Share

Chapter 5

"Sir," katok ng staff sa opisina ko.

"Come in," tipid kong sagot habang patuloy sa pagb-browse sa laptop ko.

"Good morning, Sir. These listed will be your schedule for today." Si Rose pala.

"Okay, thank you, Rose," sabi ko nang hindi inililihis ang atensyon sa laptop.

"Ah, Sir. Bumisita po pala 'yong mother at mga kapatid mo kahapon. Hinahanap ka po at pinabibigay 'to," iniabot niya sa'kin ang isang maliit na paper bag.

"Ang bait po talaga ni Ma'am Sandra, binigyan din niya po kaming lahat ng tig-iisang calamay na nasa isang coconut shell," nakangiting sabi ni Rose.

Napadaan pala sila Mama rito. Sayang naman at hindi kami nagpang-abot.

"Ah sige, Sir. Labas na 'ko. Tuloy lang po kayo sa ginagawa n'yo," pagpapaalam niya.

"Salamat, Rose."

"You're welcome po, Sir."

Nakalimutan kong nag-message pala sa 'kin si Mama kahapon at sinabing may pupuntahan daw dito sa Manila, dito pala 'yon sa restaurant ko.

Ini-dial ko ka agad ang number ni Mama.

"Hello, Ma," bungad ko pagkasagot niya ng tawag ko.

"Hello, nak. Naabot na ba sa'yo ang pinabibigay ko?"

"Ah opo, Ma. Ngayon lang po," sabi ko habang tiningnan ang paper bag at inilagay sa table. Ni-loudspeaker ko na lang ang phone ko para 'di na 'ko mahirapan makipag-usap kay Mama.

"Bubuksan ko na po."

"Galing kasi kami ng Bohol, no'ng isang linggo. Pumunta kami dahil dumating na ang Auntie Melie mo at magre-retire na raw sa pagiging OFW."

Si Auntie kasi ay ang kapatid ni Mama na nanay ng pinsan kong si Gerome. Halos dalawang dekada rin siyang nagtrabaho sa ibang bansa bilang head cook sa isang pamilya. Sigurado akong ang nag-iisa niyang anak ang lubos na matutuwa sa balita.

"Talaga, Ma? Kaya pala mukhang masaya si Gerome nitong nakaraan."

Sinimulan ko nang tanggalin ang nakastaple sa bag. "Sa 'min 'to ni Gerome, Ma? Pero bakit apat to? Dalawa lang naman kami."

Apat na coconut shells kasi ang laman ng bag. For sure ito 'yong sinabi ni Rose na calamay. Ang sarap namang ipares nito sa tinapay at mainit na inumin sa umaga.

"Ikaw nang bahala, anak. Pinasobrahan ko talaga 'yan para sa inyo. Alam kong na-miss mo 'yan, lalo na ng pinsan mo."

"Sige, Ma. Makakarating 'to sa kaniya, salamat po. Nag-abala pa tuloy kayo."

"Nga pala, nakapasyal din kami sa Chocolate Hills at Tarsier Sanctuary," halata sa boses niya ang sigla at parang nagyayabang.

"Hala ang daya, 'di talaga ako inayang sumama," sabi ko at nagtunog nagseselos.

"Eh, busy ka raw."

"Hay, nakaka-inggit naman kayo. Send mo sa 'kin mga pictures ninyo habang nando'n kayo, Ma." Ilalagay ko lang kasi sa photo album namin na ginawa ko as remembrance.

"Oo, ipapa-send ko sa kapatid mo. Nagamit nga namin ang bigay mong camera, ang gaganda ng kuha namin."

Niregaluhan ko kasi ang kambal ng DSLR lalo na't gamit 'yon sa pagiging photo journalist ni Angelo.

"Mabuti naman, Ma."

"Sige, nak. Baka busy ka, nangangamusta lang naman ako. Ingat ka palagi at 'wag pabayaan ang sarili."

"Opo, Ma. Ay nga pala, baka bibisita kami ni Gerome sa inyo bukas."

"Talaga? Aasahan ko 'yan ha, bye."

Pagkaikot ko sa swivel chair, nakita ko si Angelie. Nagugulat pa rin ako kapag bigla na lang siyang sumusulpot sa harapan ko.

"Oh, I'm sorry. I forgot that you're there," sabi ko sa kaniya.

Sumunod pala siya sa'kin.

"What's that?" tingin niya sabay turo sa laman ng paper bag.

"Ah, this is a sweet delicacy from Bohol, somewhere in Visayas. This is called calamay," sabi ko, sabay hawak ng coconut shell na may calamay sa loob.

"Oh, I see. I think that's delicious and its packaging is quite unique," manghang sabi niya.

"What is it called again? Cal-calmey?" pagpupumilit niya. Ang cute naman ng pagkaka-pronounce niya. Ang sosyal masyado.

"Yes, so tasty. These are coconut shells that were shined. It is ca-la-may."

"I want to taste it but I can't," pekeng tawa niya at biglang lumungkot ang expression.

"I'm sorry, Angelie. I'm quite busy about some business matter. I still don't know how to help you right now." Binigyan lang n'ya ako ng tipid pero matamis na ngiti.

Hindi ko pa rin nagagawan ng paraan ang sitwasyon niya. Nakabuntot lang siya lagi sa 'kin pero walang imik. Nginingitian niya lang ako minsan.

"Tara na?" tanong ni Gerome sa 'kin habang inaayos ang mga food containers sa back seat ng sasakyan.

"Sure ka bang ikaw ang magd-drive? Mahaba-habang biyahe 'to?" kunot noo kong tanong dahil gusto niyang siya raw magdrive papunta roon.

"Oo naman, ikaw nalang magdrive pauwi. Deal 'yon," sabi niya at pumuwesto na sa driver's seat.

"Ah, sige ba," pagsang-ayon ko sa kanya.

Umabot din ng halos isa at kalahating oras ang biniyahe namin. Mabuti nalang at wala pang traffic dahil maaga kaming lumuwas. Sakto namang pagdating namin dito ay magtatanghalian na.

"Sinong kakatok?" sabi ko sa kasama ko habang dala-dala ang pinagpatong na tatlong food containers na may carbonara, lasagna, at maja blanca. Kanina pa kaming nagtutulakan sa mga gagawin namin.

"Sige na nga, ako na," sabi niya sabay hawak ng isang kamay lang sa dalawang patong n'yang dala na may lamang fried chicken at bihon.

Agad-agad din naman kaming pinagbuksan ni Mama.

"Oh, nandito na pala ang hinihintay nating lahat. Halina kayo mga anak, pasok." Kinuha ni Mama ang nasa pinakaibabaw kong dala at inilapag sa mesa.

Niyakap ko agad si Mama at sumali rin ang mga nakakababata kong mga kapatid. 'Di katagalan, dumating na rin sila Kuya upang personal na ianunsyo ang magandang balita kahit alam na naman ng lahat.

"Oh siya, tikman na natin ang idinala ng ating magaling na Chef Matteo. Lahat nang 'to ang lalantakan ko."

"Pakuhanin ninyo muna ang mga chikiting at parang nasasabik na silang matikman ang mga masasarap na pagkaing nakahain."

"Kuya, ano 'yang white na square? White brownies po ba 'yan?" bibong tanong ni Jyll sa akin. 'Yung maja blanca ang ibig niyang sabihin.

Napangiti na lang ako sa tuwa habang pinagmamasdan silang nag-eenjoy sa mga niluto ko.

Parang naging mini-reunion ang pagbisita namin ni Gerome kina Mama. Pa'no, ininvite ang iba naming mga kamag-anak sa kabilang barangay.

Buti na lang at nagsabi si Mama na marami siyang inimbitahan kaya mukhang halos kalahati ng menu sa resto ang nadala ko.

Kahit wala namang okasyon sa araw na 'yon, ini-celebrate na namin ang homecoming ni Auntie Melie, kaso sa videocall lang siya nakasali. Pati na rin ang paparating na new member ng family.

Excited nga ang ibang matatanda na pumunta sa Bohol lalo na't malapit na ang pista.

"Basta, sa nakagawian ha? Mas masaya tayong magdiriwang ng pista kapag marami tayo. Sana naman kayo, lalo ka na Matteo ha. Pumunta ka sa Bohol, magbakasyon ka roon. Kahit ilang araw lang para personal ka namang makita ng ibang pinsan mo. Ipatikim mo rin sa kanila ang mga specialty mo," pang-eengganyo ng isa kong tiyahin.

Nakakatuwa lang na lahat sila ay masasabi ko talagang masaya. Kahit sa kaunting salo-salo lang, alam mong na-appreciate nila ng sobra ang efforts ng bawat isa.

Kasi nga, genuine happiness comes from within, and often it comes in spontaneous feelings of joy. Na kahit saan o kailan, basta't kapiling mo ang mga taong mahalaga at nagpapasaya sa'yo. Wala naman kasing oras at lugar na pinipili ang chance na maging masaya. We could be happy if we want to be. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status