Share

Chapter 4

"Well, you have a point, maybe I was."

Nagsimula na kaming lumakad papuntang resto. Wala pa ang mga employees dahil 7 o'clock pa naman ang call time nila.

Binuksan ko na ang main entrance ng resto at nilapag muna ang dala ko.

"You can wait here, okay? I'll get you some food to eat," tiningnan niya lang ako at tinanguan.

Pinaghintay ko muna siya sa kahit saang parte ng resto na gusto niya habang papunta ako sa kitchen area.

Nag-prepare lang ako ng spaghetti since ito lang ang mabilisang lutuin. Kumuha na rin ako ng slice ng custard cake sa fridge. Wala pa kasing ingredients kaya wala pa akong malulutong ibang pagkain.

We serve newly cooked dishes everyday. Minsan ay cook while you wait nga sa orders kung wala sa menu ang gusto ng customers, as long as available lang ang ingredients. Ganyan kami ka flexible.

"Miss, eto na..." biglang nawala ang babae. Nandito lang 'yon kanina eh, baka lumabas na. Napalinga-linga ako sa paligid upang hanapin siya.

"Hey!"

"Ay, multo!" gulat kong sigaw.

"Nanggugulat ka naman, Miss. Muntik na 'kong atakihin sa puso." Ang bilis ng pintig ng puso ko sa pambibiglang 'hey' niya. Bigla ba namang sumulpot at bumulong sa tenga ko.

"Oh, did I just startled you? My apologies. I'm just taking a look at this place and it's indeed beautiful. Do you own this?"

Iginaya niya ang kaniyang paningin sa paligid.

Tumango ako. "Thank you for appreciating and yes. I really made this place beautiful because I just don't want to fill in our guests with good food, but also with good ambiance."

Ilang buwan din ang iginugol sa pag-come up ng design at structures nito. Masinsinan talaga, kahit pa baguhan pa lang ako sa ganito. Good thing dahil may iilan na ring nagbibigay ng compliments sa ambiance ng resto.

Kunot-noo niyang tiningnan ang pagkain sa table. "Are you giving this for free? I don't have any here," sabay taas nang bahagya sa mga palad niya.

"Ah, just don't mind. Just eat that," nakangiti kong saad.

"Thank you."

Pinanood ko lang siya bago niya subukang kumain.

"Jusko po, anong—" napatakip na lang ako ng bibig. Grabe 'to. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Totoo ba 'to? Ilang beses n'yang inabot ang tinidor pero tumatagos ito sa kamay niya.

"What is happening? Why I can't even grab it?" naguguluhang tanong niya.

Bigla na lang siyang tumayo mula sa pagkakaupo at tiningnan ang nahulog na kubyertos. Lumapit ako sa kaniya at na nginginig na kinuha ang tinidor.

Nahawakan ko naman ito. Saka binalik ko ito ulit sa mesa at sinubukan n'ya namang kuhanin, pero niya talaga madampot.

Sunod-sunod ang pagkakawala ko ng buntong hininga at maging siya rin.

"Unbelievable," napasapo ako sa bibig ko.

"Okay, do you remember anything? How about your name?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya na nagpabasag sa kanina pang katahimikan.

Halos ilang minuto rin kaming walang imik, siguro nagulat pa sa nangyari kanina.

"No, I don't have any idea who I am and where I came from," sabi niya at napa-iling. Halatang dismayado siya sa kaniyang sariling sagot dahil naka-pout pa siya.

"I'll help you know your identity, okay? I'll help you, stop crying." Kanina pa kasi siya humihikbing parang bata rito habang may ilan akong itinatanong sa kaniya.

"I just can't help to shed tears for myself. Why is this happening to me? Why I can't be seen by others except you?" humahagulgol niyang sagot.

Kaya ang ginawa ko, hinaplos ko ang likod niya kahit tumatagos man ito. Kahit na rin kinikilabutan ako sa pinaggagawa ko at naninindig na ang mga balahibo.

Bigla namang bumukas ang main entrance door at pumasok si Chief Joemar. Napaayos agad kaming dalawa ng babae.

"Good morning, Sir. Ang aga niyo ata ngayon. Ah, dito kana magb-breakfast, Sir?" Tiningnan niya ang spaghetti at cake sa table na para sana sa babae.

"Good morning din, Chief. Oo, dito ako kakain," pagsisinungaling ko. Buti hindi ako nautal.

"Kayo po? Sabayan mo na 'ko rito," pag-aaya ko sa kaniya.

"Ay nako, Sir. Salamat na lang po. Tapos na kasi ako kanina kumain sa malapit na karenderya sa 'min," pagtanggi niya.

"Ah, gano'n po ba? Sa lunch nalang po, sabay naman kayo ng iba mong mga kasamahan dito 'di ba?"

Free meals kasi lahat ng employees ko dito araw-araw kaya no problem sa kanila ang pagkain. Hindi ko kasi kayang maatim na habang sila nagpapakahirap sa pagkilos, kumakalam ang kanilang mga sikmura. Naranasan ko na kasi 'yon no'ng namamasukan pa ako bilang staff. Walang trabahong madali kaya dapat pahalagahan din ang sariling kapakanan para makagawa ng maayos ang mga tungkulin.

Tumango naman siya, "Opo, Sir. Napakabait n'yo po talaga. Salamat."

"Walang anuman. Sukli ko lang 'yon sa serbisyo niyo. Sa opisina muna ako," pagpapaalam ko.

Tiningnan ko 'yong babae na parang nakikinig sa usapan namin pero halatang walang naintindihan. Binitbit ko na lang ang tray na may lamang pagkain sa opisina ko.

"Miss, you can follow me inside so we can think of something we can do about your situation," pabulong kong sabi sa kanya kaya sumunod naman siya sa 'kin.

Pumwesto na ako sa working table ko at siya naman, nakatayo lang habang nakaharap sa 'kin.

"So, I'm the only one who can see you as of now, right? But when I'll just casually talk to you, others might think that I'm crazy. I mean it's like I'm talking to myself," pagpapaliwanag ko sa kaniya while she's just staring at me.

May something ba sa mukha ko?

"Let's be careful on working with this, I'll talk to you as if I'm talking to someone on phone," mungkahi ko.

"Okay, if that's what you want," tipid naman niyang tugon.

Natahimik na naman kami. Bakit ba kasi napadpad siya sa lugar na 'to at ako lang daw ang nakakakita sa kaniya. Alam kong imposible pero posible talaga eh. Ni hindi nga napatingin sa gawi niya si chief Joemar kanina.

"Wait, can you decide for your name for the meantime? So, I can call you by it. It's too awkward calling you Miss most of the time."

Masyado naman kasing pormal kung palaging Miss ang tawag ko sa kaniya. Nasanay lang akong maging casual sa mga nakapaligid sa 'kin.

"You do. Please give me a name you can call me," biglang sabi niya. Ano ka mo? Ako? I'm not good at it.

"Are you sure of the idea that I'll be the one deciding for your name?" napataas ang isang kilay ko habang kinukumpirma ang sabi niya.

Ako talaga magpapangalan sa kaniya? Nag-suggest lang naman ako eh, 'di ko naman sinabing ako ang gagawa.

"Yes, please," blangkong sabi niya.

Mukhang wala nang atrasan 'to, ako na talaga gagawa eh. Ano bang bagay sa kanya?

'Di kaya, Beauty? Ang ganda kasi niya. Iba na lang siguro.

Hmm, Angel? Kasi para siyang anghel. Baka isa pala siyang anghel o guardian angel na ipinadala sa 'kin. Sana naman dadagdag 'to sa swerte namin.

Ang hirap pa lang mamili ng ipapangalan. Parang naalala ko sa kaniya si Angelina Jolie.

"Angelie, is it okay with you? I'll call you Angelie. Well if not, I can—"

"It's common, but still a nice name," she nodded. "Angelie," pag-uulit niya. Nakangiti na siya ngayon. Nasisiyahan ba siya na pinangalanan ko siya?

"Hi, I'm Angelie. And you are?" Inilahad niya ang kamay na parang makikipag-shake hand, hinihintay ang response ko.

"I'm Matteo Salvador. Nice to meet such an angel like you, Angelie."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status