CHAPTER 2
Kararating ko lang sa bahay dahil gabi na rin ako nakauwi mula sa bahay nila Isaiah, doon na rin kasi ako naghapunan kasama sila Tita Gail, at ngayon pa lang ako makakapagpahinga, inilapag ko lang kasi sa harap ng bahay ko ang mga maleta ko kanina pagkatapos ay dumerecho na kila Tita.
''Jet lag is real,'' bulong ko nang makapasok, inilagay ko lang sa sala ang mga maleta at pumanhik na sa kwarto upang matulog.
Kinabukasan maaga akong nagising nang marinig na may kumakatok sa pinto ko. ''Yaya Meli?'' Naaantok ko pang tugon, tamad akong tumayo upang buksan ito at laking gulat ko ng makita si Pierce sa labas ng kwarto ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, nakasuot siya ng black polo shirt na naka-unbotton ang itaas na bahagi at fitted na gray trousers pagkatapos ay white shoes.
Gwapo.
''Anong ginagawa mo dito?'' takang tanong ko, ngunit umiwas siya ng tingin at parang tangang tumingala.
''A-ano...ah.'' nasa taas pa din ang tingin niya, pagkatapos ay bilang naiinis na nagsalita, ''Mag bra ka nga muna!'' At mabilis na kinuha ang pinto upang isara, naiwan naman akong nakatanga sa hangin.
Dahan-dahan akong tumingin sa dibdib ko at napasinghap ng hangin nang makitang wala nga akong suot na bra. Patakbo akong pumunta sa cr at ilang minuto munang nag-stay doon.
Nakakahiya. You're stupid, Shy!
Lumabas na ako ng kwarto ngunit dahan-dahan ang baba ko at nagdadalawang isip kung haharapin ba siya, kagat-labi akong pumunta sa dining area kung saan siya naghihintay.
Nang makita ako ay napangisi siya, inungusan ko lang ito at umupo sa puno ng lamesa habang nasa kanan ko naman siya.
''B-bakit ka nga pala nandito?'' ani ko habang sinusubukang hindi mautal.
''I'm here to eat.''
Tinarayan ko siya. ''Wala bang pagkain sa inyo?'' Dumila lang siya sa'kin at tinawag na Yaya Meli at sumenyas na ilabas na ang mga pagkain.
Malalaki ang matang sinundan ko ang mga inilalabas na pagkain dahil parang isang baranggay ang pakakainin sa dami nito.
Nagugulat ko siyang tiningnan ngunit ang mga mata niya ay nasa mga pagkain.
Malakas ko siyang hinampas sa balikat. ''Baliw ka ba?!'' singhal ko, ngunit bahagya lang niya akong nginitian. ''Ang dami nito! Sa tingin mo mauubos natin 'yan?''
''Kumain ka na, daldal mo,'' asik niya at mabilis akong nilagyan ng kanin at mga ulam. ''You should eat all that, we're going somewhere.''
Nagtaka ako ngunit hinayaan ko na lang ang gusto niyang gawin, nakita ko naman na ngumingiti-ngiti sila Yaya Meli at Ate Nora sa'ming dalawa.
''Naku! para pa rin kayong mga bata,'' ani Yaya Meli, habang si Ate Nora naman ay halatang kinikilig.
''Kailan ba ang kasal niyo?'' Walang pakundangang tanong ni Ate Nora dahilan para lahat kami'y may malalaking mata na tumingin sa kaniya, binunggo siya ni Yaya Meli ng maharan sa tagiliran. Nahalata niyang mali ang sinabi niya kaya tinakpan niya ang bibig at yumuko. Biglang nag-init ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
Sandaling tumahimik ang paligid ngunit nakangiting sumagot si Pierce kay Ate Nora, ''Magkaibigan lang po kami, parang kapatid ko na to e,'' He said and glance at me.
''Yuck! I would never dare loving this runny-nose-man.'' Pang-aasar ko kay Pierce na biglang sumingkit ang mata, I faked a laugh. Napipilitan akong nakisabay ngunit sa loob-loob ko ay nakaramdam ako ng kirot.
Pagkatapos namin kumain ay sinabihan niya akong suotin ang dress na dala niya na nasa kama ko na, hindi nalang ako nagsalita at pumanhik na sa taas pagkatapos ay naligo.
He really is a grown-man now, huh. Parang dati uhugin pa.
Pagkatapos maligo ay binuksan ko ang malaking box na nasa kama ko at tiningnan ang laman nito.
''Wow...'' namamangha kong anas, ngunit bigla din akong nakaramdam ng lungkot nang maalala ang sinabi niya.
Magkaibigan lang po kami, parang kapatid ko na to e
parang kapatid ko na to e
parang kapatid ko na to e
parang kapatid ko na to e
Naiinis kong hinawakan ang ulo ko dahil sa frustration.
I heaved a deep breathe and shook my head. ''Right, Shy! Magkaibigan lang kayo, no more!'' sabi ko sa sarili at nag-ayos.
As soon as I finished preparing, I went downstairs, wearing my white wrap dress with black stilettos, and my brown GG Marmont Leather Handbag.
Ngumiti ako sa kaniya nang makita siya sa sala na nagtitipa sa phone, tumayo siya agad nang makita ako.
''You look,'' he paused, ''you look ridiculous.'' Pagkatapos ay malakas na tumawa.
''Gago!'' singhal ko at naniningkit ang mata na nakatingin sa kaniya.
Nagpaalam na kami kila Yaya Meli na aalis na. Sa byahe ay pareho lang kaming tahimik, ako ang bumasag sa katahimikan.
''Saan ba tayo pupunta?'' I asked. Saglit siyang tumingin sa gawi ko at ngumiti.
''You said you wanted to see my future office, right?'' aniya, ''So we'll do it.''
Napangiti ako. This is my first time visiting their company, well, nakita ko na ito noon ngunit nong nasa States na ko, nalaman ko na ni-renovate ang main building at hindi ko alam ang itsura nito ngayon.
Ilang oras pa ay huminto kami sa harap ng napakalaking building na napapaligiran ng mga gwardiya.
Bumaba si Pierce at inalalayan ako palabas.
''Wow...'' nakanganga ang bibig na sambit ko dahil sa pagkamangha, nakalagay sa taas ang pagkakakilanlan ng pamilya, 'ROMERO GROUP'. Inaya niya na akong pumasok, at sumenyas siya na ilagay ang kamay ko sa braso niya, nagsipag-hilera ang lahat ng empleyado pagkapasok pa lang naming sa entrada at nagsi-yuko, marahan ko siyang hinampas sa braso. ''Ba't may pa ganito pa, di ko naman kailangan nito e,'' natutuwa kong sabi.
''Di naman para sayo 'yan.'' Pang-aasar niya, naningkit ang mga mata ko. ''Ako ang magiging may-ari kaya ganyan sila, SA AKIN.'' Diniinan niya talaga ang salitang 'akin', kinurot ko siya ngunit tatawa-tawa niya lang akong tiningnan. Habang dumadaan kami hindi nakaligtas ang ilang bulungan ng mga empleyado.
''Akala ko kasama ni Sir Isaiah si Mam Queen,'' anang isa.
''Wag ka nga mainay, baka marinig ka!'' pabulong na singhal ng katabi niya.
''Nakakamiss din si Mam Queen,''
Iwinaglit ko na lang ang mga narinig at nagpaakay sa kaniya sa elevator.
''How does it look to you?'' aniya habang nasa loob kami ng elevator.
Sinamaan ko siya ng tingin. ''It's beautiful.''
Hanggang makarating kami sa 21st floor ay hindi niya pa din ako tinantanan kakaasar dahil sa pagka-feelingera ko raw, kaya umakto akong sasapakin siya.
Hindi na talaga mawawala ang pagkamanghang nararamdaman ko.
''Welcome to my world,'' aniya at ibinuka ng malawak ang dalawang kamay.
Inakay niya ako sa meeting room, naglakad kami patungo dito. Binuksan ni Pierce ang pinto at natutuwa akong papasok sana pero nagulat din dahil meron pa lang nagaganap na meeting ngayon at nakita ko ang pagpalit ng mga mata nila mula sa board papunta sa'kin, gosh I interrupted them. Bigla kong sinara ang pinto.
Nahihiya kong inaya si Pierce na umalis na ngunit nakakailang hakbang pa lang kami ay bumukas uli ang pinto at iniluwa nito si Tito Ian.
Tinawag ako nito at lumapit sa'kin. ''Come in side, Ija,'' magiliw na aniya. Nakababa ang tingin kong sumunod dahil sa hiya, naiwan naman si Pierce na nakasandal sa pinto habang nakapamulsang nakatingin sa'kin.
Dinala ako ni Tito sa harap ng mga ka-meeting niya. ''Hi, everyone,'' he paused while smiling, ''This is Shy Elizabeth Del Mundo, the heir to the number one pharmaceutical company in the world,'' Tito Ian proudly said, mas lalo akong nahiya. Ang iba ay hindi makapaniwalang tumingin sa'kin, nagsimula naman ang bulong-bulungan ng mga tao lalo na ng mga babae.
''I thought she was Queen.' Dinig kong sabi nang babaeng nasa unahan ng table ngunit hindi ko na lang ito pinansin.
Saglit pa akong nakipagbatian sa kanila bago kami hinayaang umalis ni Tito Ian. Pumanhik kami sa kaniyang opisina na malapit lang sa meeting room ng building.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at namamangha akong inilibot ang paningin sa apat na sulok ng kwarto.
''Ang laki,'' sambit ko.
Ngumisi siya, ''Well.''
Nagtingin-tingin ako sa mga librong nasa bookshelf at na-agaw ng atensyon ko ang isang libro kinuha ko ito at babasahin na sana ngunit isang papel ang nahulog na nakasiksik sa pagitan ng librong kinuha ko.
Pinulot ko ang papel ngunit walang nakasulat sa harap kundi heart stamp lang, tiningnan ko ang likuran nito at mayroon akong nakitang sulat kamay.
TO: PIERCE ISAIAH
FROM: YOUR QUEEN
Psh! Corny naman ng 'your queen', sambit ko sa sarili.
Bubuksan ko na sana ito ngunit bilang sumulpot si Pierce at hinablot sa'kin ang papel at itinapon sa basurahan, nagtaka ako.
''Ano 'yun ha?'' nangu-usisa kong tanong ngunit umiling lang siya at iniiba ang usapan.
CHAPTER 3 Pauwi na kami't lahat-lahat ngunit naiwan pa din sa utak ko ang ginawa niya kanina. Bakit parang may tinatago siya sa bestfriend niya? Hmp! Ipinarada na ni Pierce ang sasakyan sa harap ng bahay at inalalayan ako palabas. Nasa harap na kaming pareho ng gate at hindi alam kung anong sasabihin sa isa't-isa. Siya ang unang nagsalita, ''Uhm, I'll see you tomorrow?'' aniya at hinalikan ako sa pisngi. Biglang nag-init ang mukha ko sa ginawa niya. Tumango ako at nangiti. ''Bilhan mo ako ice cream.'' He nodded but I heard his whisper. ''Ang daming pera 'di makabili?'' Sumingkit bigla ang mata ako, tumawa siya at nagpaalam na, binuksan ko na ang gate pagkatapos ay dumerecho papasok, nang makarating sa loob ay hinubad ko agad ang stillettos na maghapon kong suot, nilagay ko ito sa maliit na shoe rack at d
CHAPTER 4 I lay down on the bed after taking a bath and checked my phone, hoping someone's message or missed call, but it's empty. It's been a week since we last met or talk. The supposed to be a one-week get-away from everything instantly disappeared. I sigh. Tinititigan ko na lang ang pangalan niya na nasa contact ko, I tried to call him after that day but he didn't pick up, and his reason is they began the internship. Kung sino pa may kasalanan siya pa galit. Awit. Pabagsak kong hinagis sa gilid ang phone ko habang parehong nakakunot ang noo, nagtuyo na lang ako ng buhok. Is it my fault? No. He shouted at me, what does he expect me to react? Smile? Tsk. Tinawagan ko na lang si Mommy at ilang ring lang ay sinagot na niya ito. ''Hello, Shy?'' marahang sambit niya. Napangiti ako ng marinig ang boses niya. ''What are you doing?'' ''We just finished our meeting about the va
CHAPTER 5 ''Nakilala mo ba 'yong babae kanina?'' Tanong ko kay Lorenzo nang nasa parking lot na kami't naglalakad. Umakto siyang nag-iisip. ''Queen daw po.'' Bigla akong napahinto sa paglakad at tumingin sa kaniya. ''Ano?'' ''Queen daw po pangalan niya,'' ani Lorenzo. Ipinagsalawang-bahala ko na lang ito at inakay na si Lorenzo sa sasakyan. Kahit gaano kadaldal si Lorenzo ay hindi ko makuhang makisabay sa kaniya, ni hindi ko kayang makipagkwentuhan at hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. May bumabagabag sa isip ko pero kahit anong waglit ko dito ay hindi ito mawalawala, sinusubukan kong ibaling ang atensyon kay Lorenzo ngunit hindi ko magawa, tatawa ako ng pilit at kunwari naiintindihan ang sinasabi niya ngunit kahit isa'y walang pumapasok sa isip ko. I immediately parked the car as soon as we arrived. Pumasok kami sa loob dala ang napakadaming mga bags na naglalaman n
CHAPTER 6 Hanggang sa makauwi sa bahay ay labis pa rin ang pagtataka ko sa nalamang mayroon siyang naging girlfriend, hindi naman iyon imposible pero alam kong hindi pa 'yon posible lalo na't nag-aaral siya. But he had. I shrugged. Nang sabihin niya 'yon, nasaktan ako, dahil parang natapakan ang ego ko bilang bestfriend niya, tsk. I'm his bestfriend pero hindi ko alam, yawa. Naantok akong naglakad papasok ng bahay nang makarating, humikab ako bago buksan ang pinto at agad na bumungad sa'kin si Yaya na hindi pala makatulog. Ngumiti siya at lumapit ng makita ako. ''Sana r'on ka na lang natulog kila Isaiah, Chiklit, para hindi ka na nagmaneho,'' aniya, umiling ako at ngumiti. ''Busy 'yon sa internship niya, Ya e,'' sambit ko, ''Ilang months na lang kasi siya na ang hahawak ng kompanya nila.'' Tumango-tango si Yaya Meli habang inaakay ako papuntang sala. I can't remember how long she hav
CHAPTER 7 Tuliro ang utak ko habang nagmamaneho ng walang direksyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi man lang ako nakapagpalit ng damit, tanging jacket at short lang ang suot ko. Namalayan ko na lang ang sarili ko na huminto sa isang park at ipinasok ko sa bulsa ng jacket ang dalawa kong kamay at naupo sa wooden bench sa may tabi, dinama ko ang haplos ng hangin at pumikit. Bigla na lamang tumulo ang luha ko sa hindi ko malamang dahilan. Sa gitna ng maraming tao ay umiyak ako. But I don't care. My heart is aching right now, and I don't know the fuck why. I felt not belong, I felt like I'm an outcast. Iniyak ko lang ito ng iniyak hanggang sa makaramdam na may nagpunas ng luha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ang napakagwapong lalaki na nakatayo sa harap ko. His brown eyes met my almond gray eyes, and I can see the longing in them. Huminto ang nagwawala kong loob ng ma
CHAPTER 8TRIGGER WARNING: MOLESTEDIsang linggo na ang nakalipas no'ng huli kong makita si Tina, naging busy na rin kasi silang pareho sa wedding nila at si Pierce, pumupunta pa rin naman siya sa bahay pero saglit na lang dahil masyadong nagiging mahirap sa kanila ang internship, kahit pa sabihin nating business partner 'yon ng daddy niya ay hindi pa rin maiiwasang maging mahigpit ito dahil usapang business ang involve at hindi lang maliit na negosyo ang patatakbuhin niya sa future kun'di isang conglomerate company.Habang naglalakad sa bgc hindi ko pa rin makalimutan ang mga naging usapan namin, hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko dahil magulo si Tina kausap.FLASHBACK''Kumusta na pala kayo ni Pierce?'' ani Tina at iniabot sa'kin ang dalang apple juice.Umiwas ako ng tingin, ''Ayos lang kami.''Tumaas ang isang kilay nito na tila ino-obserbahan ang kilos ko.
CHAPTER 9Naririnig ko ang bigat ng paghinga ni Pierce habang naglalakad kami, para kasing sa Batanes pa nakapark sasakyan niya. Mabilis ang lakad naming dalawa habang hawak-hawak niya ang wrist ko.''Ano ba! dalawang oras pa ba tayong maglalakad?!'' singhal ko ngunit hindi niya na lang ako pinansin at nagbuntong-hininga.Nang nasa sasakyan na kami, walang naglakas loob sa'ming dalawa na magsalita. Nahihiya ako. Tahimik lang na nag-drive si Pierce papunta sa bahay ko at hindi man lang nakuhang lumingon sa'kin, nasa daan lang ang kaniyang paningin.Namilog ang bibig ko ng maalala na meron nga pala akong bitbit na mga shopping bags. Shit! Naiwan ko pa 'yong mga pinamili ko! Kay Lorenzo pa naman sana 'yon. Palihim na lang akong ngumuso habang nakatingin sa labas. Hindi ko na rin naman kasi gugustuhing bumalik do'n no! 20K lang naman nagastos ko kaya ok lang. Bibili na lang ako ng bagong mga damit at sapatos para kay L
CHAPTER 10 FLASHBACK ''Dad no! Let me stay here, please...'' I pleaded while looking straight into his eyes. I saw his anger, but I don't care. The most important here is what I want. ''You don't understand, damn it!'' Mariing anas niya habang hawak ang sentido kanina pa. Nakatingin lang sa'ming dalawa si Mommy at pinapakalma si Daddy. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanilang dalawa. ''I do understand what you wanted, Dad,'' I said, lumunok muna ako bago nagpatuloy, ''But I wanna stay here for a while. Please.'' Kitang-kita ko ang pagkakakunot ng noo niya, I know he's stress about me, I know they both but, I want to stay here. I want to stay here! ''Give us reasons why we should let you.'' Biglang sabi ni Mom na bagama't sopistikada ang dating ay halata sa mga mata ang galit at lungkot. Hindi ko naman sila gusto suwayin dahil hindi naman ako 'y