ang bibig . O MY JEEZ!

''Ate...''

''Fuck..'' Naibulaslas ko.

Namilog ang bibig ng babae at tumingin ng may pag-aalala sa mukha. ''O My gosh, sorry, miss,'' anang babae at natatakot na pinunasan ang damit ko, nanginginig siya.

Inilayo ko ang kamay niya sa damit ko at ngumiti. ''Ayos lang, magpapalit na lang ako.'' Kita ko naman sa mga mata niya ang konsensiya.

I gave her a reassuring smile.

Tumalikod na kami ni Lorenzo at naglakad papuntang comfort room. ''Shit my ten-thousand designer shirt...'' Bulong ko habang naglalakad habang pinagtitinginan kami ng mga taong maraanan namin. Amoy orange juice ang katawan ko at alam kong naamoy rin 'yon ng mga tao na nakakasalubong namin. Naghihimutok ang damdamin ko.

Mabilis kaming nakarating at papasok na sana sa loob ngunit ilang mga tao sa loob ng cr ang pinagtinginan si Lorenzo, nag-aalala akong bumaling sa kaniya.

''Paano 'yan bawal ka.''

''Ok lang ako ate, dito na lang ako sa labas,'' aniya at ngumiti sa'kin pagkatapos ay umupo sa bench na nasa bungad ng cr. Pero hindi ko siya pwedeng iwan na lang kung saan-saan kaya naisipan ko na lang na sa bahay na magbihis, aalis na sana kami ng biglang sumulpot ang babaeng nakabunggo ko kanina at nahihiyang ngumiti sa'kin. She followed us?

Kinuha niya ang kamay ni Lorenzo sa'kin at nagsalita, ''Sige, pumasok ka na. Ako na magbabantay kay―'' Tiningnan niya ang bata.

Ngumiti ang bata. ''Lorenzo po,'' he paused, ''Ahe.''

Nagdalawang-isip pa ako bago iwan si Lorenzo sa kaniya ngunit pumayag na lang din ako dahil hindi naman siya mukhang magnanakaw ng bata, pinahawak ko sa kaniya ang mga bag na bitbit ko at kumuha lang ng isa para pangpalit. Maganda siya, may mala-anghel na mukha at itim na itim na buhok at matangkad.

She's gorgeous. And so am I.

Nang matapos ako magbihis ay nagmadali ako lumabas at nakita si Lorenzo na nakaupo sa bungad ng cr habang ang babae naman ay may kausap sa phone sa di-kalayuan.

Ngumiti ako kay Lorenzo at hinawakan siya sa kamay at binitbit ang mga bag na nasa upuan, lalapit na sana ako sa babae upang magpasalamat nang bigla siyang humarap sa'min.

''Miss, I'm really sorry.'' At dali-daling umalis.

Tatawagin ko pa sana siya ngunit mabilis siyang naglakad papalayo. Nagtataka kaming nagkatinginan ni Lorenzo ngunit pareho na lang namin 'yong ikinibit-balikat at bumalik sa restaurant upang kumain.

Níght

Hi! I hope you're having fun, readers. I'm looking forward to more interaction with you, so expect a mountain of author's notes. *Giggle Please let me know what you think every time you're reading Shy and Perce's story, I'm open to improvements and criticisms but not bashing. Maraming salamat sa inyo! Sending virtual appreciation. ( ˘ ³˘)

| 1

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status