"Good morning, babe. Bangon ka na. Baka ma-late ka pa at mapapagalitan ka ng sumpungin mong boss," nakangiti kong sambit.
"Hmm, sige. Ingat ka, babe. See you when I see you. Labyu!" pagpapaalam ko bago niya unang ibinaba ang tawag.
A great morning indeed lalo na't narinig ko ang boses niya.
"Ayan ka na naman, pre. Parang nagiging alarm clock ka na sa kagigising mo ro'n sa gf mo," react naman ni Gerome, pinsan kong walang love life.
"Alam mo, Gerome, kapag gusto at mahal mo ang isang tao, gagawin mo lahat para sa ikabubuti at ikasasaya niya," naka-akbay kong sabi.
Ang powerful talaga ng mga words of wisdom ko sa umaga.
Magkasalubong na kilay niya naman akong tiningnan. "Oh, para ka na ring nanay ngayon kung magsalita. Gagawin daw ang lahat, para kanino? Sa mga anak mo, pre?"
Ang bitter talaga ng lalaking 'to.
"Eh, kung e-try mo kayang magka-love life nang makulayan ang black and white mong buhay? Este, para malaman mo kung ano ang ibig kong sabihin." Patutsada ko habang isinusukbit ang office bag at iniayos ang nagusot kong pants.
"Ay kahit fling man lang, pre. Teka, hindi... dapat magka-crush ka pala muna para may maging inspiration ka naman," pang-aasar ko sa kaniya sabay halakhak.
"'Di ako tutulad sa'yo 'no! May dream girl kaya ako, wala nga lang dito sa Pinas," pagmamayabang pa niya.
Tinapik ko ng marahan ang balikat niya at ngumisi. "Wala sa Pilipinas dahil nasa dreamland? Hanggang panaginip mo lang 'yon uy. 'Wag masyadong assuming, makaka-disappoint lang 'yan sayo."
"Ah, k. Thanks, bye. Matisod ka sana at mauntog," inis na sabi niya.
"Salamat sa jinx, pre!" nagpipigil na tawa kong sagot bago umalis.
Nakangisi akong lumabas ng condo dahil sa naiwang asar na pagmumukha ni Gerome.
Sa iisang condo unit lang kami nakatira ng pinsan ko, pero sa magkahiwalay na kuwarto. Mas matanda ako sa kaniya ng dalawang taon kaya parang mag-tropa lang kami.
Bumukod ako sa pamilya ko dahil may sarili na naman akong pinagkakakitaan sa buhay kahit papaano.
Habang tinatahak ang daan, may nakasalubong akong isang cute at magandang batang babae na nakangiti sa 'kin. Sinalubong ko ang nagbabadya niyang yakap.
"Hi, Tito Teo! Good morning po!" bati niya. Ang bibo talaga ng batang 'to, humahagikhik pa.
"Hello, little girl. Papunta ka na sa school?" tanong ko habang bahagyang umupo para magkapantay na kami.
Agad namang siyang tumango. "Yes po, Tito. Nakita po kasi kita rito kaya tumakbo ako papunta sa inyo. Naiwan ko nga po si Papsy," sabay hagikhik ulit. Pinisil ko slight ang nakaumbok niyang pisngi.
May pinagmanahan talaga sa 'kin 'tong pamangkin kong 'to.
Bigla namang sumulpot ang naghahabol-hininga niyang ama. Huminto muna saglit si Kuya sa harapan namin. "Ah, kaya pala bigla ka na lang tumakbo? Si Tito mo pala nagpa-excite sa'yo. Kumusta ka na, bro?" bati sa'kin ni Kuya Peter at marahan kaming nagtapikan.
"Heto, ayos lang naman, Kuya. Sabay na 'ko sa inyo ng little girl ko nang makapagkuwentuhan naman tayo kahit saglit."
"Yey, lablab mo talaga ako, Tito!" sabi nitong si Dexie at mabilis na dumapo ang kiss niya sa pisngi ko. Ang sweet naman!
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa elementary school na pinapasukan ni Dexie.
Sa lima naming magkakapatid, pangalawa ako at ang tumatayong padre de pamilya dahil sa pang-iiwan sa amin ng magaling naming ama. Sumakabilang bahay at bumuo na siya ng panibagong pamilya na nagpahirap lalo sa noo'y maralita naming buhay.
Elementary pa lang ako no'n at graduating na sana si Kuya sa high school nang nangyari ang dagok sa buhay ng pamilya namin. Kambal na lalaki at babae ang sumunod sa akin na limang taong gulang lang no'n at ang bunso naming lalaki ay kaka-isang taon lang.
Halos nagkandaugaga na si Mama kahahanap ng makakain at mapagkakitaan dahil si Papa na noon ang naghahanapbuhay at kumikita. Maging ang munti naming tindahan ay naubusan ng mga paninda dahil nagamit namin.
Kaya ako ang umako ng responsibilidad ni Papa dahil maagang nagkapamilya si Kuya Peter, ang papsy ni Dexie. Siya ang panganay sa aming magkakapatid ngunit dahil sa pang-iiwan ni Papa, natutong magbulakbol at napariwara ang landas ni Kuya. Walang magawa si Mama noon dahil mas inasikaso niya ang mga nakababata naming mga kapatid.
Nabuntis niya ang kakakilala pa lang niyang girlfriend na parehong menor de edad. Pero hanga ako sa kaniya dahil hindi niya tinalikuran ang responsibilidad na 'yon. Ngunit hindi nagtagal, namatay ang kanilang unang anak bago ito mag-isang taon dahil sa komplikasyon sa puso. Pero hanggang ngayon, sila pa rin at mag-asawa na. Dahil nahinto sa pag-aaral, natuto siyang kumita at naghanapbuhay. Maayos na rin ang kalagayan nila ngayon at muling biniyayaan ng supling na si Dexie.
Naaawa ako sa aming naiwan ng magaling naming ama dahil dala-dala pa rin namin ang apelyido niya. Palatandaan na maayos kami noon, ngunit sinira niya lang ng ganon.
Ngayong nakaangat-angat na 'ko, ini-suggest ko kay Mama na ipa-annul ang kasal nila at papalitan ang apelyido naming magkakapatid sa apilyedo ni Mama pagkadalaga. Ngunit 'di siya payag dahil mahabang proseso raw 'yon, kaya hayaan na lang daw namin. Ama pa rin namin siya kahit pagbaliktarin pa man ang mundo.
Alam ko naman na may pagmamahal pa rin si Mama kay Papa, kaya pinalaya niya ito.
Ika nga, "if you love someone, set them free. If they won't come back, then it's not yours to keep."
Medyo napa-urong pala ako dahil sa pagbabalik-tanaw at 'di ko namalayan na malapit na pala kami.
"Baby, 'wag ka na magpabuhat sa Tito mo, mapapagod lang 'yan. 'Di ba, big girl kana?" ani ni Kuya. Akala niya siguro, kaya ako tumigil sa paglalakad dahil nabibigatan ako sa pamangkin ko.
Bigla naman akong umayos sa pagkakarga kay Dexie. "No need na, Kuya. Na-miss ko rin 'tong buhatin kahit mabigat, slight lang naman," nakangiti kong sagot at kinindatan ang bata.
"Papsy, Tito wants it and hindi pa 'ko big girl 'no, later na kung lalabas na ang younger sibling ko sa tummy ni Momsy," naka-pout naman niyang sabi.
"Teka, tama ba 'yong narinig ko? Magkaka-baby uli kayo ni Jenn, Kuya?" manghang tanong ko. May baby pamangkin na naman akong kakargahin soon.
Agad namang tumango si Kuya Peter. "Ah, oo, bro. Magiging tatay na ulit ako at magiging ate na si Xie," proud na proud niyang balita. "Pati ikaw, magiging Tito ulit," dagdag pa niya.
"Wow, that's great! Magkakapamangkin na naman ako, yes!" abot-tengang ngiting sabi ko at napayakap ng mahigpit kay Dexie.
"Tito, please, ibaba mo na po ako. We're here in school already," niyugyog niya ang balikat ko upang ibaba na siya.
Sinunod ko naman agad siya at pinisil sa cheeks pagkababa.
"Okay, bye na little girl. Be careful ha at 'wag pasaway," bilin ko sa kaniya.
Naglakad na si Dexie papunta sa elementary school na kaniyang pinapasukan. Kinawayan pa niya kaming dalawa ni Kuya habang papasok na siya.
"Sige, Kuya. Congrats sa inyo ni Jenn. Bisita kayo minsan sa resto. On the house," saad ko at tinapik siya sa balikat.
"Baka kasi na-miss na rin ni Dexie ang sweets namin," dagdag ko. Pero ang totoo n'yan, ako ang naka-miss manglibre sa kanila. Suki na kaya ang pamilya ko ng free meals sa resto ko.
"That's a good idea, bro," nagkawayan kami bago magkahiwalay ng daang nilakaran.
"Good morning, Sir. Mukhang good na good mood kayo ngayon ah," bungad sa 'kin ng guard sa resto ko na si Chief Joemar. "May sobrang good news lang din kasing sumalubong, chief." Hindi pa rin siguro nawala ang bakas ng kasiyahan sa nakasalubong at nabalitaan ko kanina kaya napansin niya. Kung no'ng una'y ngiti ng pang-aasar ko kay Gerome ang meron ako, napalitan naman ito ng kagalakan at kaligayahan para sa incoming new member of the family. Pagkapasok ko sa kitchen area, agad kong isinuot ang usual get up ko na bib apron at hairnet na pinatungan ng white head cap. "Good morning, Chef. Ito po ang menu natin ngayon. May reservation po kasi tayo for lunch meeting ng ILY Corp.," pag-e-explain ng assistant chef ko sabay abot ng menu. "Well then, simulan na natin!" saad ko. "Aye, aye, Chef!" sigaw ng staffs ko in unison. Nag-prepa
9:40 pm na at nagre-ready na kami para magsara, kaka-alis lang din ng last customer. 9:00 am to 9:00 pm ang operating hours namin kaya mahaba-habang araw talaga ang nangyari kanina. Nilalakad ko lang ang resto papuntang condo dahil walking distance lang naman 'to. Sayang lang ang gasolina at mas mabuti rin para hindi na ako makadagdag sa polusyon na nagaganap sa mundo. Napatingin ako sa isang bench kung saan may nakahigang babae, parang natutulog ito at walang pakialam sa paligid. Ngunit bakit d'yan siya natutulog? Hindi ba siya na-iingayan sa paligid? Delikado pa naman ang panahon ngayon, nagkalat na ang mga hindi mabubuting loob. Samo't-saring krimen ang mga nangyayari lalo na sa mga kabataan at kababaihang nagiging biktima. "Ah, baka umidlip lang siya sandali, uuwi rin siya," saad ko sa sarili ko bago siya nilampasan hanggang sa nakauwi na 'ko. Agad akong nagbihis ng
"Well, you have a point, maybe I was." Nagsimula na kaming lumakad papuntang resto. Wala pa ang mga employees dahil 7 o'clock pa naman ang call time nila. Binuksan ko na ang main entrance ng resto at nilapag muna ang dala ko. "You can wait here, okay? I'll get you some food to eat," tiningnan niya lang ako at tinanguan. Pinaghintay ko muna siya sa kahit saang parte ng resto na gusto niya habang papunta ako sa kitchen area. Nag-prepare lang ako ng spaghetti since ito lang ang mabilisang lutuin. Kumuha na rin ako ng slice ng custard cake sa fridge. Wala pa kasing ingredients kaya wala pa akong malulutong ibang pagkain. We serve newly cooked dishes everyday. Minsan ay cook while you wait nga sa orders kung wala sa menu ang gusto ng customers, as long as available lang ang ingredients. Ganyan kami ka flexible. "Miss, eto na..." biglang nawala ang babae. Nand
"Sir," katok ng staff sa opisina ko. "Come in," tipid kong sagot habang patuloy sa pagb-browse sa laptop ko. "Good morning, Sir. These listed will be your schedule for today." Si Rose pala. "Okay, thank you, Rose," sabi ko nang hindi inililihis ang atensyon sa laptop. "Ah, Sir. Bumisita po pala 'yong mother at mga kapatid mo kahapon. Hinahanap ka po at pinabibigay 'to," iniabot niya sa'kin ang isang maliit na paper bag. "Ang bait po talaga ni Ma'am Sandra, binigyan din niya po kaming lahat ng tig-iisang calamay na nasa isang coconut shell," nakangiting sabi ni Rose. Napadaan pala sila Mama rito. Sayang naman at hindi kami nagpang-abot. "Ah sige, Sir. Labas na 'ko. Tuloy lang po kayo sa ginagawa n'yo," pagpapaalam niya. "Salamat, Rose." "You're welcome po, Sir."
Dahil sa naging busy ako those past few day, ngayon ko sisimulang tulungan siya. Si lost Angelie. Nag-search ako ng kung ano-ano sa internet. May same cases kay Angelie pero nakakaalala pa naman sila sa past nila. Alam nila kung ano ang cause of death nila, may ibang cases ng mga spirits na bumabalik ay lost souls na may mga unfinished business. Some were victims naman who wants justice. May vengeful spirits din na gustong makaganti bago matahimik. Ewan, parang gawa-gawa lang 'yong ibang nababasa ko. Ano kaya si Angelie do'n? Mahihirapan akong alamin kung bakit siya nandito dahil wala akong alam tungkol sa kanya, maski siya walang alam sa sarili niya. Kumuha ako ng notepad at nagsulat ng Ways to help Angelie know herself as header. This will all be a secret, no one must ever know. No one, this will just between Matteo and Angelie. Puno ko sa isinulat kong note bago simulan ang list. I know th
Ngayon ang first day namin ng deal. She wanted it as soon as possible. Siguro nahihirapan na siyang kilalanin ang dating sarili niya. "What will we do first?" tanong niya sa 'kin habang nagtatali sa sintas ng sapatos ko. "I think we should start to know what you like and not," suggestion ko. Sa ganoong paraan naman kasi mas mapapadaling umusad sa isang desisyon. Kung gusto mo ba o hindi ang isang bagay o gawain. "Okay, these last few days since I'm with you, I love seeing colorful. Something lively. Every thing like on your restaurant," agad naman na sagot niya. Hindi ko alam ang dapat magiging reaksyon ko. Pero I will take that as a compliment sa efforts ko. "Rea
Natapos na akong kumain kaya naglakad-lakad ulit kami. Nakadaan kami ng arcade kaso pagkalagpas na namin, nilingon niya ito ulit. May gusto na naman ba siyang gawin? "Do you want to go there and have some fun?" tanong ko sabay turo sa palaruan. "Really?" excited niyang sagot. "Let's go!" Nauna na siyang pumasok at ako naman ay nagpapalit muna ng tokens. Parang bumalik ulit ang excitement ko no'ng una akong nakapunta sa lugar na kagaya nito. College na ako no'n pero hindi ko napigilang laruin lahat ng kaya kong malaro sa arcade. Gumagala sa mga gan'to sa tuwing matatanggap ko na ang sahod ko sa pagpa-part-time. "Can we play that one?" turo niya sa basketball shooting. Naghulog agad ako ng token at gumulong ang mga bola palapit sa amin, nag-start na ring umandar ang timer. Kukuha na sana siya ng bola nang tumagos ito mula sa k
Sabado ng gabi na ngayon. Time flies too fast. Kagagaling ko lang sa nakakapagod na sanitary inspection sa restaurant. Pagkadating ko ng condo, isang luggage at backpack ang sumalubong sa 'kin. Oo nga pala!"Ngayon na pala 'yong flight mo, Pre?" salubong kong tanong kay Gerome, bago umupo sa couch."Oo, nakalimutan mo ba? 'Wag kana mag-drama r'yan. Soon, magkikita pa naman tayo ulit," sabi niya at niyakap ko siya. Parang nakababatang kapatid ko na rin 'to. Siya ang pinaka-close kong pinsan dahil halos kasabay ko na rin siyang lumaki. Ma-mi-miss ko ang mokong na ito."Ihahatid na kita sa airport, baka ma-late ka pa kung magko-commute ka," alok ko sa kaniya. Para na rin makakuwentuhan ko pa siya sa biyahe."Uy gusto ko 'yan, pare! Makakatipid ako ng pamasahe," masiglang sabi niya."Siraulo ka talaga, pero pagbibigyan kita sa ngayon. Humanda ka na lang sa susunod nating pagkikita. B